pag bukas ko ng pinto
O_O
may matanda sa harapan ko. akala kopa naman siya na ang fairy god mother ko.
"naligaw po ba kayo lola?" magalang na tanong ko
"ah-eh hija ikaw si Zoe?"
"ako nga po"
"eh kung ganon tumabi ka at papasukin moko, dami mopang arta dyan" mataray na sagot nya.
kaya pina'pasok at pina'upo kona siya sa sofa.
" eh lola sino po ba kayo?" feeling ko nasa 70 years old na sya.
"ako ang magiging yaya mo. just call me yaya Saleng"
"HA?! hindi ko kaylangan ng yaya. sino nagsabing magiging yaya kita lola?"
"isa pang beses na tawagin mo ako ng lola sasabunutan kita, 72 palang ako kaya hindi pa ako ganon ka tanda. para sagutin yang tanong mo, pinadala ako dito ni Ren kaya wag kang umarte dyan" mataray na sagot niya saken.
"ah sorry naman po yaya Saleng" walangyang karen to, humanda sya mamaya saken.
"sabi po kase ni karen dadating ngayon yung mag ma-make over saken."
"oo ako din yun" sagot nya
"H-HO!?"
" wag kang sumigaw hindi ako binge!"
"ah.sorry po. pero seryoso ikaw yun lola?"
"ARAY!" pinitik ba naman yung noo ko "ba't po ninyo ako pinitek?"
"i told you don't call me lola. sa susunod na tawagan mo akong lola kakalbuhin kita"
"ikaw naman yaya saleng, joke lang yun."
"tara na. ayusin kona yang mukha mo ng matapos na yung make-over mo."
after 1 hour............................
"ayan tapos na... hmmmm. wait my kulang.. suot mo to"
sabay abot nya saken ng eyeglass.."hindi naman po malabo mata ko eh" sagot ko sakanya
"i-susuot mo oh kaylangan pa kitang bulagen?!" galit na tanong nya
"sabi ko nga po susuot ko.hehe " isang oras nyang pinag experiment yung mukha ko at hanggang ngayon hindi kopa nakikita itchura ko, gusto nyang tumingin ako sa salamen pag tapos na daw yung ginagawa nya.
"sige pwede mo ng tignan yang mukha mo sa salamen"
ang mukha ko
O_O
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
oo, tama kayo sumigaw ako. pano ba naman hindi ko makilala ang babaeng nasa harapan ko. sobrang dark ng skin ko at naka wig at ang worst na part naka eyeglass. pano nya nagawa ito? maski ako hindi ko makilala ang sarili ko..
"nagustuhan moba?" nakangiting tanong nya.
"Pa-pano mo ito nagawa
" nauutal na tanong ko?". dahil hindi talaga ako makapaniwala.
"Magic ang tawag dyan Zoe" nakangiti parin sya..
"kyaaaaaaaa! salamat!" niyakap ko sya sa sobrang saya. dahil sa mukhang ito magiging free ako. hindi ako mahahanap ni lola.
"o-okay kalang ? talagang nagpasalamat ka ?" nagtatakang tanong nya, alam kong hindi nya ina'asahan ang pag yakap ko sakanya..
"opo. thank you po talaga"
"alam mo napaka bait mong bata, ang akala ko magagalit ka matapos kong gawing ganyan ang itchura mo. kahit anong pagtataray ko sayo hindi ka nagagalet. kung gaano kaganda ang panglabas mong anyo ganun din kaganda ang ugali mo.ngayon alam kona kung bakit bestfriend ka ni Ren" yung ngiti nya ngayon ay hindi fake, di tulad ng mga ngiti nya kanina na nakakatakot..
"hindi nyo po alam kung gaano kalake ang tulong nyo saken yaya saleng."
"yaya saleng, pweding dito nalang po kayo tumira?" tanong ko sakanya tutal wala din akong kasama dito
"talagang dito ako titira hija, dahil araw-araw akong mag aayos sayo."
"talaga po? eh pano po yung pamilya nyo baka hanapin kayo." tanong ko. kase baka hanapin sya ng pamilya nya
"wala akong pamilya" sagot nya, bigla tuloy akong naawa sakanya.
"sorry po"
"hindi mo kaylangan maawa saken." sagot nya
"kung ganon yaya saleng magmula ngayon magiging pamilya tayong dalawa. okay lang po ba?" tanong ko sakanya. napansin kong ngumiti sya kaya ngumiti na din ako.
"oo naman. swerte ko may apo akong kasing ganda mo" sagot nya
"PO?! tinawag nyo akong apo?" ang alam ko ayaw nyang mag-patawag ng lola, eh ba't bigla nya akong tinawag na apo? "so ibig sabihin po nyan pwedi ko kayong tawaging lola?" tanong ko
"oo" nakangiting sagot nya.
"thankyou po!" sabay yakap ko sakanya.
"ako dapat ang magpasalamat sayo Zoe"
----------------------
kc ^_^
BINABASA MO ANG
Hiding True Beauty
Teen FictionMost likely if she's hiding natural beauty then she's hiding something...