Chapter 7

41 0 1
                                    

Elzoe POV

Hayyy salamat at nakauwi na din ako sa condo.
Naging okay naman yung unang araw ko sa school maliban panlalait ng mga estudyante sakin.

"Hi yaya saleng!" Bati ko sakanya.

"Oh Kumain ka muna Zoe" sabi nya sakin matapos nya akong makitang palabas ng condo.

"Maya nalang po. May bibilhin lang po ako sa malapit na mall" Hindi kona hinintay pa yung sasabihin nya.

Simpli lang naman ako, matapos Kong tanggalin yung mga nilagay ni yaya saleng sa mukha ko kanina at yung wig na nilagay din nya, nilugay ko nalang yung buhok ko nagmadaling magbihis  ng short and crop top jacket.

Dahil nasa 11th floor ang condo ko, pagsakay ko ng elevator huminto ito sa 8th floor.

Nagulat Ang lalaking nasaharap ko ngayon. Isa to sa lalaking nakita ko sa mall nung isang araw.

"Hi! Anong ginagawa mo dito?" Nahihiyang tanong nya, na pinagtaka ko naman.

"Uhhmmm. Naka sakay sa elevator?" Walang ganang sagot ko. Gwapo tong lalaking to. Pero hindi ako basta nadadala sa kagwapohan Lang.

Halatang Hindi nya alam Ang sasabihin nya.

"Ako nga pala si Stefan, you can call me Stef. San punta mo? Gusto mong samahan kita?" Sabay ngiti nya saken

"Hindi na, Salamat nalang"
Hanggang sa bumukas na yung elevator. Nagmadali na din akong umalis. Since naka park na yung Uber na binook ko.

Pag dating ng mall, napansin Kong tumatawag si Ren.

"Hey! I miss you" bungad ko agad sakanya.

"ELZOE! Where the hell are you?!" Sigaw ng kabilang linya. Shit so Kuya Zairon yun.

"Kuya! I miss you too" pasigaw kong sagot sakanya.

"Tell me where are you? Are you with someone, if I find out you're living with Tristan I'm gonna fucking kill that man!" Galit na sigaw nya.

Teka naman unggoy ka! You don't have to frickin yell at her. I told you she's doing fine. Sigaw ni Ren sa Kuya ko. Minsan talaga aso at pusa tong dalawang to.

"Kuya, I'm fine. I'm doing great here. Kaya don't worry na kase" alam ko naman hindi din naman nya ako matitiis.

"Okay fine! Tell me where you at, and I will visit you next month. I have to make sure that my baby is okay" at the age of 20 binibaby parin nya ako.

Unggoy akin na nga yan! Papansin ka. Umuwi ka na nga. Inubus mona naman yung luto kong bwisit ka. Sigaw ni Ren sa kabilang linya.  Hindi kona sila pinansin at pinatay kona cp ko.

Pumunta ako ng Starbucks para bumili ng maiinom.

Hiding True BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon