Chapter 6

18 1 0
                                    


"Oo nga pala El, no offense pero hindi ka mukang mayaman. So pano ka nakapasok dito?"
Tanong sakin ni Monique

"Scholar ako dito Niq, na perfect ko daw kase yung entrance exam"
Halata naman sa itchura nya yung pagka gulat.

"Talaga, Hindi ko alam na tumatanggap sila ng scholarship dito. Pero natutuwa ako kung ganun kase at least May bago akong kaybigan. Tara sa admin para makuha na natin yung ID and schedule mo"  sabay hila nya sa kamay ko.

Habang naglalakad kame ni Monique napansin kong halos nadadaanan namin ay tumitingin ng parang nagtataka. May mga bulong bulongan din akong naririnig.

"Sino yung kasama ni Monique, Ang creepy ng itchura"

"Baka katulong nila" sagot naman ng isa.

"Ang panget, Hindi naman cguro student dito yan"

"Imposibling makapasok yan. Muka syang basorera. Haha"
At naririnig namin silang nag tawanan.

Huminto naman si Monique sa harap nila.
"Hoy mga anak ni kokey! Magsilayas nga kayo dito. Kung wala kayong sasabihing matino itikum ninyo yang mababaho nyong bunganga! Kung ayaw nyong ipatapon ko kaya sa labas" galit na sigaw ni Monique hindi ko tuloy napigilan matawa sakanya. Kaya tuloy nagtaka sya sakin.

"Hoy El, Bakit ka naman natawa jan?" Natanong nya sakin.

Sa totoo lang natutuwa akong may nanlalait sakin, Kase hindi ako sanay. Cguro yung iba iiyak or makikipag away, honestly sakin naman okay na to at least parang normal yung buhay ko.

"Nakakatawa kase yung muka nila, dahil sa takot sayo. Haha" sagot ko sakanya.

"Nako Ewan ko sa mga tao dito, akala nila sobrang perpekto nila. Wag mo nalang pansinin ah, kase for sure maraming ganyan dito. Mga anak mayayaman kasi"

"Hindi naman cguro lahat ng mayaman ganyan yung ugali Niq. Kase Ikaw anak mayaman ka pero hindi mo naman ako nilait" sabi ko sakanya.

"Kase El, mayaman man ako hindi ko tinuring na yaman ko yung meron ang pamilya ko. Kaya feeling ko hindi ako mayaman" Mas lalo kong nagugustuhan yung ugali nya. Kase may pinagka parehas kame.

At the age of 14, may mga kompanya yung family namin na nakapangalan na din sakin. Pero ni minsan hindi ko tinuring na sakin tlga yun.

Pagdating namin sa admin, si Monique na ang nakipag usap.

"Good morning Ms.Pasyon, kuhanin po sana namin yung schedule ni El Reyes"

"Good morning Monique, eto yung schedule nya." Ni hindi man nya ako tingnan.

"Ang bilis naman nun niq, nasakanya agad yung sched ko"

"Kase El, bilang Lang naman Ang mga nakakapasa sa entrance exam at requirements ng school na to."

Sagot nya sakin sabay tingin nya sa schedule ko. Since nasa 2nd year college na ako para ituloy Ang course kong BSM.

"OMG El, parehas pala tayo ng course?! Haha May apat na classes tayong magkasama. Kaya pwedi tayong sabay mag lunch.  Tara hatid na kita sa first class mo" sabay hila na naman nya sakin.

Masayang sabi nya sakin. Sa totoo lang excited at kinakabahan ako kase ito yung unang besis na mag aral ako sa eskwelahan. Nung nasa US kase ako mga teachers ang pumupunta sa Bahay.

"Niq, kinakabahan yata ako"

"Nako okay lang yan El. Basta awayin mona lahat wag lang yung mga Siga dito. Kase for sure aawayin ka ng lahat ng mga students dito. Mamaya kona sabihin lahat kase Baka malate kapa"

Hiding True BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon