Ikatlo

106 10 53
                                    


Welcome to Letum Street.

Pagbasa ko sa isip ko, kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin. Pakiramdam ko ay biglang natuyot ang lalamunan ko dahil sa kakaibang kilabot na ibinagay sa 'kin ng nabasa kong 'yon.

Shit... Natatakot na ako. Nasaan ba kase ako? Ayoko na dito!

Think, Mada! Think!

Sa kabila ng pilit kong pag-iisip ng sagot sa mga ka tanungan ko ay mas lalong pinapa kabog ang dibdib ko sa kaba dahilan para walang pumasok na solusyon sa isip ko kung paano akong makaka alis dito.

Mas gugustuhin ko pang damdamin ang paghihirap ko kala mama, kesa mapunta sa lugar na'to na puro bahid ng dugo. Para bang galing itong lugar na 'to sa digmaan at madaming nasawi. Pero kapansin-pansin lang sa paningin ko na' yong iba ay sariwa pa ang dugo.

Punong-puno na ang utak ko ng katanungan. Unang una na diyan ay na saan ba kase ako?

Medyo umayos-ayos na ang lakad kong nagpatuloy sa pagpasok sa malaking iskinitang iyon na napapalibutan ng mga nagtataasang puno.

Hinawi ko ang mga nakaharang na damo sa daanan ko at tuluyan ng tumambad sa paningin ko ang lugar.

Shit!

Tumambad sa paningin ko ang mga sirang gusali. Puro 'yon bahid ng dugo. Mga sirang sasakyan, na nasisiguro kong nanggaling sa bungguan. Madaming taong naglalakad na tila ba mga wala silang pakielam sa paligid. Pinuno ng kulay dilaw na ilaw ang buong lugar, kapansin-pansin din ang papatay-patay ng ilaw. Hindi na ako magugulat na hindi na ito aabot kinabukasan dahil mapupundi na 'to.

Inihakbang ko ang paa kong nanginginig papasok, hawak ko ang tiyan kong dahan-dahang naglakad, ngunit napahinto din ako ng sa limang hakbang pa lang ako ay naagaw ko na ang atensyon ng lahat.

Natuyot ang lalamunan ko ng tignan ako ng nanlilisik nilang mga mata. Nanginginig ang buong katawan kong iginala ang paningin sa mga taong natigil sa ginagawa.

Ang mga lalake ay maskulado at pana'y tattoo ang katawan. Samantalang ang mga babae naman ay kakikitaan ko ng katapangan dahil sa itsura nilang blanko at walang emosyon.

Kung tignan nila ako ay para bang isa akong salta, na ngayon lang nila nakita. Nakakatakot. Nung malayo pa ako ay naririnig ko ang tawanan, ngunit nang makarating naman ako dito ay tahimik lang ang lahat na naglalakad.

Pinagmasdan ko pa ang kabuuan nila at hindi nalalayo ang kanilang mga suot sa isa't-isa. Pare pareho silang naka suot ng kulay berdeng pantalon at t-shirt kagaya ng kulay nung sa uniporme pang sundalo. At kataka takang na lahat sila ay may mga hawak na armas. Pana, espada, sibat, baril at mga naglalakihang palakol sa mga lalaki.

What the!?

Iba't-ibang uri at klase ng espada ang mga hawak nila. Napapamilyar pa ako sa hawak ng matangkad na babae na 'yon na ang hawak niyang espada ay Cutlass, Isa itong espada na may hubog at malapad na talim. Kadalasan kilala ang espada na' yon sa pamputol ng kahoy o matitibay na puno, ngunit nasisiguro kong sa talas non ay nakakahiwa ng balat.

Namamangha akong napatingin sa mga kababaihan ngunit agad ko ring ipinagmukang matapang ang aking muka dahil nababatid kong ang mga taong 'to ay hindi basta-basta.

Napaawang ang labi ko, upang kahit papaano'y makalanghap pa ako ng hangin. Nanatili akong nakatayo habang ang kanang kamay ay nakahawak sa tiyan. Ramdam ko na ang panlalabo ng paningin ko. Dahil marahil sa sobrang pagod at gutom. Para bang napakalayo ng nilakad ko, gayo'y nakaramdam lang naman ako ng gutom ng makita ko ang mga kakaibang taong 'to.

Ehh tao ba talaga sila?

Dahil sa isiping yon ay napahawak ako sa sentido ko.

Malamang tao sila. Kitang kita naman na ng mga mata mo na tao sila.

Street Of LetumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon