Simula

12 2 0
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa classroom ko. Asar naman kasi! Ang layo pa noong tinutuluyan ko. Tapos ang layo pa ng building ko! Kung minamalas ka nga naman! Kung bakit naman kasi 7:38 na ako nagising! Kaasar naman kasi si Steph, sinabi ng gisingin ako ng 6:30 pero hindi naman ginawa! Naku at makakatikim talaga sa akin yun mamaya pagkauwi ko ng apartment namin! Wala na gaanong tao sa pathway at lobby. Panigurado ay Nagsimula na ang kanya-kanya nilang mga klase. May nakita naman akong mga nagppractice ng soccer sa field. Umismid nalang ako.

Hinihingal akong nakarating sa floor kung saan ang classroom ko, walang hiya! Third floor rin ito. Buti nalang at Vans ang gamit ko at hindi ko naisipang magheels. Huminga muna ako ng malalim at saka ko binuksan ang pinto. Ng binuksan ko ang pinto ay pumikit ako. Dahil panigurado ay papagalitan nanaman ako ni Maam Brillones neto. Strikta pa naman iyon lalo na at major ko ang subject na ito. Naghihintay ako ng pagsigaw ngunit wala akong narinig. Iminulat ko ang isang mata ko at laking gulat ko ng walang kahit ni isang tao sa loob. Naguguluhan ako!

"What the? Where the hell are they?" Tanong to sa sarili ko. Narealize ko na ang tanga ko dahil wala naman sasagot sa akin. Mag-isa lang ako. Shit lang! Umalis na ako doon sa classroom dahil wala rin naman akong mapapala roon. Bababa na lang ako! Habang pababa ako ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at agad na dinial ang numero ng isa sa mga kaklase ko. Matapos ang iilang pagring ay sumagot din agad si Shai sa akin. Hindi ko na ito hinayaang makapagsalita dahil agad ko itong tinanong.

"Shai? Nasaan kayo? Narito ako sa classroom pero wala namang tao!" Tanong ko na para bang isang kalabit nalang ay sasabog na!

"Huh?" Tanong sa akin ni Shai na tila bang naguguluhan. Mukhang bagong gising pa ata siya. Magsasalita pa sana ako ulit ng magsalita siyang muli. "Misaki ayos ka lang ba? Hindi ba at nagsabi si Maam Brillones nung biyernes na hindi siya makakapasok ngayong lunes?"

"What?!" Napasigaw na talaga ako sa sobrang inis! Hinilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko. Aatakihin na ata ako ng highblood! Hindi ko na sinagot si Shai at binabaan ko na siya ng phone. Grabe na ang pagmumura ko sa isipan ko ngayon. Paano ko ba nakalimutan?! Kadalasan yang mga petsa na walang klase ay paniguradong di ko nakakalimutan. Hindi ko talaga maalala na may sinabing ganoon si Maam Brillones nung isang linggo. Ano ba ang ginagawa ko nung mga panahong nag-announce siya?

"Shit." Napamura ako ulit. Nasa may field na ako ngayon. Paniguradong lutang nanaman ang pag-iisip ko nung mga panahong sinabi niya na absent siya ngayong lunes. Nakakailang shit na yata ako sa isip ko. Hindi ako makapaniwala sa katangahan ko na ito!

Saan na ako pupunta ngayon? Mamayang 10:30AM pa ang susunod ko na klase. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na 8:44AM palang. Hindi ko naman matawagan si Steph dahil alam ko na busy yun.

Habang nag-iisip kung saan ako pupunta ay nakaramdam ako ng gutom. Hindi nga pala ako nakapagbreakfast! Hindi ako sanay ng hindi kumakain tuwing umaga. Okay! Oras-oras! Hindi ako sanay ng hindi kumakain oras-oras lalo na kapag vacant. Kaya sumusuko na si Steph na kasama ako. Parang hindi man lang daw ako nakakaramdam ng kabusugan. Hindi naman ako tumataba! Ang sexy ko pa rin kahit madalas akong kumain. Saan kaya magandang kumain? Kailangan ko magtipid.

"Miss umilag ka!"

"Sa Wendys nal--" bigla akong natamaan ng bola sa ulo kaya napaupo ako. Narinig ko ang ilang mga napasinghap.

Napahawak ako sa tinamaan ng bola. Shit! Ang sakit! Pakiramdam ko ay maiiyak na ako pero hindi pwede! 18 na ako tapos iiyak ako in public?! Shit no! Pero ang sakit talaga ng ulo ko! Humanda talaga ang may kasalanan nito! May quiz pa naman kami mamaya sa Surveying! Pag ako walang nasagot babalatan ko talaga ng buhay ang walang hiya na may sala nito! May narinig ako na parang nagtatalo.

The Fortienza MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon