Kabanata 2

10 1 0
                                    

"Huwag kang bastos! Nag-uusap pa tayo! Ang kapal din naman ng pagmumukha mo na talikuran ako! Walang pwedeng gumanyan sa akin. Hindi ka man lang ba marunong mahiya?!" Sigaw ko sa halimaw na nasa harapan ko. Tuloy-tuloy lamang ang pagyayawyaw ko sa kanya. Malalaki at mabibilis ang hakbang ang ginawa nito papalapit sa akin. Alam ko dapat ay natatakot na ako ngayon, ano ba naman ang laban ng sexy ko na katawan sa bato batong nakatambak sa katawan ng halimaw na ito? Kung sakali man na patayin niya na ako ngayon, may mga witness naman. "Grabe ka! Paano ka ba pinalaki ng mga magulang mo?! Ilan ang GMRC mo nung highschool?!" Nung nakalapit na ito sa akin ay inangat nito ang kanang kamay niya, napapikit naman ako dahil hinihintay ko ng suntukin niya na ako. Pero laking gulat ko ng hinawakan nito ang braso ko at bigla akong hinalikan. Kasing laki na ng saucers ang mga mata ko ngayon. Para akong nakuryente ng lumapat ang labi namin sa isat isa. Naramdaman ko na gumagalaw yung labi niya. Tila bang inuudyok ako nito na halikan siya pabalik. Napapikit ako sa sensasyon na ibinibigay sa akin ng lalaking ito sa pamamagitan lamang ng paghalik nito sa akin. Nung hahagkan ko na rin sana siya pabalik ay lumayo siya kaya napamulat ang aking mga mata. "That shut you up." atsaka kinaladkad papasok ng Chevy niya. Ng naipasok niya na ako sa passenger seat ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan. Tila wala ako sa sarili ko. Ano yung nangyari?! Ni hindi ko nga kilala ang lalaking ito! Malayo na kami sa school ng marealize ko kung ano na ang nangyayari at saka ako nagwala.

"Oh my God! Ihinto mo ang sasakyan! Ihinto mo!! Halimaw ka! Ibaba mo ako! Naku! Ang tanga ko talaga! Mamaya kung saan mo ako dalhin! Shit! Alam ko pagbubuhatan mo na ako ng kamay kanina! Shit! Hindi mo tinuloy dahil maraming makakakita at pwedeng tumayong witness! Tapos hinalikan mo pa ako! Irerape mo ako! Oh God! Walang tao! Oh my God! Ibaba mo ako. Tulong!! Tulong!!" Tuloy tuloy kong litanya at pilit na binubuksan yung pinto pero nakalock. Hindi niya ako pinapansin at seryoso lang siyang nagmamaneho. Shit! Talagang nagpapanic na ako ngayon. Napatingin ako sa likod ng sasakyan. Yung basag na salamin! Doon ako dadaan! Shit! Who knows at baka murderer ang walang hiya na ito! Agad akong pumunta sa likuran nung sasakyan.

"What the hell woman?! Are you crazy?!" Sabi niya at bigla siyang nagbreak kaya naman natapon ako paharap. Shit! Buti nalang at napahawak ako ng mabuti sa upuan kung hindi ay tumilapon talaga ako palabas ng windshield.

"Gago ka ba?! Bakit hindi ka nagsasabi kung nagbbreak ka! Paano nalang kung tumilapon ako palabas ng windshield?! Kung ibreak ko kaya yang matangos mong ilong ulit?!" Sigaw ko pabalik. Kanina pa kami nito nagsisigawan. Masisira na lalo ang vocal chords ko. Hindi na nga ako pinagpala ng magandang boses e mukhang madadamage pa lalo yung vocal chords ko. Tinitigan lamang ako nung halimaw. Tss! Siya pa may gana na sumama ang tingin ngayon?! Yung kakapalan ng mukha ng lalaking ito ay lampas impyerno. Walang kupas! Maya-maya ay napatingin ito sa bandang may puwetan ko at namula siya.

"Will you sit properly? I dont like it that im having a full view of your ass right now." Sabi niya na medyo nahihiya. Wow! Nahiya?! May hiya pala itong halimaw na ito? Umayos naman ako agad ng pagkakaupo ko.

"Bastos! Namumuro ka na ah!" Sabi ko sa kanya. Buti nalang at nakapants ako at hindi ko naisipan na magdress ngayong araw.

"Tss." Ano ba itong halimaw n ito? Ahas lang?

"Tss Tss. Ahas. Mukha namang halimaw.." Bulong ko sa sarili ko atsaka nagcross arms na parang bata. Nakaramdam ako na parang may tumititig sa akin. Dahan-dahan kong nilingon yung katabi kong halimaw. Sa klase ng tingin nito sa akin, panigurado ay papatayin niya na talaga ako.

"Halimaw? Monster? Are you that stupid or are you just fucking blind?! Sa gwapo kong ito pagsasabihan mo ako ng ganyan? Huh! Unbelievable! You are the only girl i have ever met that had the guts to compare me to a freaking monster!"

Gwapo?! Saan banda? Okay. Sabihin na natin na may itsura itong halimaw na ito pero hindi siya pasok sa taste ko! Mukhang may lahing Español ito tapos hilig ko naman ay mga singkit. Yung mapuputi! E eto siya mukhang nagpaTan yata. Ang arte!

The Fortienza MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon