Kabanata 3

8 1 0
                                    


Ang sarap ng tulog ko ng biglang may yumuyugyog sa akin.

"Misaki! Wake up you sleepyhead! Ako nanaman ang sisisihin mo later if nalate ka ulit sa klase mo!" Ang aga-aga, bunganga na ni Steph na tila ba ay parang machine gun ang naririnig ko pagkagising ko. No choice naman ako kung hindi ay ang bumangon na nga.

"Eto na! Grabe ka. Para kang nakalulon ng megaphone Steph." Sabi ko sa medyo inaantok pang boses. Nakita ko na nakapameywang si Steph sa may gilid ng kama ko.

Minsan gusto ko ng magreklamo sa inaasta ng babaeng ito sa akin, kaso paano ko naman iyon gagawin kung ito rin ang sinabi ko na gawin niya sa akin?

"Get up okay? Nakabihis na ako at lahat. Aalis na ako. Magkikita pa kami ni Kuya Asher." Sabi nito at tinalikuran na nga ako palabas ng pinto. So magkikita pala sila nung pinsan niya. Hindi ko pa yun nakikita pero madalas naman ikuwento ni Steph sa akin.

Nagmamaktol akong pumasok ng banyo. Antok pa rin ako! Kasalanan ito nung bakulaw na yun. Asar.
--

Habang papalapit ng papalapit ang hakbang ko sa gate ng unibersidad na pinapasukan ko ay nag-iisip na ako ng irarason ko kay manong guard para lamang papasukin ako. Strikto pa naman ang school ko. Lalo na pag I.D. Na ang pinaguusapan. Kung bakit naman kasi hindi ko hilig ang isabit sa leeg ko yung I.D. ko!

Nandoon pa yung notes ko at lahat! Literal na wala akong dala na kahit ano. Kahit yung ATM ko nandoon sa bag ko na yun. Kailangan ko yata na hanapin yung lalaking iyon.

Iniisip ko pa lamang na magkikita kami ulit nun ay umiinit na ang ulo ko. Ang laki na talaga ng atraso nun sa akin.
Ng nakalapit na ako sa gate ay kinabahan ako. Lalo na at ng nakita ko na yung guard na nakabantay ay mukhang masungit pa yata.

"Miss I.D. niyo?" Tanong nung guard sa akin. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Ah.. Ano kasi.. Kuya, manong pwede ano?" Sabi ko na nahihiya. Napahawak pa ako sa batok ko sa kawalan ng sasabihin. Buti nalang at dalawa ang daanan dito sa gate at di naaagrabyado yung ibang mga estudyante sa drama ng buhay ko. Pasalamat kay Steph at ginising niya ako ng maaga.

"Ano? Pwede ba Miss. Nasaan ba kasi ang I.D. mo? Pakilabas nalang." Sabi ng guard na medyo naiirita na.

"Ah pwede ba na pumasok ako kahit walang I.D.? E nawawala po yung bag ko. Please po!" Pagmamakaawa ko. Napataas ang kilay nung guard sa akin.

"Hindi ba't estudyante ka rito? Alam mo naman ang mga patakaran ng Unibersidad na ito. Diba?" Napabuntong hininga ako. Sabi na nga ba at mahihirapan akong idaan sa pakiusap ang pagpasok ko dito.

"Opo alam ko naman po pero kasi nawala po talaga yung bag ko. Sige na naman po manong oh? Pupunta naman ako ng OSA para magpagawa ng bagong I.D. Please po!" Nakaclose na ang mga palad ko niyan! Sana naman ay maawa sa akin itong guard. Magsasalita pa sana si manong ngunit lumapit ang isa niyang kasamahan na medyo may edad na.

"Pre, papasukin mo na. Hindi rin naman mapapansin ng mga admin e. Kawawa naman." Nagliwanag naman ang itsura ko ng narinig ko ang sinabi nung kasamahan niya. Akalain mo at may mabubuti pa naman palang nilalang sa mundo?

Mukhang nag-alanganin pa yung guard na nakaharang sa akin. Umiling ito at tiningnan yung kasamahan niya.

"Basta kapag nalaman ito ng nasa taas, ikaw ang sumalo." Ngumiti lang yung kasamahan niya at saka ako nilingon.

"O sige na Miss. Baka malate ka pa." Nginitian ko siya at nagpasalamat ng husto.
--
Nasa isang bench ako ngayon dito sa TMC building. Mag-iisang oras ko ng nililibot itong school, nagbabakasakali na baka makita ko yung nakakairita na lalaking iyon. Pero no dice! Mag 8:30 nalang, first subject ko na pero wala pa rin. Lahat na ata ng building dito pinuntahan ko na! Asar! Baka naman may klase na yun? Tss.

The Fortienza MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon