Ang kapal din naman talaga ng lalaking yun! Hindi man lang nahiya sa akin! Ako na nga itong naagrabyado ako pa magtthank you? At stupid daw ako?! Bumuntong hininga na lamang ako para kalmahin ang sarili ko. Sana hindi na magkrus pang muli ang landas namin ng hilaw na yun!
"Napaano ka ba Ms. Rodriguez? May bukol ka pa." Sabi ni Maam Jamie sa akin habang naglalagay siya ng yelo sa ice pack. Siya ang head nurse dito sa infirmary ng University na pinapasukan ko. Napabuntong hininga ako ulit.
"Mahabang story po Maam. Iinit lang ang ulo ko pag aalalahanin ko pa." Ngumiti nalang si Maam Jamie habang iniabot ang ice pack sa akin at hindi na nangulit pa. Nilagay ko ang ice pack sa ulo ko at bahagyang napangiwi sa biglaang contact ng lamig sa ulo ko. May pinainom rin siya sa akin na gamot si Maam. Tumagal ako ng mga kalahating oras sa infirmary dahil nilagyan pa nung nurse ng bandage ang kaliwang kamay ko. Maya-maya ay napagdesisyunan ko ng umalis. Nagpasalamat ako kay Maam at lumabas na nga. Tumingin ako sa relo ko at may 40 minutes, pa akong natitira bago ang susunod ko na klase.
Nakaramdam ako ulit ng gutom. Gusto ko sana na ituloy ang pagkain ko sa wendy's kaso may kalayuan dito sa school ang pinakamalapit na wendy's. Kakapusin ako sa oras at siguradong malelate ako. Sa Food court nalang ako kakain dito sa school.
Habang naglalakad ako papunta ng foodcourt ay naisip ko yung Englisherong hilaw kanina. Napangiti ako sa panununtok na ginawa ko sa kanya. Hindi naman siguro yun magrereport sa OSA. Ang bading niya kung pati yun ay isinumbong niya. Hindi siya pumunta ng infirmary kahit na nasuntok ko yung ilong niya. Marahil sa Davao Doc na yun mismo pumunta para magpa check-up. Sa itsura palang niya ay mukhang ang arte niya talaga. Tambay pa ata yun ng gym dahil nung sinapak ko yung braso niya ay napa-aray talaga ako. Whatever. Hindi ko na rin naman makikita ang walang hiya na yun.
Mapayapa akong kumakain sa food court ng biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Misaki!!" Nilingon ko yung tumawag at nakita ko si Steph na papalapit na sa kinaroroonan ko. As usual, dala nanaman nito ang lalagyan ng T-square niya na mukhang hindi na ata matatanggal sa katawan niya kahit na isang araw man lang. Nakabackpack siya na hula ko ay puno lamang ng art materials. Nakakaawa itong bestfriend ko. Alam ko na hirap na hirap na ito sa kurso niya na Architecture. Kumaway ito sa akin at ang lapad ng ngiti. Ngingitian ko rin sana ito pabalik ng maalala ko na hindi nga pala niya ako ginising kanina. Kahit na wala naman pala si Maam Brillones, paano nalang kung present pala si Maam nun? Edi patay ako. Inirapan ko nalang siya.
"Hoy Misa! Problema mo at nagtataraynka diyan ha?" Bungad nito ng makaupo na ito ng maayos.
"Sabi ko sayo kanina gisingin mo ako! E hindi mo naman ginawa. Buti nalang at absent si Maam Brillones kaya hindi ako nakatikim ng sermon sa matandang yun!" Saad ko ng puno ng hinanakit. Umirap lang ito sa drama ko. Kahit kailan itong babaeng ito! Hindi man lang nakonsensya?!
"Huwag mo nga akong sisihin. Hindi ko kasalanan na nakalock yung pinto ng kuwarto mo at hindi ka rin magising ng mga phone calls ko. 7:30 ang klase ko kaya i didnt bother pa na pagtiyagaan kang gisingin e pareho naman nating alam na tulog mantika ka. Hmp!" Sabi nito sa akin. Agad naman akong nakaramdam ng hiya. Oo nga pala at nakalock yung pinto ko. Hay! Misaki sapakin mo nga ang sarili mo.
"Sorry naman sayo Steph! E sa nakalimutan ko. Grabe! Malala na talaga itong memory ko." Sabi ko at nagpatuloy nalang kumain.
"Napuno na kasi ng formulas sa math yang utak mo. Ayan napapala mo sa Engineering." At humalakhak ito. Ang abnormal talaga. Pero napawi ang tawa ni Steph ng napatingin ito sa kaliwang kamay ko. Kumunot ang noo niya sa nakita.
"Napano yang kamay mo?" At sa isang tanong niya na yan ay nawala ako agad sa mood. Matinding galit talaga ang nararamdman ko sa lalaking iyon dahil maalala ko kang yung nangyari ay naiimbyerna na ako. Natahimik ako. Inis na inis talaga ako.