Halos mahulog ang panga ko sa sobrang dami ng kalat ang nakita ko sa buong sala ng apartment na tinutuluyan ko. At mas lalo ata nahulog ang panga ko ng makita ko ang lalaking isinumpa ko na hinding hindi ko na muling makikita pa.
Gulat rin ito ng makita niya ako. May kasama siyang dalawang babae at dalawang lalaki. Mukhang nag-iinuman yata sila. Mag-iinuman ng ganitong oras? Bakit ba hindi na ako nagulat? Napaismid ako sa aking naisip. Naka-akbay siya sa isa sa mga babaeng kasama niya na halos nakahubad na sa klase ng damit na suot nito. Typical whore. Nahuli nito ang mga tingin ko at agad naman kaming nagtitigan ng masama sa isa't isa. Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako.
"Seriously babe? You really had to stalk me? Oh come on! Im that irrisistible huh?" Wala na yatang mas ikalalaglag pa ang panga ko sa sinabi niya. Okay! Hindi ko naman inakala na kasing kapal ng 12 volumes na Encyclopedia na pinagsama sama ang mukha ng lalaking ito.
"Excuse me? Ikaw yata ang stalker dito. Dito na ako nakatira magmula pa nung first year pa ako! Kaya huwag mo akong maakusahan ng pagiging stalker. Hindi ka worth it!" Pagtataray ko. Nagulat naman ito sa sinabi ko.
"What?! You're not kidding Ashmae Lyn?!" Um-english na nga siya, tinawag pa ako sa pangalan ko! Nakakainis!
"Pwede ba huwag mo akong tawagin sa pangalan ko! Nasaan ba si Steph?! Asar naman!" Sabi ko at nagtuloy-tuloy na lamang papunta sa kuwarto ko.
Magsasalita pa sana siya kaso biglang pumulupot yung kamay nung whore sa beywang niya, naiirita ako! Ayaw ko makita ang pagmumukha niya! Ng bubuksan ko na ang pinto sa kuwarto ko ay narinig ko na tinawag si halimaw nung babaeng inaakbayan niya kanina.
"Asher baby? Who is she?" Sa narinig ko ay marahas ko siya muling tiningnan.
"Ikaw si Asher?!" Sigaw ko. No way! Ang makapal na englisherong hilaw na ito ang madalas purihin ni Steph?! Seryoso?! Wow! Coincidence!
"Yeah. Im Steph's cousin. She went out to buy something and said sge'd be back in a few. No need to get your panties in a twist babe. I dont bite." Litanya nito sa akin at may gana pa itong kumindat sa akin na lalo lamang nakapagpakulo sa ulo ko. Hindi ko na lamang ito punansin at tuluyan na lamang pumasok sa kuwarto ko. Humanda talaga si Steph pagka uwi niya rito! Inilapag ko yung bag ko sa study table ko at pabagsak na humiga sa kama ko.
Grabe! Ang daming pangyayari na naganap ngayong araw, all thanks sa Asher na iyon! Hindi ako makapaniwala na siya ang pinsan ni Steph! Sa pamamaraan ng pagkukuwento niya tungkol sa pinsan niya ay masasabi mo talaga na ang taas ng respeto niya rito! May tiwala pa naman ako sa pagjudge ni Steph sa character ng isang tao. Pero siguro ay hindi lahat ay tama. Napabuntong hininga na lamang ako.
Maliligo na nga lang ako. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ko na talaga. Pero paano ako makakaligo? May mga tao. Wala na naman akong sariling banyo dito sa kuwarto ko. Padabog na lamang akong naupo sa kama ko.
Gusto ko ng magwala sa sobrang pagkaasar. Hindi ako makapaniwala na yung hilaw na yun ay ang pinsan ni Asher. Sana naman ay umalis na sila rito. Nakakairita talaga! Kung hindi lang siya pinsan ni Steph ay talagang pinalayas ko na siya dito. At ano pa ang sinabi niya kanina? Stalker ako? Grabe lang ang apog ng lalaking iyon. Sagaran sa kakapalan. Ang kapal rin nung babae na akala mo ay tuko kung makakapit sa kanya. Akala mo mawawala na yung Asher na iyon! Anong pinapakita niya sa pagpulupot niya ng kanyang mga kamay kay Asher? Akala ba niya aagawin ko si Asher sa kanya?! Kadiri. Kahit naman na sobrang hot nun, teka sinabi ko bang hot? I take it back. Hindi siya hot! So not! Ugh! Nakakastress na ang lalaking iyon. Magkakawrinkles na yata ako.
Sa kabila ng malalim kong pag-iisip ay narinig ko ang pagkatok sa aking pinto.
"Mi?" Agad kong narecognize ang boses sa kbilang pinto kaya agad akong tumayo at pinagbuksan si Steph ng pinto. Marahas ko siyang hinila papasok ng kuwarto ko at nilock ang pinto.