Chapter 2 (Uned.)

50 1 0
                                    

     Nagsimula ang araw nilang nakikipagbiruan sa mga bagong estudyante, mapafreshmen o transferee man sa ibang kurso.

"You noticed? Infairness, ang mga gwapo ng mga freshmen" Ciara

"Haha. Pedophile" Eros. Nakaramdam ng inis si Ciara kaya gusto rin niya itong inisin.

"Naku, nagseselos ka lang eh" lumapit siya kay Eros at ginagapang ang kanyang kamay sa dibdib ng binata hanggang sa puson nito. Natense naman bigla si Eros.

"Gusto din siyang pansinin Ciara, makiramdam ka best" seryosong saad ni Nacky pero alam nilang nagbibiro lang ito

"Alam mong hindi mo ako mapapunta jan Ciara, hindi ako basta-basta" napangisi si Eros sa kanya para mawala ang pagkatense niya ngunit patuloy pa ding ginagapang ni Ciara ang mga kamay nito at sa paningin ng iba ay nahahawakan na ni Ciara ang sex ni Eros

"Makisabay ka nalang. Tingnan mo mga reaksyon nila" Ciara. Nakuha naman ng dalaga ang atensyong naibigay ng mg kaklase sa kanila.

     Naiinis iyong iba dahil naiirita sila sa nakita. Ginagawa nalang nilang busy ang mga sarili nila para hindi mapansin ang kalandiang naganap sa room nila at iyong iba naman ay inaasar ang mga inosente. Napailing nalang sila.

Pwede namang sa private diba? Ladtaran talaga? sa isip ni Katie

"Pustahan tayo hindi na mga virgin iyan" Abbriana

     Tumawa lang sina Reece at Tracy sa sinabi niya habang napailing nalang sa isip si Katie. Naisip niyang hindi naman ito ang basehan kung virgin pa ang tao o hindi na.

     Maingay pa rin ang classroom at tumahimik lang ito nang biglang may ibang estudyanteng pumasok sa classroom nila.

"Excuse, pwede bang humiram ng upuan"

   Tumango naman sila. Napansin ni Katie na kilala niya ang lalaking kasama ng humiram ng upuan nila. Nakatitig ang lalaki sa kanya samantalang si Katie ay pilit dinidistract ang sarili dahil sa tingin ng lalaki sa kanya. Pag-alis nila ay pinag-uusapan nila iyong lalaking pumasok kani-kanina lang.

"Nakita niyo iyon? Ang cute niya!" tili ni Ciara

"Nakita ko iyong girlfriend niya Ciar, hindi maganda" Chin

"Ay!" sabi ng mangilan-ngilan. Nakikita nilang may pag-asa pa sila dahil hindi kagandahan ang jowa ng lalaking iyon.

"Reece, it's him. Iyong nakita nating nag-enroll noon" pag-amin ni Katie

"Look guys! Kay Katie na iyon. Tahimik lang itong kaibigan ko pero ang gwapo. Nanligaw daw iyon kay Katie noon"

"Huwag kayong maniwala. Ano ka ba Abrianna" hinampas niya ito at pinagalitan dahil sa ang ingay nito

"Para hindi ka na maliitin ng mga kaklase natin, kaya ko sinabi sa kanila"

"Nakakahiya ka"

     Simula ng i-announce ang nakaraan ni Katie ay palaging nangungumusta ang mga kaklase niya at isinali pa si Katie kahit wala naman siyang sinabi. Napailing nalang siya sa mga pinaggawa ng ma kaklase niya.

     She knew the purpose of always matching them together, pinapaselos nila ang girlfriend nito at natutuwa sila dahil kitang-kita sa mukha ng jowa na naiirita siya sa tuwing imamatch ito kay Katie. Si Katie nalang ang nahiya sa mga ginagawa nila.

    Bumalik sila sa classroom at nakikinig na sa lecture ng isang clinical instructor..

"You know that one of the functions of potassium is by contracting the cardiac muscle. So by means na kapag lalagpas o hindi ito aabot sa normal range ay delikado ito" pilit na nakikinig ang mga estudyante sa kanya pero hindi nila mapagtuonan ng pansin ang mga sinabi niya

    Paano ba naman kasi na ang nagdiscuss sa kanila ay ang isa sa pinakagwapong guro sa paaralan at ang mga babaeng estudyante halos ay nakatingin lang sa mukha nito.

"Ang gwapo talaga ni sir"

"Balita ko ay going strong sila ng girlfriend niya eh"

"Sa pagtreat ng sobrang potassium sa katawan ay potassium waster para naman mailabas ang excess na potassium sa katawan and if less than normal range ay potassium chloride but?"

"Dapat po sir ay ini-incorporate sa IV"

"Right. Don't administer through IV-push, aside from that in every administration ay always check the laboratory results, ok?"

"Okay sir"

"Do you have any questions?"

"None sir" at dahil wala ng tanong ay uwian na. As usual ay maingay na naman ang buong klase dahil uwian na.

     Pagkalabas nila ay nagplano ang magkaibigang kumain. Nang sa hindi ini-expect ay nakita nila iyong lalaki kaning sa hindi kalayuan.

"Katie, si Flawrence!"

     Shit! Ang ingay ng babaeng ito

     Kinikilig sila dahil hindi rin niya kasama ang jowa niya.

"Hi Katie"

"Hello" ngumiti siya at hindi niya malaman kung narinig ba iyon ng binata

     Bumili na sila ng pagkain at pumwesto si Katie na hindi makita ni Flawrence. Hindi siya mapakali dahil sa presensiya nito. For the first time binati siya ng lalaking crush niya noom at gwapo pa rin hanggang ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nursing Students: Five In One ~kp (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon