1: Tracy

80 2 0
                                    

  Mobile update! Unedited

Tsk! Hay. Bakit pa ba kasi ganito? Kung pwede lang ang hindi ikumpara ang grades mo sa pamilya mo.

   Okay lang sana kung ang mga kapitbahay at mga nakakakilala sa iyo na makareact ng ganoon pero pati pamilya? Hindi naman kasi ako pareho sa kanila.

   Matalino kasi sila, hindi kasi ako doon nagmana. Dito ko naproved na iba na talaga kapag college. Gusto ko sanang magtransfer pero hindi nalang daw sabi nila mommy.

   Kasulukuyan akong nagbabasa ng wattpad kasi wala pa ang CI namin, nakakasawa ding maghintay ng matagal nang bigla nalang akong kinalabit nitong isa.

"Uy, nagbabasa ka rin ba ng wattpad? Kailan pa?" tanong ni Katie

   Alam niya rin ang wattpad? Mga ilan-ilan lang kasi ang nakilala kong nagbabasa.

"Last sem, sinabihan kasi ako ni Janna tungkol dito"

"Ah. Ako ay iyong summer pa, alam mo naman wala akong summer class kaya ang boring. Nakita ko lang kasi siya na writer iyong admin ng page na iyon"

   Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala siyang summer?

"Diba required ang summer class?" ngumiti naman siya. Ang cute niya.

"Nakapasa kasi ako kaya wala akong second remedial nun. You know, sanay na tayo sa remedial" napatawa ako sa sinabi niya

   Totoo, sanay ng mabagsak at sanay na sa remedial. Kakasimula pa nga ng klase pero inaalam na namin ang schedule ng remedial. At tapos ay ang nakakatawa pa kasi alam na namin ang schedule kasi nilagay nung secretary ng department namin ang schedule ng remedial. Diba ang saklap? First day pa lang eh alam na nilang babagsak kami. Haha. So practical. Naisip ko na kung bakit pa kami nagtitiis sa skul na ito.

  Mga ilang minuto din ang lumipas,este isang oras na pala bago dumating ang CI namin.

"Kasi irregular lang tayo kaya palagi na silang late dumating. Nakakainis ah!" pagrereklamo ni Reece. Sumang-ayon nalang ako sa sinabi niya dahil totoo naman talaga. Ang tamad nila pagdating sa amin.

   The class starts at dinagdagan ko nalang ang notes ko at nung hindi ko na maintindihan ay iniba ko nalang ang notes ko para organize siya.

"The inflammatory diseases, ulcerative colitis and all diseases in the digestive system na nasa outline niyo, please study. You are already third year, you know what to do. Again, magsikap tayo para sa ikabubuti natin. One year and a half nalang, okay? Kaya niyo iyan. This is already a review. I expect you tomorrow to be better than regulars. Tatapusin natin ang klase ng mas maaga, I need to go to my doctor. Goodbye"

   Ang sobrang tahimik namin ay napalitan ng kasiyahan at mga sigawan. Yeheey! Ito ang naka-advantagae sa irregular, hindi masyadong hectic ang schedule.

   Ang ginawa lang namin ay nagdaldalan kasi may group assignments pa kami. Nagsnack pa iyong iba.

"Ikaw Trace, share naman sa lovelife mo." Abrianna

"Eh. Meron iyan naglihim lang. Si Reece nga ang daming lalaki eh" tumawa lang ng tumawa sina Abrianna at Katie. Nakakaexperience na kasi itong dalawa, kami ay wala pa.

"Ano ba kayo, huwag nga kayong maingay. Tayo lang ang dapat makakarinig nito" saway ni Reece. Nasa classroom din kasi ang mga kaklase namin, may ibang ginawa rin.

   Tumahimik lang ako, wala kasi akong maishare sa kanila. Wala pang experience except nung sa kaibigan ko noon.

   Sinaway kami ng ibang kaklase namin kasi ngayon lang sila nakakarinig sa amin na maingay at obvious pa silang kinikilig kaya tinutukso nila kami. Binaliwala nalang namin.

"Teka, nasaan si Tala? Para makashare naman siya sa atin. Palaging may katawag iyon eh" Katie

"Ewan, wala dito. Palagi kasi iyong busy sa immigration niya" Reece

"Oo nga para hindi na siya mahihirapan sa board exam" Tracy

"Weee? Sure na talaga kayo? Hahahaha!" Abrianna shouted

"Think positive nga, pareho kayong nega ni Cristal" Katie

   Ewan ko sa kanila, makapagbasa na nga ng wattpad. Magbabasa na sana ako nang biglang may nagtext sa akin na unregistered number.

"Hi T, namimiss kita ;)" huh? Sino naman ito? Sino nga iyong once na tumawag sa aking T?

   Bakit parang napangiti ako sa text na ito?

===============================

   Start na ng lovelife nila, isusunod ko ang next lovelife nila pagka Chapter 2. Si Abrianna na jolly nalang ang kulang :)

   PS: nakakalito ang mobile dahil hindi makita sa PC iyong ginawa ko sa mobile ko like updated na ito pero sa PC hindi pa pala.

- kjanepurple

Nursing Students: Five In One ~kp (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon