1: Katie

130 2 0
                                    

(Unedited)

Katie's POV: 

        First day of school namin as irregular students. Nakakahiya! First time kong mabagsak sa buong pag-aaral ko. I have been an honor student since in my elementary years at kahit hindi ako kasali sa top ten ng highschool years ko ay masasabi kong matalino ako dahil nakapunta pa rin naman ako sa stage. An academic award of course.

        Buong buhay ko, ngayon lang ako nahihiyang sabihin sa mga magulang ang grades ko. Pati sa nagpapaaral sa akin which is my tita at sa mga kakilala ko. Ano nalang ang sasabihin ko kung magtatanong ako kung anong year na ako?

        Baka isipin nilang matagal pa akong makakagraduate dahil third year pa ako. Fourth year na sana ako this semester pero may subject na nabagsak ko which is prerequisite ng subject sa fourth year, the Nursing Care Management subject kaya third year pa ako sa second semester. Next semester pa ako magiging fourth year.

        Ang hirap kasi. I know nag-aaral ako kapag may examinations but I don't take it too seriously. May mga inaaral ako na hindi ko maintindihan at hindi ko hinahanap ang ibig sabihin n'un. Masipag akong magbasa, I really am. Minsan nga, masasabi ko sa sarili ko na ang slow ko ba? Kasi kahit nag-aaral ako ay hindi ko maggawang magparticipate sa klase ko, hindi ko maggawang maiprocess ang mga rationales sa mga sakit o ang mga managements nito. Hindi ko rin maconnect ang pathophysiology nito.

        Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong effort ko ay hindi ko maintindihan. May mga naiintindihan naman ako, oo pero hindi kagaya ng mga kaklase ko na kunting basa lang at naiintindihan agad ang mga binabasa at naiconnect agad ang mga rationales sa bawat managements at mga manifestations ng mga sakit.

        Ang slow ko ba talaga o mahiyain lang? Iniisip ko kasi palagi sa sarili ko na okay lang ang hindi magparticipate, makakabawi naman ako sa quiz eh pero hindi. Mabuti noong previous years ko sa college ay mas mataas ang quizzes, ngayong school year na ito ay hindi. Pare-pareho na ang percentage ng quizzes at participation. 

        Hindi ako nagpaparticipate, palagi rin akong late. Paano kasi, ang hinhin ko. Hindi ko maggawang magmadali. Kahit anong aga ang paggising ko ay wala, late pa rin. Minsan lang akong hindi malate. Hindi lang ako malelate kung late ang clinical instructors namin, phew! Katie, ang hinhin mo! 

        Nagbabasa ako ng aklat habang nakaupo sa paborito kong upuan sa gilid nang biglang sumigaw ang isa kong kaklase.

"Hi classmates! Good morning! Okay lang ba tayo? Haha. Okay nalang. Nakakainis!" nagmamaktol siya habang papunta sa upuan sa likod. Wala naman talagang umuupo sa harap, natatakot lang sa mga clinical instructors.

        Narinig ko nalang na tumawa ang mga kaklase ko "Abrianna, your name right? Nakakainis talaga sila. Kung hindi nalang sana tayo nila binagsak" Ciara said. Nararamdaman ko pa ang pag-eemote namin.

        First day pa lang kasi ito. First day! Hindi pa namin tanggap! Kung nag-aral pa sana ako ng mas mabuti pero hindi eh. Hindi kaya.

"Oo nga" narinig ko ang mahinang boses ni Tracy

        Lumingon ako sa kanya at nakasimangot. Pareho naman kaming nakasimangot. Hindi pa kami close nito pero alam kong magiging close din kami, ang tahimik niya kasi eh pareho kami. Nag-aaral din siya sa mga notes niya. Tracy is such an industrious person when it comes to copying. Grabe ang notes niya ang taas. 

        Wala akong maggagawa kaya nagbasa nalang ako. Ang iba ay naglalaro at nagdaldalan kasi first day pa lang naman eh. For sure, hindi mahirap ang araw na ito pero nasanay na siguro akong magbasa before the class starts. Takot lang na makita ng clinical instructor na ganyan ang ginagawa naku patay! Baka pagagalitan kami.

 "Hi Reece! Ngayon ka pa dumating. Mabuti nga ay wala pa ang Prof. natin" Abrianna

"Galing pa kasi ako sa bahay"

"Halata nga. Tingnan mo ang buhok mo, para kang stress" sabi ni Annie. Masasabi ko talagang siya ang pinakamalinis sa lahat kasi ang tigas ng buhok niya, ni isang buhok walang nakatayo. Nalulungkot iyan kapag may nakatayo eh. Ako nga ayokong ganyan ang buhok ko kagaya niya, para kasi sa akin para akong kalbo na walang buhok kaya kunting gel lang ang nilalagay ko. Actually, nakahairnet kami kaya ganyan.

"Oh! Hi Cristal. Are you okay?" tanong ni Ciara. Si Ciara iyong approachable sa lahat at maarte magsalita para sa akin. English kasi itong si Cristal kahit ilang taon na dito sa Pilipinas hindi pa rin makaintindi ng lahat ng salitang Pilipino. 

"Yeah. I'm Okay Ciar" Cristal responded

"How about you Tracy?" 

"Okay lang Ciar" nakita kong nakayuko siya

        Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa kasi baka tanungin din niya ako. Hindi kami close. Nahihiya ako.

"Katie, ano bang binabasa niyo? Okay lang ba kayo? Ang tahimik niyo kasing tatlo" kami ni Cristal at Tracy ang ibig niyang sabihin

"Huwag mo silang istorbohin Ciar. Nag-aaral iyan" Abrianna said. Ngumiti lang ako bilang response. Nahihiya talaga ako sa taong hindi ko kaclose at over sa pag-aaproach sa akin. Parang naiintimidate ako dahil hindi ako sanay sa mga ganyan.

"Huwag ka ngang istorbo Abrianna, nag-aaral ka rin eh. Ang ingay talaga ng boses mo Abrianna. Ano bang pinag-aralan niyo? Tingnan niyo sila guys oh, mabuting mag-aral na rin tayo. Ayoko ng mabagsak ang beauty ko" maarteng saad ni Ciara. Kung hindi siya kilala ng mga tao, masasabi ng iba na maldita siya pero hindi naman. Sinasabi lang talaga niya ang totoo. Nasanay na rin kami sa kanya.

"Okay lang iyan Ciar, as long as we're pretty" maarteng sabi ni Nacky

"Yeah, you're right Nacky, hahaha" maarteng tawa ni Ciara

        Nakakaloka talaga sila. Mabuting mag-aral nalang sila, mamaya na ang pagpapaganda nila. Ayoko kasi sa mga cosmetics though I am on home remedies for beauties pero ayoko ng mga make ups except sa pulbo at lipbalm. Iyan lang ang inilalagay ko.

"Tracy!Tracy! Ano ba ang pinag-aralan niyo? Pasali naman" sabi ni Reece

        Hindi kami close nito kaya naiilang ako pero okay naman siya kasi mahilig din siyang magbasa. 

        After 30 minutes ay dumating na ang clinical instructor namin. Geez! So intimidating. Ang ganda niya. So professional pa. Binabati niya kami at tinatanong kami sa feelings namin na naging irregular kami. Malamang, malungkot kami. First time eh. First time!

        At ayon, binigyan kami ng words of wisdom. Lagi naman pero nagaganahan kami ng loob kasi sinabi niya na mas magaling pa daw iyong mga irregulars noon kaysa sa mga regulars. Bakit? Kasi more experience sa duty o more exposure at more years sa pag-aaral. Nga naman! Makakatulong talaga pero nadelay kami. Nakakapanghinayang eh. Hindi pa namin tanggap. 

...to be continued

==============================

       Sorry for the short update. It's my first ever science fiction. Maghirap maglagay ng POV ng limang estudyante kaya si Katie muna. How's chapter one? Anong masasabi niyo kay Katie? Comment here or tag mi sa twitter @ikjanepurple o lagyan ng #NSFIObyKP ang tweet niyo para mabasa ko ang reactions niyo o post on Kjanepurple page. Thank you :)

 

Nursing Students: Five In One ~kp (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon