dos

10 0 0
                                    

Iba na ang dahilan
Nang iyong kasiyahan
Hindi na ako
Ang laman ng puso mo

Nakakatawa kung iisipin
Hindi ka naman naging akin
Pero kung titingnan
Bakit ba ako nasasaktan

Siguro nga ay pinili ka lang
Dahil walang mapagpilian
Siguro nga ay pinasaya ka lang
Ngunit pa nandalian lamang

Pero gusto kong magpasalamat sayo
Kasi kahit papaano natuto ako
Na hindi lahat ng pinasaya mo
Ay mananatili hanggang dulo

Kaya simula siguro sa araw na to
Hindi mo na kailangang isipin ang tulad ko
Kasi diba nga sabi ko
Na ikaw ay isa na sa pinapalaya ko

Tula ni MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon