Binigyan ka ng pagkakataon
Sana hindi mo sinayang iyon
Dahil nagtiwala ulit ako
At naniwala sayoNawala na ba ang nararamdaman?
O sadyang pinabayaan nalang?
Kinaya mong balewalain lahat
At tinapon nalang na parang kalatGusto kong magdamdam
Pero wala naman akong karapatan
Dahil una palang
Alam ko na wala akong labanSinukuan mo na naman ako
Nawala na naman ang mga pangako
Ang hirap na naman ibalik ang tiwala ko
Dahil ang dating buo
Ngayon ay sinira mo
