cinco

10 0 0
                                    

Namulat sa reyalidad na ikaw ang
nasa tabi ko
Ipinagpunla na magkaroon ng
ginintuang puso
Kahit madaming tanong sa isip ko
Pinalaya ko na lang at tinanggap ito

Ika'y guro sa aking paglaki
Tinuruan maging matapang sa mga mapangapi
Tinuwid ang baluktot kong pag-iisip
Kaya't ngayo'y walang pagsisisi

Tama nga ang aking ama
Na ikaw ay isang mabuting ina
Kaya't kinagagalak ko
Na isa ako sa mga inaruga mo

Ngunit dumating ang oras
Pinto ng kaba'y bumubukas
Na ang dating inaalagaan mo
Ay siya na ngayong nag-aalaga sayo

Unti-unti na ngang bumagsak ang kamay
At tuluyan na ngang naglakbay
Liwanag sayo'y nag-aantay
At ngayon iyong nilalakbay

Bitamina sa aking mata
Ang makita kang masaya
Kaya't tatanggapin ko
Kahit masakit pa ito
Ang  pagtapak mo
Sa huling pahina ng buhay mo

Tula ni MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon