AMSE : chapter 12

142 4 1
                                    

Not yet edited

Maraming typo error

Pakiintindi nalang ^_^

Labyu. ^_^

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE COMMENT (♡˙︶˙♡)

SUMMER'S POV

Grabe ang init paglabas ko ng Ramen. Feeling ko yung balat ko magtu-turn into log. Haha.

Okay ako lang natawa.

Pupunta ako ngayon sa ahensiya kung saan ay makakakuha ako ng mga kinakailangang requirements para makapasok na ko sa Ribertones.

Sa cityhall ako dumiretso.

Pagdating ko ng city hall eh mejo nabawasan ang init na nararamdaman ko dahil sa aircon sa loob nito. Agad ko namang nilapitan ang guard para magtanong.

" ahm sir saan po ako puwede kumuha ng police clearance?"

Tanong ko sa kanya na para bang ngayon lang nakakita ng maganda. Di joke lang. Haha

"sa counter two ka muna ganda. Kuha ka muna cedula tapos dun ka ba rin magbayad sabihin mo kukuha ka ng police para mabigyan ka ng O.R. (official Reciept)" mahabang paliwanag ni kuya na hindi parin natatanggal ang pagkakatitig saakin.

"ah ganon po ba. Si-sige po. Salamat" magalang na pasasalamat ko at umalis na papunta sa counter 2.

"190 miss"

Sabi ng nasa counter.

Bayad yun sa cedula at police clearance.

Inabot ko ang bayad at kinuha ang sukli at resibo . Pumunta ako uli kay kuya kahit parang ayaw ko na. Haha

"ah eh kuya paistorbo po ulit ha. Saan po yung sa police clearance?"

"sa likod nitong building. Meron doong parang head quarter. Doon ang kuhaan ng police clearance."

"ah ok po salamat." sabi ko at tumalikod na sa kanya ngunit nagsalita siya muli

"dito ka ba lumaki sa pilipinas?" err

"po? Opo. Bakit?" bakit naman niya natanong?

"eh pasensiya ka na ha. Ang ganda mo kasi tapos mukha ka pang foreigner. Nagulat lang ako  kasi ganyan itsura mo tapos ang galing mo managalog"

Parang nahihiyang sabi pa ni kuya.

Hahaha. Tama siya marami nag-aakalang di ako pinay dahil hindi pang pilipino ang itsura ko. Nasabi ko na ba sainyo na lagi nilang sinasabi saakin nung bata pa ako na kamukhang kamukha ko daw ang tatay ko? Ayaw nga lang sabihin ni nanay kung taga saan si tatay. Bakit? Yun ay di ko parin nalalaman.

Pagdating ko doon sa kuhaan ng police clearance eh agad akong pumila. Grabe ang layo ko sa counter. Huhuhuhu. Ang sakit lang kuya eddie.

At ang masaklap nito. Nakatayo pa ako dahil may mga nakaupo na sa mga upuan na siyang mga nauna saakin. Ika nga "first come, first rest" wahaha okay.

Ako lang ulit tumawa.

Maya maya may nag-offer saakin.

"miss dito ka na oh. Upo ka na dito sa chair ko. Nangangawit na rin ako" sabi ng lalaking nakaupo di kalayuan sa harap namin.

Nahihiya naman ako sa mga nakatingin saamin. Mahiyain kasi ako sa mga ganyan . At dahil mahiyain ako, ano pa nga ba ang gagawin ko diba?

"thank you kuya." sabi ko at umupo na sa upuan niya.

Anak mo siya ehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon