Anak mo siya : A new break

223 9 1
                                    

"Sum! May nagtext sa akin , para ata sayo to.''

Natigil ako sa pagiisip nang magsalita si Terry at iniabot ang cellphone niya sa akin. Agad ko namang inabot iyon at binasa.

''good afternoon, upon reviewing your credentials and interview,we would like to invite you to come in our office for your job report.
-Ms.Vanessa
C/o Ribertones Group ''

Pagkabasa na pagkabasa ko ng message na iyan eh halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Saya,kaba,takot,pagiging excited, naiihi,nadudumi,nasusuka joke. Hahaha

''oh sino yan? Ano daw sabi?"

Hindi rin naman tsismosa si Terry noh? Hehe

Dahil tamad akong magexplain eh ibinigay ko nalang ang cp sa kanya

"oh ayan basahin mo''

At dahil ipinanganak na tsismosa si Terry eh kinuha naman niya agad.

"wow tag-araw! Ibig sabihin ba nito tanggap ka na? Wow! Ang galing mo! Congrats! O ano na balak mo?" masayang sabi niya matapos niyang basahin yung text.

"ewan, siguro, baka. Aba malay ko naman Teresita! Di ko pa alam. Bukas ko yan malalaman.''

" Ano ba naman yang endearment mo sakin. Bakit naman Teresita.! Ang ganda ganda ng tawag ko sayo eh" kunwaring pagtatampo niya.

"ano naman ang maganda sa tag-araw.? Parang tuyot na tuyot lang'' sabi ko

"hahaha ang cute kaya. Kasing tuyo't ng lovelife mo Sum! Haha---ooops sarey sabi ko nga titigil na ako" napansin niya sigurong nag-iba yung mood ko. Haha pinagttripan ko lang naman siya eh.

"edi ikaw na may love life! Edi kayo na. Magsama kayong dalawa. Magpakasal na kayo ngayon na." biro ko sa kanila

Si Alfred naman nakaconcentrate lang sa pagdadrive habang tumatawa.

"aww Summer nagiging hard ka na. Mabuti nalang at natanggap ka na diyan sa company na iyan. Atleast may pag-asa pang mabuhay ang  natutuyong lovelife mo hehe. Pero wait, bukas ka  pupunta? Paano ang restaurant? "

Oo nga pala. Haaayss.

"ako na bahala. Magpapaalam nalang muna ako na magpapalit ako ng rest day".

"owww payagan ka kaya? Diba ikaw ang naiiwan doon?"

"siguro,ewan. Try ko tumawag o kaya mag hahalf day nalang ako.''

"oo tama mag half day ka nalang. O nandito na pala tayo"

Nauna na kaming bumaba ni Rain. Kinarga ko na siya dahil ayoko namang gisingin pa siya.

"Alfred salamat ah. Ang laki ng natipid ko haha next time ulit.haha" pagpapaalam ko dahil di naman na sila bababa ng sasakyan dahil may pupuntahan pa daw sila.

"ok lang yun Sum! Sige pasok na kayo." Alfred

"oi Tag-araw! Magingat kayo huh. Ilock niyo yung pinto ah. Gagabihin na ako ng dating" Terry.

"oo sige ingat din kayo. Pasok na ko. Alfred si Terry ah pakiingatan." bilin ko. Tumango na lamang si Alfred bilang pagsang-ayon at pinaandar na ang kotse. Pumasok narin kami ni Rain.

Inilapag ko muna si Rain sa kama dahil ngawit na ngawit na ko. Matangkad kasi ang anak ko at kahit bata pa eh makikita mong maganda ang hubog ng katawan. Hindi kasi siya payat. Pagkalapag ko sa kanya eh nagpahinga muna ako at naligo dahil feeling ko ang lagkit lagkit ko.

Pagkatapos kong maligo at magbihis eh nagpasya na akong matulog ng maaga para bukas. Kailangang maabutan ko si Jennifer para makapagpaalam.

Pikit

Anak mo siya ehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon