Anak mo siya eh : 1

409 11 1
                                    

SUMMER POV

Buwisit na driver yun! Di manlang pinaalala yung sukli ko. Sayang naman. Huhuh. Wala na nga akong pera tapos ganyan pa ang nangyari. Kasalanan 'to ng advertisement na yun eh. Paano ba naman kasi yun lang yung iniisip ko magmula pagsakay ko. Kaya ayan tuloy di ko nakuha sukli ko. At ito namang driver di manlang sinabi. Anu yon? May iniisip din siya? Haaaaaayyy.. Summer! Ang bobo mo. Kasing tuyo ng pangalan mo yang utak mo.

Lalad. . .lakad. . . Lakad

Naglalakad ako pauwi ng bahay namin dahil wala na kong pangtricycle hehehe. Pero bago yon bibili muna ko ng pasalubong sa makulit na bata na naghihintay sa akin. Matapos kong bumili eh deretso na ako uwi.

Simple lang ang lugar kung saan ako nakatira. Di naman magulo kahit hindi pang mayaman. Maraming puno sa gilid at halos bawat bahay ay may puno. Kaya nga ok lang na maglakad pauwi. Ok na rin ito kesa matulog kami sa kung saan. Buwan buwan nagbabayad kami ng upa pwera pa kuryente at tubig. Pero gaya nga ng sinabi ko ok lang.

Teka bakit nakalock yung gate? Oo tama kayo. May gate kami. Hahah tutyal no? First tym ko eh.

Paglapit ko may nakita akong sulat na nakaipit sa bakal.

Sum

Sinama ko si Rain. Wala kasi si Beth eh kaya sinama ko na siya sa pagtitinda. Iniwan ko pala yung susi sa katabing tindahan kunin mo nalang.

Terry

Ayun naman pala. Akala ko kinidnap na si Rain wala pa naman akong pang ransome hihi. Pwede kayang ipangransome yung mga koleksiyon kong hello kitty stickers? Hehehehe.

Nagpunta na ako sa katabing tindahan ng bahay namin. At kinuha ang susi ng kayamanan charot lang.

Pagpasok ko ng bahay ay siya namang ikinagulat ko!

Para akong maiiyak sa nakita ko.. Puno ng dugo ang buong bahay at ang kalat!

Pero joke lang. Hahaha. Wag naman sana.

Well siguro naiinis na kayo dahil ang daldal ko. Papakilala muna ako sa inyo.

Ako si Summer Aranneta Gotchico 23 years old . Pero di ko ginagamit ang Gotchico dahil pinabago ko joke. Simula noong nag-aral ako hanggang nakapagtrabaho ako Aranneta na ang ginagamit ko. Kasalanan yan ng nanay ko. Di ko pa maintindihan dati kung bakit niya pinabago kaya sumunod na lang ako. Kaya ang ending.... Summer Aranneta is my name ang peg ko. Ok lang yan , ang mahalaga cute ang ibinigay na pangalan ng nanay ko. Sabi nila maganda daw ako kamukha ko daw yung ama ko. Pero parang mas kamukha ko si nanay eh. Wala din naman akong tiwala sa sarili ko eh hanggang sa dumating ang isang tao na nagpatunay na maganda daw ako kahit di halata.

Napakasaya ko noon dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Kaya nga ibinigay ko sa kanya lahat kasama na ang pinakaiingatan kong puri. Nangako siya na panangutan niya ako magbunga man o hindi ang ginawa namin dahil mahal niya ako.

Alam niyo yung saya na wala kang pinagsisisihan sa ginawa mo. Dahil alam mong mahal ka noong taong gumawa noon sayo.

Pero hindi rin naman nagtagal yung masasayang sandali na iyon dahil sa isang pagkalamali na agad niyang hinusgahan. Ni hindi niya pinakinggan ang pagpapaliwanag ko bagkus pinili niya paring umalis at huwag akong pakinggan. Kaya hanggang ngayon di ako makapagmove on ehh. Masakit pa teh! Nagalit din ako sa kanya noon dahil mas pinaniwalaan niya kung ano yung nakita niya. Wala siyang tiwala saakin. Hindi manlang niya ako pinagkatiwalaan.

Lalo pa akong nagalit noong lumipas pa ang linggo dahil naramdaman kong may kakaiba akong nararamdan sa katawan ko. Doon ko nalaman na buntis na pala ako ng 5 linggo. Pero kahit depressed ako ng mga panahon na iyon eh hindi sumagi sa isip ko ang ipaabort ang baby ko.. Palalakihin ko siya kahit ako lang. Ipinaalam ko kay Nanay ang kalagayan ko and nangyari nga ang iniexpect ko.

Anak mo siya ehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon