"A-anong ginagawa niyo dito? Please leave... Leave me alone."Isang araw na ang lumipas mula nang isugod ako sa hospital. Pag gising ko kanina, wala si mama. Tuwing nasasaktan niya ako at nauuwi ako sa pagkaka-hospital ay hindi niya ako binibisita.
"What happened to you?! Kakapasok mo palang kahapon sa school, ngayon naman na-hospital ka. Ano ba ang nangyari?" Kunot noong tanong ni Faxia. Nag m-mop siya ng sahig dahil natapon ang kutsara na may lugaw.
Nagising kasi ako kanina nang dumating ang katulong namin sa bahay para dalhan ako ng pagkain. Nagulat nalang ako bigla dahil sa malakas na pag bukas ng pintuan. Nalaglag sa sahig ang isusubo ko na sanang kutsara na may lugaw. Napahiyaw pa ako nang may tumalsik na mainit na lugaw sa braso ko nang tangkain kong saluhin ang kutsara. Pagka-pasok na pagka-pasok palang nila sa pintuan ay sinabihan ko na silang umalis, pero parang hindi nila ako naririnig at patuloy lang na lumapit sa'kin.
kumuha ng wipes si Gaijani sa bag niya at hinila ang upuan sa tabi ng hospital bed. "Ano ba talagang nangyari sayo? okay ka pa naman kahapon ah?" tanong niya.
Napaiwas nalang ako ng tingin. Napansin kong hindi pa umaalis ang katulong na nag hatid ng pagkain sa'kin kaya tinignan ko siya ng nakangiti at marahang tumango. Mukhang naintindihan din naman niya ang pahiwatig ko, kaya lumabas na siya ng kuwarto ang hinayaan na kaming makapag-usap ng mga bisita ko.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Kadie at umupo sa dulo ng hospital bed.
Napakamot ako sa leeg dahil wala na akong maisip na idadahilan.
Naisip ko bigla yung mabatong daanan na short-cut pauwi sa bahay. "A-ano kasi, uhh, may ano.... Nung pauwi ako, natapilok ako sa may mabato na daan. Gumamit kasi ako ng short-cut.." ngingiti-ngiti kong saad.
Narinig ko ang pag tama ng palad ng mga palad nila sa mukha.
"Tanginang tapilok yan Ashi! Bakit ka pa nag ka paa? 'di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh! Tignan mo ang ulo mo, daig pa ang nabundol ng truck dahil sa pagkabalot ng gasa sa'yo." tatawa-tawang biro ni Gaijani, na sinundan naman ni Kadie ng malakas na tawa. Habang si Fax naman ay seryoso lang na nakatingin sa'kin at parang malalim ang iniisip.
"H-hindi ako naniniwalang tapilok lang, tumambling ka pa siguro 'no? Ano ba yung mabatong daan na yan? May bubog? Tignan mo kamay mo may mga gasgas pa." parang nag hihingalong tanong ni Kadie at parang ano mang oras ay mag co-collapse na siya dahil sa sobrang tuwa.
"Ano ba talaga nangyari sa'yo? Ang alam ko naman hindi ganayan ang inaabot ng tapilok?" nakatingin sa'kin si Fax ng seryoso.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "G-grabe ka naman makatingin, Fax! Natapilok nga ako! Gusto mo daan ka din don sa dinaanan ko k-kahapon para makita mo." halos gusto kong magwala dahil nautal ako.
naningkit pa ang mata niya bago siya tuluyang ngumiti sa'kin. "You're so tanga mag lakad!" biro niya pa sa'kin.
Ilang oras pa silang nag stay at nakipag kuwentuhan sa'kin. Binigyan din nila ako ng mga sinulat nilang notes sa bawat subject para may mapag-aralan parin ako dahil hindi pa ata ako pwede lumabas ng ospital hanggat wala pang go signal ng doctor.
"Masakit ba 'yang nakatusok sa kamay mo?" inosenteng tanong ni Kadie at akmang hahawakan pa ang kamay ko kung nasan nakatusok ang karayom na naka-connect sa dextrose. Agad ko iyong maingat na tinakpan gamit ang isa kong kamay habang paulit-ulit na umiiling.
Tinapik siya ni Fax at madramang umiling. "'te, medyo masakit yan. 'Wag tayong tanga at baka mag dugo yan, malagot pa tayo sa doctor ni Ashi."
Napa 'oh?' naman si Kadie at nilapit pa din ang kamay niya sa kamay ko. Napa sigaw ako at mabilis pero maingat na umilag. May mapag-laro pa siyang ngiti sa labi habang hinahabol ang iwas ko sa kamay.

YOU ARE READING
A Dance With You
Novela JuvenilIf dancing with you will heal me, let's dance till our last breath.