BAHID
Hinding hindi makakalimutan,
Kung paano ako hinawakaan,
Kung paano ako pinisil,
At umiyak ng pigil.Sa paglakbay ng nakakadiring kamay,
Kasiyahan sa kaniya’y nabuhay,
Gusto ko siyang mawala,
Ngunit hindi ko kayang makawala.Ramdam ko ang dumi sa katawan,
Ubod-lakas ko siyang sinigawan,
Ngunit hindi ko siya nakaya,
Hindi niya ko hahayaang makalaya.Wala akong nagawa,
Noon, walang wala.
Para akong nakakulong sa isang ala-ala,
Na kahit anong gawin hindi na mabura.Hindi malilimutan,
Nakabaon na nang tuluyan,
Walang katarungan,
Hangga’t tinig ko’y ’di pakikinggan.Ang mga kamay na gumapang,
At humayo sa aking katawan,
Napanatag ang kalagayan,
Nang ito ay napusasan.Ang pagbihag mo sa aking katawan,
Hinding hindi mapapalitan ng kulungan,
Ngunit mababawasan,
Ang taong biktima ng iyong kahalayan.
BINABASA MO ANG
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoesiaMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology