Bilang 20 - Tamad Ako

22 15 2
                                    

TAMAD AKO

Walang maisulat sa papel na blanko,
"Siguro bukas na lang, tinatamad pa'ko!"
Katagang paulit-ulit na sinasambit,
Ngunit ni isa walang nakakamit.

Walang natatapos,
Walang tintang nauubos,
Sa blankong papel na sa iyo nakaharap,
At nagmamakaawang magsulat ka na ngunit wala paring ganap.

"Madami pa namang oras!"
Na nasasayang at nawawaldas?
Dahil sa tinatamad ka?
Dahil sa tamad ka talaga!

Gusto mo'ng makatapos,
Pero oras sa iba ay inuubos,
Kung gusto mo'ng makilala ka nila,
Dali simulan mo na!

Tulungan mo naman ang iyong sarili,
Hindi yung nagiging wala kang silbi,
Dahil sino pa ang tutulong sa huli,
Edi ikaw lang? Ang iyong sarili.

Kaya wag ka nang tatamad-tamad,
Hindi ka niyan uusad,
Pilitin mong makapag sulat,
Nang makagawa ka ng magandang aklat,

Gumalaw ka na at simulan mo!
Alam kong magaling ka kaya paghusayan ng husto,
Dalian mo, bumangon ka na nga!
Upo, at simulan nang maglathala.

_

112420

Nepenthe's || A Poetry Anthology Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon