CHAPTER ONE

137 7 0
                                    


DISCLAIMER: Oeuvre. Purely fictional. Names, characters, businesses, events, locales, and incidents are only results of the author's imagination.

This story is not linked to the universities and schools to be mentioned.

Please be advised that this story contains strong language that is not suitable for young audiences.

This story is unedited. It may have typographical and grammatical errors. Please bear with me, I'll get back to this after I finish the whole story.

I do not have a wide knowledge about these universities. All information will be based of research. Hindi ko po alam ang schedules ng mga arki students at kung allowed ba silang umalis ng university kapag lunch nila or whatsoever. But I will try my best to search and watch vlogs of students from UST Architecture for the accuracy.

This is the updated version. January 30, 2023.

Enjoy reading! :>

______

lover's lane series book #1:
elzeah

_____

@14ezhls

"Elzeah, bilisan mo naman. Late na tayo, o!" pagmamadali ni Ava sa akin.

"Teka naman, kung gusto mo mauna ka na, bwisit ka." Sabi ko na naging dahilan para batukan niya ako.

Masakit 'yon ah!

"Ava mamaya pa naman 'yong usapan n'yong call time ng mga ka-block mo, e. Mauuna pa nga 'yong call time namin kaysa sa inyo." Pagdedepensa sa akin ni Isha.

Tsk, kapag itong dalawang 'to talaga ang kasama ko, nagugulo buhay ko.

Si Isha dinedepensahan ako, si Ava naman palagi akong ino-okray. Kaibigan ko ba talaga 'tong si Ava?

Binilisan ko ang pag-ayos sa gamit ko para tumahimik na 'yong bunganga ni Ava. Ang
aga-aga tapos ang ingay nila. Away ng away.

"O? Okay na po, miss Elzeah? Naka-ready kana po madam?" Pang-aasar pa ni Ava.

"Anong madam ka diyan? Sapak, you want?"

Papasok na sana ako sa van kaso, "Hello po mga kaibigan ko!" Sigaw ni Jhenaica sa amin.

"Hoy! Tama ka na, loko. Ipis, kailangan ko ng peace of isip. Gusto ko pang matulog. Kaya manahimik ka diyan." Sabi ko sakanya.

Ang ingay ng mga kaibigan ko. Idagdag mo pa yung mga kababata ko galing Taguig. Pag sila nagkasama-sama sa isang kwarto, ayaw ko na.

"Jhenaica manahimik ka. 'Wag ka munang pumutak, masakit ulo ko. May hangover pa ako." Sabi ni kuya Ren sakanya.

"Wow naman, alam mo naman na gusto ko palagi pumutak. Tsaka may hangover ka pa? Ayan sige, inom pa! Tsaka, bakit pa ba tayo sasakay ng sasakyan kung walking distance lang naman!" Nagreklamo pa siya sa huli.

"Ipagmamayabang ko lang naman itong sasakyan ko!" Masamang tumingin sa kanya si kuya Ren.

Sila, sila ang mga naging bagong sandalan ko noong iniwan ako... ng taong malapit sa 'kin. Naalala ko tuloy ang unang pagkikita naming lahat.

Flashback.
August 2021.

Freshman year. Shit is about to start.

Wala akong kilala dito. Screw this social problem. Hindi ko alam kung papaano ako makikihalubilo sa mga tao neto.

"Good morning! I will be with you the whole year so before our welcome walk, gusto kong makilala kayo. Sabik akong makilala kayo, of course! I can already see some familiar faces so let's start! ." Sabi ng professor namin.

His Unkept Word (Lover's Lane Series #1) - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now