PROLOGUE : HIS UNKEPT WORD

374 10 10
                                    


His Unkept Word
nabijiwo

______


'Pesteng 'yan... sabi ngayon na sisimulan 'yung project.'

Aligaga akong gumagawa ng sketch para sa isang client nang bumukas ang pinto ng office.

"Kuya Ren, bakit? Nagpapatawag daw ng meeting?"

Hindi siya tumingin sa 'kin. "Oo, in five minutes kailangan nandoon kana."

"Kuya-" Hindi ko na nagawang matapos ang aking sinasabi nang isira niya ang pinto.

"Bilis."

Iniligpit ko ang ginagawa ko. Itutuloy ko na lang sa bahay 'to.

I reached the office and I saw all of my college friends were there. 'No meron?

"This has to be important, dad." Sabi ko at umupo.

"It is important! Ava where's Van?" He looked at Ava.

"Tito, sabi niya nasa baba ba daw po."

Biglang bumukas ang pinto, lumingon ako and nandoon na si Van. "Sorry, am I late?" Sabi niya habang inaayos ang suit niya.

"No baby, you're just in time." Nakangiting saad ni Ava kay Vantae.

I just rolled my eyes.

"Oh! Nakita ko 'yon ah!" Nanggagagong sabi ni Jhenaica sa akin. Ang talas ng mga mata nito. Bawat galaw ko napapansin.

Sarap siguro tusukin ng mata.

"Bitter, nak?" My mom asked. Hindi talaga siya nag-alangan na sabihin sa 'kin 'yon ah. Bakit ang straightforward ng mga tao ngayon? Nakaka-gulat, jusko lord.

'Kung ako lang naman ang pag-uusapan dito, I'm outta here. Please.'

"Ayan kasi, ilang months na ba? Or may one year na?" Pang-aasar pa sa akin ni Emerei.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Porke may mga sure thing kayo, nang-iinis kayo. Hindi ako bitter, hello?"

"Hindi ka bitter? Eh bakit hanggang ngayon check ka parin ng check sa social media accounts niya? Akala ko ba blinock mo." Tinaasan pa ako ng kilay ni Drey.

"Bakit tingin ka ng tingin sa graduation picture niyo?" Taas kilay na tanong ni Phia.

Sasagot na sana ako pero nagsalita si Isha.
"Wala akong jowa, hello."

"Tama ka na, Isha. Meron ka, 'di mo lang sinasagot." Seryosong sabi ko. Bakit ba napunta sa ganito 'yung meeting? Akala ko ba meeting? Bakit consulting?

"Ginanon ba naman." Dinig kong sabi ni Van habang may kung anong file siyang kinuha mula sa bag niya.

"Bakit ka ba nangengealam? Kaibigan ba kita? Lalaki ka lang na pwede kong patayin kapag sinaktan mo ang kaibigan ko. Neknek mo."

Mga bwisit kayo. Lakas ng amats!

"Miss mo 'no?" Nakangising tanong ng kuya ko at natahimik naman ako.

"Oh, tiklop si sisza. Bakit ka nanahimik?" Seryosong tanong ni Aeri.

"Teka bakit ba natin pinag-uusapan 'to? Hindi ba tungkol sa business yung dapat nating pag-usapan?" Pag-iiba ko sa topic.

"Right, Vantae, tungkol nga ba saan ito?" Tanong ni dad.

"About sa condo na gustong ipatayo ni dad. Kung sinong walang maraming projects. My dad wants the architect to be hands on sa project."

"Bakit hindi nalang si Isha? Close naman kayo ng family niya." I suggested.

"Nope, una na akong nilapitan ni tito. Pero sabi ko marami akong ginagawa."

Uminom muna si Emerei bago magsalita. "I have free time. Tatapusin ko lang yung project ko and then hindi na muna ako tatanggap ng iba. Para hands on." Nakangiting saad niya.

"Is that all? I'm going to my office to finish my sketch." Tumayo ako at inayos ang blazer ko pero nagsalita pa si mom.

"Oh honey, one more thing," Sabi niya at umupo ulit ako.

"You're tito An, gusto niya na ikaw ang mag-design sa bagong itatayo nilang company." Natigilan ako sa sinabi ni mama.

New business?

"M-may bago silang business?" Kabadong tanong ko.

"No, it's for expansion of the company. But you never know."

"Oh okay, I'll just set up a meeting with tito."

"Ah, anak, no neeed, he's on his way." My dad stated.

Kinabahan ako bente. "Si t-tito?"

Huminga ng malalim si mommy bago magsalita. "Hindi ko alam, maybe Amir or Alas. Or maybe your tita Kennedy."

"Okay, I'll go back to my offi-"

Hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang biglang bumukas ang pinto. Nahulog pa ang pen ko kaya kaagad akong yumuko para kunin iyon.

"Hello. My dad sent me, sir. I'm sorry for being late, traffic was bad."

Natigilan ako nang marinig ang boses ba iyon.

'God not now.'

"Kel.." Dinig kong sambit ni Drey.

Tumayo ako at tinignan para kumpirmahin kung si Arkel nga iyon.

Parang hindi ako makagalaw. Gusto kong lamunin ako ng lupa.

Our eyes met, but both of us immediately looked away and acted like we don't exist to each other.

Like we're only strangers.

Or am I really a stranger to him?

"Looks like he's here," Bulong ko habang nakatingin sa baba. "The representative is here, I'll go to my office."

Lahat sila ay napatahimik habang ako, pinipigilan ang sarili kong mapaiyak. Tanginang.

I left the conference room and walked to my office. I know someone was following me, a bullshit was following me.

I opened my office and didn't dare to look at him. I placed my bag on the table and sighed.

"Elie." Mahinang pagtawag niya sa akin. Hindi ko napansin na sa akin na pala siya nakatingin.

"It's Architect Salvador to you. What are you doing here?" I coldly asked.

"Dad sent me," Naramdaman ko na lumapit siya sa akin.

"Don't even dare to take another step. Diyan ka lang. 'Wag kang lalapit sa 'kin." Pinipigilan ko nag pagtulo ng luha ko. "Nanggigigil ako sa pagmumuka mo kaya 'wag na 'wag mo akong lalapitan."

Tumingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang pag-tulo ng luha ko. "Saan ka nagpunta?" Humihikbi kong tanong.

Why am I like this? The last time I checked, I was craving for his presence. I was longing for him. But why? Why is it like this? I'm pushing things away now that he's here? Why?

"Bakit nawala ka na lang ng parang bula?"

______

Lover's Lane Series #1
ArZeah.

His Unkept Word (Lover's Lane Series #1) - UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now