@14ezhls"Lori, paabot ako nung piping bag."
Aeri invited us to a group study para sa darating na prelims. She also invited some of Aldhrei's blockmates. Meaning, Arkel was also with us.
"Hoy Kanina ka pa nakatingin diyan sa cellphone mo. Akala ko ba group study natin 'to para sa prelims? Cellphone nang cellphone 'to!" Inigo exclaimed, a blockmate of Arkel.
Hindi kumibo si Arkel. He was still frowning at his phone na para bang may kaaway siya sa itsura niya.
"Hoy, Arkel! Bingi ka na ba?! Hindi ka makausap ng maayos ngayon, pre. Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ng isa pa nilang kaklase, si Gabe.
"Ewan ko dyan. Laging nakatingin sa cellphone niya. Ano, may pinopormahan ka ba, pre? Share mo naman!" Sabi naman ni Dhrei kaya't binato ni Isha sa kanya 'yong isang cupcake pan.
"Inaano kita?!" Pasigaw na sabi ni Dhrei.
Napatingin naman ito kay Isha at kumunot ang noo. Sinilip ni Aeri ang kakulitan ng dalawa at natawa.
Nakaramdam naman ako ng mga kamay sa tenga ko. "Shhh! Guys, nandito si Lori oh!"
Tumingin ako kung sino ang nasa likod ko at napagtanto ko na si Sophia iyon. Tarantado!
"Gago! 'No pinagsasabi nito!" Tinabing ko ang mga kamay niya mula sa tenga ko. "Para kang tanga, Phia. Tumahimik ka nga! Tapusin mo nga notes mo dyan! Kung ano-ano sinasabi, 'di na lang magtrabaho!" Dagdag ko pa.
"Jusko, Lori. Dami mong sinabi. Defensive much?" Dinig kong banat pa ni Ava. Isa pa 'to. Ito na naman po tayo oh.
"Ay! Nasaan ang defensive doon? Saan banda?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Napalingon ako sa direksyon ni April na nasa harapan ko lang. Parehong kumunot ang aming mga noo bago tignan ang pwesto nina Dhrei na ngayon ay puno ng mga naglalampungang lalaki.
For the first time, silence embraced the room.
I noticed Arkel, who was holding a calculator while his laptop was sitting on his lap. Hindi na nakakunot ang noo nito. Pero ilang araw na rin siyang tahimik.
After that day we talked, it was like everything was back to normal pero may kaunti pa ring adjustments.
But I couldn't help but notice Kuya Gio that day. He wasn't even shocked na nakita niya si Arkel na umuwi. Alam ba niya?
"Hoy. Ilang araw ka nang mukhang bothered ah. Ayos ka lang ba?" Concerned kong sabi. I was prepared for the "side-eyes" that I was gonna get. Bakit ba? Hindi ba pwedeng concerned citizen lang?
Tumingin siya sa direksyon namin habang hawak-hawak ang laptop niya at tumango. "Someone keeps on calling and texting me, just a random number. Nakailang block na ako rito, talagang bumabalik lang.." Pagpapaliwanag naman nito.
"Tanga, bakit hindi ka kaya magpalit ng number! Ang yaman-yaman mo tapos wala kang pambili ng bagong sim." Binatukan siya ni Inigo. Napapikit si Arkel at huminga ng malalim bago niya batukan pabalik ang blockmate niya.
"Inigo, can you not?" Kunot-noong sabi nito bago ibalik ang pansin sa laptop niya.
"Hayaan mo, bro, baka 'tong number niya eh binigay niya sa babae! Baka hinihintay niya mag-reply. Haha!" Pagbibiro pa nung Gabe.
Sus. Hindi naman niya kukunin 'yung number ng kung sino-sino, diba? Diba?
Almost an hour has passed, inaya na kaming kumain ng mother ni Aeri. She cooked
YOU ARE READING
His Unkept Word (Lover's Lane Series #1) - UNDER REVISION
RomanceLover's Lane Book #1 [UNDER REVISION] Sole heiress of MNZ Visions, Elzeah, had believed that promises were meant to be broken since she, herself, experienced it. However, how would she react if Arkel, who made a commitment that he later broke, retur...