KABANATA 15

248 61 0
                                    

ACE's P.O.V

Kanina ko pa sinusubukang lumipad gamit ang pakpak ko ngunit hindi ito gumagana sa taas wala rin akong makitang kahit ano dahil may kung anong bagaya ng pumipigil sakin upang lumipad ng ayos.

Mahiwaga ang lugar na ito para sakin hindi ko rin magamit ng maayos ang kapangyarihan ko dahil sa napinsala ito noong ginamit ko ang Kugi Punch.

Patuloy naman akong nag papagaling at pinalataas ang antas kahit hindi ko magamit ng buo, uunahin ko muna ang pag gawa ng matibay na pundasyon ng itatayo kong bagong kaharian sa lugar na ito.

Hindi ko narin pinilit na makalipad kaya ng hukay nalang ako para mag mina, puro bato lamang ang nakikita ko sa lugar na ito kaya itinabi ko nalang upang madurog at gawing Bricks.

Aalis na sana ako ng mapansin ko ang isang bagay na kulay asul, sing laki ito ng kabayo makinis din ang batong ito at kung hindi ako nagkakamali ay tinatawag itong LAPIS LAZULI sa planetang EARTH.

Maaari ko itong tunawin at gawing Ink tapos ay itatatak ko sa bawat papel gawa ng pera sa Earth yung bansang pilipinas, Isang libo, limang daan, isang daan, na perang papel.

Madali lang naman gumawa ng papel rito hahaluan ko lamang ng kaunting sikretong sangkap upang hindi magaya ng kahit sino.

Dinala ko yung asul na bato sa bahay ni Liz at pinatunaw sa kanya lihim kong nilagay ang sikretong sangkap upang hindi nya malaman, dumaretso ako sa bahay ni Dirty upang iukit ang mukha ko pati narin ang kaunaunhang opisyal ng Anjuno at ilan pang detalye gaya ng pera sa pilipinas.

At yung gabing yun din ay gumawa ako ng maraming pera, umabot ito sa sampung milyon, tatawaging Yen ang perang ito para maiksi lamang at madaling intindihin.

__***__

Ngayong araw ay tuturuan ko ang mga piling mamayanan ng Anjuno para maging guro, ituturo ko ang mati-matika, Agham, at iba pang aralin upang matutu ang lahat.

Mas pag tutuunan ko muna ng pansin ang edukasyon para sa lahat upang umunlad kami gaya ng sa Earth, inumpisahan ko na silang turuan pinag sanay ko rin sila upang lumakas at maituro nila ito sa mga magiging istudyante nila sa hinaharap.

Isinulat ko lahat ng kaylangan nilang matutunan at biniyayaan sila ng PHOTOGRAPHIC MEMORY para mas mapadali ang pag tuturo nila.

Inumpisahan narin ng mga manggagawa ang pinapatayo kong Akademya, siguro ay ilang buwan lamang ay matatapos din ito dahil mabibilis silang kumilos.

Dinag dagan ko rin ang pag sasanay kay Ginoong Dan ganon din sa iba, nag sisimula na din gumawa ng potion si Liz ngunit limitado lamang ito hanggang Low-Quality pa lamang ang kaya nyang gawin ngunit epektibo naman ito.

Sina Brook at Dirty naman ay abala sa pag imbento ng bago nilang proyekto.

Lumipas ang mga araw ay ngayon na ang tinakdang oras upang simulan ang ekspidisyon sa kagubatan, pina iwan ko si Sam, Marc, at David upang bantayan ang Anjuno.

Kasama ko naman si Allen at Robin pati narin ang mga tauhan nila, malaki ang itinaas ng mga ito dahil sa tulong ng potion na ginawa ni Liz at syempre sa pag sasanay.

"Pinuno!". Tawag ni Brook ng paalis na kami.

"Bakit?". Tanong ko.

"Pinuno, dalhin nyo po ang bago naming gawa ni Dirty, tinatawag po itong Slave Prison ipapatak nyo lamang ang dugo ng mga tao sa bilog na ito at susunod sila sainyo kahit ano pa ang utos nyo may roonlamang po itong limitasyon na hanggang isang libong tao lamang ang makokontrol nito". Mahabang paliwanag ni Brook.

"Kahanga-hanga ang ginawa nyong ito Brook ito ang dalwang libo para sa imbensyon nyo". Ibinigay ko ang Yen sa kanya.

Nagtataka naman nitong inabot ang perang binigay ko sakanya.

"Saka ko na ipapaliwanag ang bagay na iyansa pag babalik ko". Umalis na kami sakay sa kabayong alaga upang mas mapabilis ang pag hahanap namin ng mga tribo.

Habang nag lalakbay kami ay sinilip ko ang imbensyon ni Brook at Dirty.

Slave Prison
[Bronze]

Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko dahil sa kalidad ng imbensyon ng dalwang Blacksmith, Broze na ang nagawa nila at masasabi kong magiging tanyag sila sa hinaharap dahil wala pang isang buwan ng turuan ko sila ay nakagawa na sila ng magandang uri ng Gamit.

Hindi pa kami nakakalayo sa bayan ng Anjuno ay may nakita na kami ng ilang maliliit na Tribo, masasabi kong mas maunlad na kami sa iba dahil sa mga kagamitan.

Naka sout sila ng bahag samantala saamin ay ginaya ko sa sout ng mga taga Earth noong panahon pa ng Maharlika, ito kasi ang nababagay sa panahon namin.

Limang maliliit na tribo ang malapit lamang sa Anjuno pwede na rin, dinukot ko ang lahat ng pinuno ng bawat tribo saka kinausap ng maayos inilabas ko agad ang awra ko upang pumayag sila sa gusto kong mangyari.

Sinabi ko sakanila na babalikan namin sila upang dalhin sa Anjuno at doon na manirahan bibigyan ko sila ng lupain na kanilang pag tatayuan ng sarili nilang bayan.

Ganon nga ang ginawa namin sa boung palibot ng Anjuno hanggang mag takip silim, pinag pahinga ko sila dahil mahaba-haba ring pag lalakbay ang gagawin namin bukas.

Nakakita ako ng Dalwangpu na tribo, lahat ng sila ay bumibilang sa isang libo at tatlong daang katao, nag lagay din ako ng mga palatandaan na pag tatayuan ng panibagong bakod para tuluyan na naming masakop ang parte ng kagubatang ito.

Siguro ay kasing lawak na ng buong Rihiyon ng CALABARZON kasing lawak na ng isang First Rate Kingdom ang sinakop kong lupain.

Kakaunti nga lamang ang mamayanan hindi gaya sa ibang kaharian na milyon-milyon ang mamamayan, balang araw ay makakamit ko rin ito.

Imbis na mag pahinga ay pinakiramdaman ko ang buong paligid at tama nga ang hinala ko, may nakatayo ngang kaharian sa lugar na ito ngunit napaka layo naman sa itatayo kong bagong kaharian.

Ilan lamang ang nakita ko dahil malayo na ang iba kaya siguro hindi rin napupuntahan ang lugar na ito ay malayo sa bawat kaharian.

Pilit ko paring pinakiramdaman ang iba ngunit hanggang doon palamang ang kaya kong gawin, nag pasya nalamang ako na kumuha ng ilang materyales sa pag gawa ng Space Bag.

Wala parin kasi akong makita na miniral pang gawa sa ilang bagay mahirap talaga makakita ng Miniral na lupa.

Nang matapos ako sa pagkuha ay nag pahinga narin ako dahil nakaramdam na ako ng kaunting pagod.

******************************
Vote and Comment. Thanks.

5 votes po simula ngayon ay dodoblehin ko na po ang update. Thanks.

Tear's of a LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon