KABANATA 12

252 54 0
                                    

ACE's P.O.V

"Kapitan malapit na ba tayo?". Tanong ni Muzy.

"Kanina kapa tanong ng tanong zy kapag dika tumigil wag kang tatabi sakin mamaya!". Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Ruby.

"Ehh by naman wag ganyan". Maktol na sagot ng isip batang si Muzy.

Tama, sumali ang dalwa grupo namin ng maging maayos na sila, isang buwan narin ang nakalilipas simula ng maglakbay kami ngunit ni isang barko ng pirata ay wala kaming makita maging ang marine ay hindi namin ma hagilap.

Tungkol naman sa iba ko pang kasama ay nasa ilalim sila ng dagat, anong ginagawa?, pumapatay ng mga Beast dahil na ubusan sila ng BloodForce at itong dalwa lang ang natira dahil gusto nilang mag pahinga.

Tinanong ko sila kung ano ang ginawa nila at bakit na pagod sila kahit hindi lumalabas ng kwarto kaso namula lang silang pareho at umiiwas sa tanong ko.

Ngayon ay malapit na kami sa Pirate's Island, mga isang oras nalang ay makakarating nakami.

"Nakakabagot naman". Rinig kong wika ni Flynn.

"Alam kona, mag pagalingan nalang tayo sa pagluluto tutal marami tayong nahuling dambuhalang isda, si ate Nayomi lagi ang nag luluto nakakasawa na ang lasa". Nang lalait na sabi ni Mason.

"Anong sabi mo!!, para sabihin ko sayo luto ko ang pinakamasarap sa lahat!". Wika ni Nayomi.

"Magandang ediya Flynn!, nagugutom narin ako".       Mahin-hin na sabi ni Suri.

Nag simula silang mag lakad papunta sa kusina ng barko, at sumunod narin ako dahil nagugutom na ako.

Gusto ko rin tikman ang luto ng mga ito kung ano ang lasa.

"Dapat may premyo ang mananalo at yun ay mga nakuha nyong BloodForce para ganahan naman ako". Pag mamayabang ni Muzy.

Inilabas ni Flynn, Mason, at Muzy ang mga nakuha nilang BloodForce at nilagay sa isang Space Bag, agad silang nag simula mag luto at ang mga luko ay gumawa pa talaga ng harang upang hindi namin makita ang niluluto nila.

Nakakapag taka lang ay pare-pareho sila na mausok ang niluluto, tumagal lamang ng saglit at natapos na sila.

Sabay-sabay nilang nilagay ang mga niluto nila sa lamesa at tumayo sa harapan nito.

"Dapat sabay-sabay tayong mag bubukas para walang lamangan". Paalala ni Mason.

"Isa"..
"Dalwa"..
"Tatlo!"..

Doon tumambad samin ang inihaw na isda at ang malma ay pare-pareho sila ng niluto.

"Mga mang gagaya!!". Mag kakasabay nilang sigaw.

"Wag na kayong mag away dahil sa lasa naman kami kukuha ng magiging boto namin". Hindi ko alam kong bakit napaka hinhin ni Suri hindi ko pa ito naririnig magalit o sumigaw.

Kumuha si Suri ng gayat sa bawat inihaw na isda at daglian itong kinain, isang subo palamang nito ngunit na ibuga na agad nya ang pagkain sa mukha ng tatlong ugok.

Bigla nalamang bumigat ang hangin sa loob ng kusina at ng tingnan ko si Suri ay parang tinubuan ata ito ng sungay dahil sa sama ng tingin nito sa tatlo.

Namutla naman sina Flynn, Mason, at Muzy dahil sa nakakatakot na tingin ni Suri.

"Pagkain ba ang tawag dito, dinaig pa nito ang basura!!!. Galit na galit na sigaw ni Suri at mabilis na pinag bubug-bug ang tatlo.

Ngayon ay naniniwala na ako sa kasabihang masamang magalit ang mabait.

"Kapitan may nakita akong barko dikalayuan". Wika ni Ruby at mabilis naming pinuntahan.

Doom tumambad samin ang isang napakalaking barko na may gintong simbolo, itinaas nila isang simbolo na nangangahulugang ihinto ang barko namin.

"Kapitan delekado ang lagay natin ngayon, ayun sa nabasa kong libro ay ang gintong watawat na iyon ay pag mamayari ng mga Merchant Pirate's na pinamumunuan ng isang level 9 Master Plate". Dahil sa sinabi ni Flynn ay nakaramdam ako ng takot.

Takot hindi para sa sariliko kung hindi para mga kasamahan ko, hindi ko makakayang protektahan ang lahat kung totoong level 9 Master Plate ang kapitan ng barkong ito.

Bigla nalang nag hagis ng tali ang Merchat Pirate at doon sila dumaan upang tumuntong sa barko namin, armado ang mga ito at masasabi kong malakas ang mga ito.

Level 1 Champion Plate ang pinaka mahina sakanila at bumibilang sa tatlumpung katao ang mga ito, hindi namin kakayanin ang dami nila.

Susugod na sana ako ng may biglang bumulusok sa saakin at tumalsik ako sa kabilang barko, dahil sa biglaang atake na aking natamo ay napinsala ng sobra ang aking katawan.

Isang atake palamang ang tumama sakin at ganito na agad ang lagay ko, pilit kong nilabanan ang sakit ng katawan at tumayo.

"Magaling, akala ko ay napatay na kita sa isang simple kong atake ngunit hindi pala". Wika ng isang balbas saradong lalaki.

Agad akong nangamba ng malaman ko antas ng lalaking kaharap ko, isang........level 1 GrandMaster Plate!!!!.

Hindi kakayanin ang isang ito napakalayo ng agwat namin upang malabanan ko siya, siguradong magiging malamig na bangkay kami kung mamalasin.

"Ano bata na tahimik kana!". Sinakal ako nito at inangat sa ere, hindi ko manlang na sundan ang galaw nito dahil sa bilis.

Isa nalang ang na iisip kong paraan upang makatakas kami at yun ay gamitin ang pinakamalakas kong atake, hindi ko pa ito gamay ngunit kaylangan ko na itong gamitin kahit buhay ko pa ang kapalit!.

[Kugi Punch]

Dahil sa mag kadikit lamang ang katawan namin ay hindi siya naka ilag sa surpresa kong atake....



AUTHOR's P.O.V

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa bahagi ng karagatang iyong, dahil sa liwanag  na iyon ay kahit ang nasa malayong lugar ay nasaksihan.

Tumama ang atake ni Ace sa kapitan ng Merchant Pirate na nag dulot ng napakalaking pinsala, ang mga kasamahan ni Ace ay na punta sa loob ng bato na nakita nya sa gubat, ang barko naman nila na pinangalanang =SHARP= ay nawasak at naging abo kasama ang lahat ng nakasakay rito.

Samantala ang binatang si Ace naman ay patuloy ang pag bulusok sa pinaka malayong lugar na kahit sino ay hindi pa napupuntahan, malayo ito sa kabihasnan at talagang iilan lamang ang kahariang nakatayo rito.

Hindi gaya ng pinanggalingan ni Ace na maunlad na ang ekonomiya at Edukasyon, bumag sak ang binata sa isang puno at doon makikita ang isang maliit na tribo.

Dahil sa paggamit ni Ace ng isang delikadong Skill ay bumalik siya sa pag kabata lumiit siya na kasing liit ng limang taong gulang na bata, dapat ay kamatayan ang dulot ng Skill na ginamit nya ngunit iba ang nangyari.

Dahil sa kanyang nakuhang bato ay bumaba ang masamang epekto nito at napaltan ng pagbalik nya sa batang anyo.

Ang Kugi Skill ay isang uri ng pinag halo-halong teknik na nag dulot ng isang nakakatakot na Skill, ang matututo nito ay talagang katatakutan ng lahat dahil, kahit isang daliri lamang ang gamitin o kahit pag titig lamang ay napakalakas na!.

Ito ay maihahalintulad na sa isang Diyos, matagal ng nawala ang skill na ito sa mundo ang skill na ito ngunit kada bilyong taon ay may roong isang nakakakuha nito.

Dahil sa tagal na nito ay naging alamat nalamang ang Kugi Skill sa lahat, ang dating may ari nito ay isang Diyos ng kamatayan.

Maraming napatay ang diyos ng kamatayan ng gamitin nito ang skill sa kapwa ng diyos na nagdulot ng malawakang digmaan pinamunuan niya ang mga demonyo at sinakop ang buong kalawakan ngunit nabigo siya dahil kung may masama ay may mabuti.

Dumating ang babaeng nakabihag sa puso ng masamang diyos na naging dahilan ng pag bagsak nito at pag balik sa balanse ng buong kalawakan.

******************************
Vote and Comment. Thanks.

Tear's of a LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon