KABANATA 28

236 56 3
                                    

AUTHOR's P.O.V

"Hindi maaari!". Sigaw ng isang nilalang habang nakaupo sa tuktuk ng napakataas na upuan.

"Simula na ng pagbabago,
Namayapa ay babangon,
Kapayapaan o delubyo ang magiging hatol,


Mag-ingat dahil lobo ay nag anyong tupa,
Ang tubig ay naging apoy at ang apoy ay naging tubig,


Gisingin ang nilalang na ngayon ay nakatulog,
Dahil tagapagligtas ang lilipon,


Luha ng mga ulap,
Araw na yumakap,


Ginhawa'y dulot ng hangin,
Buwan na dala'y dilim,

"Nag-salita na ang libro---at mukhang mapapaltan kana hmmmm...". Wika ng isang napakagandang dilag habang nag tsa-tsaa.

"Wahhh.... hindi maaari yun, nasa atin ang pananampalataya ng mga naninirahan sa lahat ng planeta!, samantala ang lalaking yun ay wala pa sa kalingkingan ng lakas nati----".

"Huwag mong maliitin ang taong hindi mo pa nakikita B.A.T.A". Putol ng isang matandang lalaki.

"Ihhhh.. naman hindi na ako bata!! Atsaka maliit lang talaga ako!!, hmp-- kahit na ilang milyong planeta ang nanampalataya sakin samantala ang lalaking yonn, ginagalit nya ko". Sabat uli ng bata daw?.

"Ano sapalagay nyo mga kasama?, maging tayo ay manganganib kung wala tayong gagawin". Natahimik ang lahat matapos sabihin ng isang lalaking may sungay ang kanyang opinyon.

"Tama ka, ngunit para saan pa at naging diyos pa tayo kung hindi natin gagamitin?, sapat na ang mahabang panahong pananahimik, kikilos na tayo bago pa bumagsak ang unang hukbo". Nababahalang wika ng nakaupo sa itaas.

Sa lugar naman kung saan nakatayo si Ace ay nakikita na nya ang kanyang mga kaibigan sa loob ng isang salamin, mabilis nyang inilabas ang susi upang mabuksyan na ng tuluyan ang lagusan at makasama na nya ang mga kaibigan.

"Mga kasama!". Sigaw nya sabay yapos sa anim na kaibigan.

Nag taka naman siya dahil hindi manlang umibo o dikaya'y kumilos ang mga kaibigan, tiningnan nya ito ng mabuti at doon nalaman nyang wala ito sa mga sarili, nakatulala lamang ang anim na kaibigan nya at kulay puti narin ang kanilang mga mata.

Bang!!!!

Mabilis ang mga pangyayari hindi namalayan ni Ace na aatakihin napala siya ni Suri, masyado syang nangulila sa kanyang mga kaibigan kaya nawala ang kanyang atensyon sa paligid.

Bang!!!!

Bang!!

Ilan pang sunod-sunod na atake ang pinakawalan ni Suri ngunit wala lamang itong naging pinsala sa katawan ni Ace, tumalsik man siya ngunit hindi sapat ang ilang mahihinang atake ni Suri upang magpinsala siya.

"A-nong ginagawa mo S-suri?". Naguguluhang tanong ni Ace.

"Hahaha...... wala na ang mga kaibigan mo basura, kinuha ko na ang mga kaluluwa nila at inihulog sa walang hanggang panaginip". Wika ng isang napakalalim na boses ni Suri.

Tear's of a LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon