KABANATA 21

211 53 0
                                    

AUTHOR's P.O.V

"Umpisahan natin sa magiging takbo ng kaharian ang unang pag uusapan natin". Wika ni Lord Dan.

"Magandang umaga mga kasamaha at mga kamahalan, bakit hindi natin gawing mga alipin ang lahi ng Beatok, masyado ng malaki ang populasyon ng ating kaharian kaya naman siguradong mag kukulang ang mga pagkain natin lalo na at hindi pa napapasaatin ang Great Sea?. Panimulang wika ng isa sa mga konseho.

Dahil sa sinabi ng isang konseho ay hindi mapigilang magalit ng dalwang Beatok sa loob ng bulwagan.

"At ano naman ang makukuha nating binipisyo kung sakaling maging alipin natin sila?". Tanong ni Lord Dan.

"Lord Dan alam naman nating lahat na malaki ang kanilang pakinabang saatin kung sila ang magiging mga sundalo na ipapadala sa bawat gera kung sakali hindi na natin kaylangan mag alala sa ating kaligtasan at magsakripisyo ng mga kalahi natin". Magalang ngunit makikitaan ng kasakiman na wika uli ng isang konseho.

Marami naman ang sumangayon sa opinyon ng isang konseho, lalo na ang mga mababang opisyal na kaylangan ng kapit sa taas.

May roong limang daang konseho ang nakatalaga sa buong kaharian at bawat isa sa mga ito ay may kanya kanyang otoridad at kapangyarihan na hindi dapat baliwalain, hindi sila itatalaga sa pwesto kung wala silang kayamanan at talento.

Kung baga sila ang may kakayahang pumigil sa isang bagay na magaganap palamang sa loob ng kaharian kahit ang mga salita ng Hari ay kaya nilang ipasawalang bisa kung pati ang 10 Highest Counsil ay sasangayunan ang kanilang gusto.

Nasa batas ito na sila mismo ang gumawa upang mag karoon rin sila ng malakas na otoridad, wala namang reaksyon si Ace sa kanilang isinulong na batas hanggat walang nasasaktang inosente.

"Isa kang makasariling tao ginoo". Sabat naman ng isang pari.

Napalingon ang lahat sa paring ito at masasabi nilang may roon itong napakataas na katungkulan para kalabanin ang isang konseho.

"Alam mo bang isang malaking kasalanan ang pang aalipin?". Mababakas ang pag ka galit sa tono ng paring ito.

"Ipag paumanhin mo ginoo ngunit walang magagawa mga salita ng diyos kung isapada na ang kalaban nito". Bastos na wika ng konseho.

!!!

Nagulat ang lahat sa sinabi ng isang konseho dahil ang pag sasalita nito ay isang bastos, hindi nya ginagalang ang tinuturing nila na panginoon.

"Isang lapastangan!".

"Dapat syang patayin".

"Tama parusahan sya".

Sigaw ng mga tao sa loob ng bulwagan, maging ang ilang may mataas na katungkulan ay nagalit sa isang myembro ng konseho.

"Magsitigil kayo!!!, nasa loob tayo ng silid na ito para mag pulong hindi mag sigawan, ginoo ang iyong mungkahi ay hindi katangap-tangap". Wika ni lord Dan.

"Tama ang pang aalipin ay inilulugar, kapag nalaman ng mahal na Hari ang inyong mga walang kwentang mukahi ay siguradong mapaparusahan kayo!". Wika ni Supremo.

"Dahil wala namang kwenta ang inyong mga sinasabi ay ako na muna ang mag uulat". Wika ng isang babae.

"Mag papakilala muna ako, Alchemist Sec. Mistress Liz ang tawag ng lahat sakin, ngayon ay gusto kong malaman nyo na may roon kaming pinag aaralang Fossils na natagpuan sa ilang liblib na kweba sinasabing buto ito ng mga immortal kaya pinag aralan namin ito gamit ang makabagong teknoluhiya, tumugma sa mga ginawa naming pag susuri ang mga buto at ilang Fossils, tunay na nag karoon ng mga Immortal ngunit hindi ito gaya ng inyong iniisip na walang hanggang buhay, maaari lamang na tumagal ng isang siglo ang mga immortal na ito sangayon ay pinag aaralan parin namin ito dahil may roon paring ilang kulang na pormula upang mapadami at mas lalong tumalab ang tatawagin nating Miracle Pills". Mahabang paliwanag si Sect. Mistress Liz.

Tear's of a LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon