Simula Pa Nung Una

107 3 0
                                    

Simula Pa Nung Una // DoDam drabble

Simula pa nu'ng una, hindi na maintindihan nararamdaman

Bata pa lamang si Doyoung ay mahilig na talaga siyang makipagkaibigan. Bawat bata na makasalubong niya ay kinikilala niya. Mabait talaga siya at malambing, madaming kabataan ang may gusto sa kanya.

Naging magkaibigan ngunit 'di umabot nang magka-ibigan

Habang naglalaro si Doyoung sa may park, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa swing, mag-isa lamang ito kaya't lumapit siya. "Hi! Ako pala si Doyoung, ikaw anong pangalan mo?" Nagulat ang lalaki ngunit sumagot din naman, "Yedam." Mahiyain, unang pumasok sa utak ni Doyoung. "Wag kang mahiya sa akin, pwede ba kitang maging kaibigan?" Napangiti si Yedam at agad na tumango. "Bakit pala mag-isa ka lang dito?" Tanong ni Doyoung habang kumakain ng ice candy. "Hindi kasi ako sanay makipag-laro sa madaming tao." Napatango si Doyoung. Simula non, naging malapit na magkaibigan sila hangga't pagtanda.

Tanggap ko 'yun noon, kampante na ganu'n na lang

"Bro, tapos ka na sa mga pinagawa ni Ms. Lim?" Umupo si Doyoung sa bakanteng upuan sa tabi ni Yedam sa may cafeteria. "Yep, arcade tayo boss?" Pag-aya niya at nagliwanag ang mukha ni Doyoung. Umalis na sila at pumunta sa mall para mag-arcade. Habang nangongolekta ng tokens si Yedam ay pasimpleng kinukuhaan ito ng litrato ni Doyoung. "Ano na boss kanina mo pa hawak yang camera mo, di ka maglalaro?" Tinignan siya ni Yedam at umiling lamang siya, "Ikaw muna bro, I'm taking pictures of you and the place." Tumango nalamang si Yedam at naglaro. Laging ganito si Doyoung, mahilig siyang kunan ng litrato ang kaibigan at ilalagay sa photo album niya. Kampante siya na magiging magkaibigan sila hanggang dulo, tanggap niya na hanggang kaibigan lang, noon.

Sapat na nakasama kita kahit hanggang du'n na lang

Lagi silang magkasamang dalawa. Minsan napagkakamalan silang magnobyo ngunit pareho nila itong itinita-tanggi. Magkaibigan nga lang kasi sila, hanggang dun lang talaga. Nandito sila sa bagong cafe na kung tawagin ay Elegiac. Si Doyoung ay nasa counter para umorder at si Yedam ay naghanap ng mauupuan. "2 oreo cheesecakes po ma'am and 2 frappucinno." Saad ni Doyoung at tumango ang cashier. "Sir boyfriend mo po?" Tanong nito sabay turo kay Yedam at napailing agad ang binata. "Kaibigan ko lang po haha." Napatango ang babae at sabay sabi "Sayang sir bagay pa naman kayo hahaha, ito po enjoy your coffee." Kinuha na niya ang order at pinuntahan si Yedam na nagbabasa ng libro sa dulong parte ng cafe. Napansin ni Yedam na umupo na ito kaya't isinara na niya ang libro. Kumain na sila at nagkwentuhan. Masaya si Doyoung, para sa kanya sapat na ito, sapat na lagi silang magkasama bilang magkaibigan. Hanggang magkaibigan lamang, dun lang.

'Di na lang ako lalapit, 'di na lang titingin
Para hindi na rin mahulog pa sa 'yong mga mata

Bumisita si Doyoung sa bahay nila Yedam dahil sabado naman at wala silang gagawin. "Tita si Yedam po?" Nakasalubong niya ang nanay ng binata at napangiti ito, "Nak nandun sa may rooftop, malapit na mag-gabi kaya panigurado mag-star gazing na naman yon. Magluluto muna ako ng pagkain niyo ha." Tumango na lamang siya at pumunta na sa rooftop. Nakita niya si Yedam na inaayos ang telescope. "Bro stargazing?" Tumabi si Doyoung sa kanya at sumagot siya, "Napadalaw ka boss?" Tanong nito at tumawa si Doyoung, "Boring sa bahay puro mukha ni kuya Kyu nakikita ko." Natawa na din si Yedam at natapos na niyang ayusin ang telescope. "Hey dobs, I told the stars about you." Yedam looked at him and smiled warmly, Doyoung suddenly felt butterflies. "Hmm?" He could only hum as a response. "I told them that they should let you know that you're so precious. Alam kong may problema ka pero di mo ako sinasabihan, I just wanna tell you that you're worth it. Reach for the stars and you'll be one of them, my best friend." Hinawi ni Yedam ang buhok nito at ngumiti na lamang si Doyoung. "Atleast we are under the same sky looking at the same stars."

Siguro nga, napamahal na 'ko sa 'yo, oo
'Di naman inaasahan, 'di naman sinasadya

Si Doyoung ay narito sa library, nagbabasa ng libro kung saan ang kwento ay nagmahal ka ng dapat kaibigan lamang, dama niya yung sakit. Kasi nahulog na nga ata siya, mahal na nga niya ata ang kaibigan niya. Yung mga mapupungay nitong mata, matamis na boses, matangos na ilong, mapupulang labi at malalambot na pisngi, lahat ng detalye ng kaibigan saulo na niya at napamahal na nga ata siya. "Boss. Boss. Hoy boss kanina pa kita tinatawag." Hindi na niya napansin na narito na pala ang kaibigan niyang si Yedam. "Sorry may iniisip lang." Napatikhim si Doyoung at umayos ng upo. "Punta tayo sa espana?" tumango si Doyoung at umalis na sila. Hindi siya makatanggi kasi gusto niyang laging makasama ang binata.

Pero alam ko rin naman, hanggang dito na lang
Lilimutin ang damdamin, isisigaw na lang sa hangin

Hanggang kaibigan lang, hindi pwedeng lagpasan ang linya. Alam yon ni Doyoung, ayaw niyang lumagpas sa linya. Alam niyang mali ang nararamdaman niya, bakit ka nga ba kasi magkakagusto sa taong hanggang kaibigan lang dapat? Ayaw niya na masira ang kanilang pagkakaibigan dahil lang sa kanyang nararamdaman. Panahon na siguro para kalimutan at alisin ang damdamin niya para kay Yedam, ngunit paano? Nahihirapan siya, masyado na siyang napamahal dito at mukhang hindi niya ata kayang kalimutan ang lahat ng damdamin niya. Kasi kahit na anong gawin niya, hindi mapapakali ang puso niya basta't masilayan lamang ito.

Sinubukan ko naman na pigilan ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sa 'yo, pa'no ba naman?
Isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring nakakatunaw
'Wag nang pansinin, delikado na, delikado na

Ilang linggo na nung sinimulang hindi pansinin ni Doyoung si Yedam, baka sakaling mawala ang nararamdaman niya kapag malayo ito dito. "Boss! Iniiwasan mo ba ako?" nagulat siya nung nagpakita ito sa harap niya. Hay nako, paano niya lalayuan to kung nagpapacute? "Uy bro sorry hahaha busy lang" umirap na lamang si Yedam at hinila ang braso ng kaibigan, "libre mo ako milktea tagal mo wala paramdam." Napatingin siya sa mga mata nito, ang ganda. Parang isang paraisong puno ng mga bulaklak at paro-paro, kaibig-ibig. "O Paraluman, Ika’y akin nang dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso." Pagkanta ni Yedam, hindi mapigilan ni Doyoung ang pagtibok ng kanyang puso. Nakakatunaw ang malumanay na boses nito, hindi na lamang niya pinansin. Delikado, ayaw na niyang mahulog pa ng tuluyan.

Nakatingin mula sa malayo
Tanggap ko nga ba 'to?
Sapat na nga ba 'to?

Tanggap niya na magkaibigan lang sila. Sapat lang na hanggang dun lang, pero noon yon. Parang gusto niya bigla umamin para mapakawalan ang kanyang nararamdaman. "Yedam. Gusto kita." Nagpapractice pa lang naman siya sa hangin, ngunit hindi niya inaasahang nasa likod na pala niya ang binata. "Ano Doyoung?" Naguguluhang tanong nito. "Y-yedam nandito ka pala." Tumango lamang ito at nagtanong ulit, "Totoo ba yon Dobs? Gusto mo ako?" Napa-oo si Doyoung at tumungo, pinipigilan kumawala ang mga luha

Pero ikaw na ang lumapit, nasa akin ang tingin
Hinawakan ang aking kamay at sabay sabing

"Dobs naman eh. Bakit ako pa? Alam mo na hindi tayo pwede, bakit mo ako nagustuhan? Magkaibigan tayo Doyoung, hindi ako nantatalo ng kaibigan. Ayoko ng ganon, mali to Doyoung. Sa dami ng taong pwede mong magustuhan, bakit ako pa?" Hindi alam ni Doyoung kung galit ba 'to o naguguluhan lamang, pero nasasaktan siya. "'Di ko naman inaasahan, 'di ko naman sinasadya, sinubukan ko naman na pigilan na lang Yedam eh." Hindi na niya napigilan ang mga luha na tumulo. "Hindi ikaw ang gusto ko." Limang salita, hindi niya inakalang madudurog ang puso niya sa limang salita mula sa kaibigan. Simula pa nung una, alam na niyang hindi pwede. Siguro nga hindi na dapat siya umasa pa.

"Hanggang dito na lang ba ang ating pagkakaibigan?" Mula ng itanong ni Doyoung ang tanong na yan kay Yedam, hindi na sila muling nagkita pa. Pinutol na nila ang tali na nagkokonekto sa kanila, lahat ng pinagsamahan nila natapon nalang ng basta. Umalis si Doyoung ng bansa para maghilom ang mga sugat ng kaniyang puso. Handa na siyang pakawalan si Yedam, sa wakas. Matapos ang ilang araw ng pangungulila at paghahanap ng pagmamahal, natuto siyang mahalin ang sarili niya.

Nilimot na ang damdamin
Tinangay na rin ng hangin
Mga salitang hindi nasabi...

Mahal kita.

Treasure Drabbles || cielatrains Where stories live. Discover now