Huling Sandali

64 3 0
                                    

HULING SANDALI || jaesahi drabble

Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa 'yo

Papunta ngayon si Asahi sa kanilang kumpanya at sobra ang kabog ng kanyang puso. Kinakabahan siya, natatakot may makita. Kasamahan niya kasi sa trabaho ang kaniyang dating kasintahan. Umabot sila ng apat na taon ngunit natapos na ang kanilang pag-iibigan noong nakaraang buwan lamang. Pagkapasok pa lamang niya sa kanyang opisina ay nakita na niya ang pigura nito, napatingin ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Agad na umiwas si Asahi at nagsimula na magtrabaho.

Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't 'wag mong bitawan

Tumayo si Asahi para ipa-print ang mga papeles na ginawa niya. Naghihintay lamang siya ng biglang may maramdamang presensya sa likod niya. Amoy niya ang pabango nito kaya't nalaman niyang ito'y si Jaehyuk, ang kanyang dating kasintahan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nagsimula siyang mag-panic. Kinuha na niya ang mga papel ngunit sadyang nanginginig siya kaya't nabitawan niya ang mga ito. Nagulat siya nang tumulong si Jaehyuk na kunin ang papel na nahulog sa sahig. Nagdikit ang kanilang mga kamay at hindi mapigilan na kiligin ni Asahi. "S-salamat." Agad na binawi ni Asahi ang kaniyang kamay at umalis na.

Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yo

Break time ngayon nila Asahi at pumunta siya sa cafeteria upang kumain. Dati ay sabay silang kumakain ni Jaehyuk sa iisang mesa ngunit ngayon ay wala na. Habang umiinom siya ng kape ay bumukas ang pinto at pumasok si Jaehyuk. Umupo na sa kabilang mesa si Jaehyuk at nagsimulang kumain. Maya't maya pa ay dumating ang ibang kaibigan ni Jae at sinamahan siya sa mesa. Kahit malayo ay tanaw pa din ni Asahi ang buong detalye ng mukha ni Jaehyuk, hindi niya mapigilan na mabighani. "Boss H baka naman matunaw." Napatingin siya sa kaniyang tagilliran at nakita si Mashiho, kaibigan at ka-trabaho din niya. Umiling na lamang siya at ibinalik ang tingin sa binata. Ang mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, mapupulang labi. "Mash bakit ko nga ba pinakawalan to?" Tanong niya sa kaibigan kaya natawa ito, "Kasi tanga ka."

Maaari bang huwag kang humiwalay
Dahil sandali na lang

Puno ng pagsisisi si Asahi dahil gusto padin niya makasama si Jae. Pero alam naman niyang hindi na pwede, pinakawalan na niya hangga't maaga pa dahil masasaktan lang silang dalawa kapag pinatagal pa. "Bakit ka ba kasi nakipaghiwalay?" Tanong ni Mashiho kay Asahi. "Aalis siya, pupuntang ibang bansa. Sabi niya pwede naman daw siyang manatili basta sabihin ko lang, ayoko naman maging sagabal sa mga pangarap niya. Ako yung nagtulak sa kaniya papalayo pero para naman yun sa aming dalawa, para matupad na niya mga pangarap niya." Nakatingin si Asahi sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang buhos ng ulan. Naalala niya ang araw na nag-usap sila sa gitna ng ulan, "Sahi, maari bang huwag ka munang humiwalay? Sandali na lang naman bago ako umalis, pwede ko pa naman itigil... Ayokong iwan ka." Ito ang mga salitang sinabi sa kanya ni Jaehyuk noon ngunit desidido siya, "Jae, mas masasaktan tayong dalawa kung papatagalin pa. Mas mabuti nang pinalaya kita ng maaga." Ngunit may mga salita siyang hindi nasabi noon, dala ng takot at ayaw niyang manatili ang binata dahil sa kanya. "Mahal ko, baka kapag nanatili pa tayo hanggang dulo ay hini na kita mapakawalan."

Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

Kailan kaya natin maibabalik ang lahat? Darating pa kaya ang gabi na magkikita tayo at wala nang pipigil pa sa 'ting pagmamahalan? Aasa pa ba ako? Itatama pa ba o tama na? Tama na siguro, mukhang hindi na ata maibabalik pa ang lahat. Siguro'y wala na talagang pag-asa para maibalik ang kahapon, para itama ang tadhana.

Kahit sandali, palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa sa huling pagkakataon na ika'y magiging akin

Abala si Asahi sa pagt-trabaho nang may lumapit sa kanyang opisina. Tumingala siya at nakita si Jaehyuk. "Asahi, pwede ba tayong mag-usap?" Napatango na lamang siya at sinundan ito. Nagtungo sila sa rooftop at pinagmasdan ang kalangitan. "Aalis na ako bukas." Tumango lamang si Asahi, tumingin siya sa taas para pigilan ang mga luha. "Sigurado ka na bang hindi mo ako pipigilan? Sabihin mo lang na ayaw mo akong umalis, mananatili ako sa tabi mo." Saad ni Jaehyuk, hindi na mapigilang kumawala ang mga luha. "Paano yung mga pangarap mo?" Hinarap na din siya ni Asahi at isa isang tumulo ang mga nagbabadyang luha. "Sahi naman, pwede kong maabot yung mga pangarap ko habang kasama ka..." Nagdadalawang isip ngayon si Asahi, ngunit ayaw niyang magsisi ito sa huli. Ayaw niyang maging sagabal sa buhay nito kaya't itinutulak niya ito paalis. "Kung tayo talaga ang pinagtagpo ni tadhana, magkikita at magkikita tayong muli sa tamang panahon."

Hindi matigil ang gulo sa aking isip at para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan

Tatlong taon na muli nang umalis ng bansa si Jaehyuk. Sa loob ng tatlong taon, nakagawa na ng sariling kompanya si Asahi, natupad na din ni Jaehyuk ang kaniyang pangarap na maging arkitekto sa espanya. "Babalik ka pa ba? Tatlong taon na mahal ko, pero lahat ng alaala mo ay bumabalik padin sa aking isipan." Saad ni Asahi habang pinagmamasdan ang litrato ni Jae. Hanggang tingin na lamang siya ngayon, walang kasiguraduhan kung babalik pa ba.

Oras lang ang may alam
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

"Jae kalma, uuwi ka lang naman ng Pinas." Kasama ngayon ni Jaehyuk si Junkyu sa Espanya. "Kinakabahan ako baka mamaya kasi, wala na akong balikan dun..." Maya't maya pa ay may dumating na lalaki, "Señor, aquí está su billete de avión reservado." (Sir here's your reserved flight ticket). Ngumiti si Jaehyuk at kinuha ang ticket, "Muchas gracias." Huminga siya ng malalim bago pumasok sa eroplano at nagpaalam na sa kaibigan. "Sana naman hindi pa huli ang lahat, nasa tamang oras na naman siguro. Ngayong gabi, sana'y wala nang pipigil sa 'tin."

At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa 'yo

Narito si Asahi sa kanyang opisina at tumitingin sa mga emails nang biglang pumasok ang kaibigang si Mashiho. "Boss H, may bago daw na project. Nakahanap na ng architect na gagawa ng design, galing Spain yun and sikat talaga siya." Napatigil bigla si Asahi, "Spain?" Tumango si Mashiho at umalis na. "Tama ba itong naiisip ko? Sana naman dinggin na ang aking panalangin na ikaw ay bumalik, sa bawat minuto na tumatakbo, ako'y narito naghihintay sa 'yo."

Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

Tama nga ako, bumalik nga siya. Ngunit hindi naman ata ako ang binalikan niya. Narito nga siya sa aking tabi ngunit may bago na siyang tinitignan. Nasa ibang tao na ang kaniyang atensyon. Ako ang kapiling mo ngunit may ibang tao na ata dyan sa puso mo. Masyado ba akong naghintay ng matagal at umasa na ako ay babalikan mo pa? May nahanap ka na palang iba, sana hindi ka nalang umuwi pa. Kasalanan ko naman, pinakawalan kita. Hindi dapat ako nasasaktan diba? Pero bakit naman ganon, ang hirap hirap tanggapin na iba na ang nagpapasaya sayo? Bakit hindi kita makapiling kahit sa huling sandali? Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi? Bakit ang daming sagabal sa pagiibigan natin? Tama na siguro, hindi na talaga pwede pa. Paalam na mahal ko, hindi na kita hahawakan pang muli.

Treasure Drabbles || cielatrains Where stories live. Discover now