PROLOGUE

148 5 1
                                    

May Day Eve‌

‌©2015 by IcePrince_18

***Prologue***‌‌

"Mayo na naman." ‌

Napatingin si Airish sa kanyang lola na nagsalita. Lagi niyang napapansin na sa tuwing sasapit ang buwan ng Mayo lagi itong binabanggit ng matanda‌‌‌. Kaya minsan, napapaisip siya. Ano bang meron kapag Mayo? ‌

"La, ano bang meron sa Mayo?"‌

"Apo, siyempre magiging maganda na naman ang mga ani ng ating mga magsasaka‌."‌

Napatango na lamang siya. Alam naman niyang ito lagi ang isasagot ng kanyang lola sa kanya.‌

Tumayo siya sa rattan na upuan at tumungo sa kanyang silid na nasa ikalawang palapag pa. ‌

Tuwing sasapit kasi ang bakasyon, sa probinsya siya pinapatira ng kanyang magulang. Kaya ngayon ay kasama niya ang kanyang lola.‌

Si Airish ay 17 years old na. Sa susunod na buwan ay nasa tamang edad na siya. Mahaba ang kanyang buhok na kulay itim, medyo bilugan ang kanyang mata, lagi siyang nakangiti. Kung tutuusin, perpekto na siyang bata. Isa pang katangian niya ay ang pagiging mabait, kung may taong may kailangan ng tulong, agad niya itong tinutulungan‌. At dahil dito marami siyang nagiging kaibigan.‌

Sumilip siya sa kanyang bintana‌. Pumikit siya at dinama ang simoy ng hangin.‌

"Ang ganda talaga sa probinsya, parang malayo ka sa kapahamakan kapag andito ka‌." Bulong niya sa hangin‌‌.‌‌

Napamulat siya ng biglang magring ang kanyang cellphone‌. Agad niyang dinampot ito at sinagot ang tawag.‌

"Hello Shy," pambungad niya‌.‌

"Hello Airish!" Batid sa tono nito ang pagkaexcite.‌

"Why so happy?"‌‌

"Naku! Alam mo ba? May nabasa akong article sa internet. Ang saya nito. Promiseee!"‌

"Ano na naman iyan ha Shy?"‌

"It is called May Day Eve."‌

"May Day Eve?" ‌

"Oo, sa isang gabi daw ng May, makikita mo ang iyong soulmate kapag ginawa mo 'yong ritual."‌

"Ritual?" Napataas bahagya ang kilay ni Airish.‌

"Yes! Gusto mo gawin natin?‌"‌

Napaisip siya, hindi naman siguro masama kung gusto mong makita ang iyong soulmate hindi ba? ‌

"Tara!" ‌

"So yeah, babyahe na ako papunta diyan sa inyo. Seeyah girl!"‌

"Yeah. See you."‌

Binaba na ni Airish ang kanyang cellphone at napaupo sa kama. Napangiti siya, ito ba ang sikreto ng buwan ng Mayo?‌

Napatayo siya at humarap sa malaking salamin kung saan kita ang buo niyang repleksyon mula ulo hanggang paa. Siguro nga. Siguro nga dapat makita niya ang kanyang soulmate.

May Days Eve (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon