Two: A New Friend

26 2 0
                                    

"Sira ulo ka talaga Shy! Bakit mo iyon ginawa?" Tanong ni Airish saka siya lumingon sa tindera sa sari-sari store. "Ate dalawang 12 oz nga po na Coke tapos dalawang Chippy na green na malaki." Saka siya nag-abot ng one hundred pesos.

Lumingon naman ulit siya kay Shy, "Best, makikipagkilala lang naman. Masyado kang highblood."

"Iha, ito na oh."

"Ay, salamat po ate." Ngumiti siya saka kinuha ang mga binili niya.

Agad naman siyang umupo sa tabi ng kaibigan at inabot dito ang isang nakaplastic na Coke at ang isang malaking Chippy.

"Thank you," sabi ni Shy.

"Welcome. Sa susunod huwag mo ng uulitin iyon ha? Naku! Baka malitson kita ng buhay."

"Litson agad? Ang hard mo 'te! Nga pala, hindi mo ba kilala 'yong lalakeng iyon?"

"Hindi eh. Ngayon ko nga lang 'yon nakita dito eh."

Tinapik ni Shy si Airish sa balikat, "Pero, ang gwapo niya! Ang laki pa ng katawan tapos may abs? Diba ang sarap niyang kainin?"

"Masarap? Tao siya! Baliw ka talaga!"At sabay pa silang tumawa.

"Tara, balik na tayo sa bahay." Aya ni Airish.

"Tara."

"May shortcut dito pataas, dito na tayo daan."

"Sige."

Nagsimula na silang maglakad at hanggang ngayon naiisip pa din ni Airish kung sino ang misteryosong lalake na iyon. At palagay niya ay dapat niya yata itong makilala.

"Psst."

Pagkuwa'y napatingin si Airish sa kanyang likuran. Ganoon din naman ang ginawa ni Shy. Nabigla silang dalawa ng may humawak sa kamay ni Airish na isang matandang babae. Nakasuot ito ng itim na saklob at itim na palda.

"UMALIS NA KAYO DITO! HINDI LIGTAS ANG LUGAR NA ITO PARA SA INYO!"

Biglang nahinatakutan ang dalawa sa inasal ng matanda. Hindi naman nila iyon kilala ngunit bakit ganito ito?

"Ano po ba ang problema?" Tanong ni Shy at pilit na inalis ang mahigpit na pagkakahawak ng matanda sa kamay ng kaibigan.

"Ang Diablo! Umalis na kayo! Kung gusto niyo pamg mabuhay."

"Diablo? Ano po? Ang gulo kasi."

"Huwag mong kukunin ang mga ibibigay niya sa'yo, kung maaari, tanggihan mo lahat. At huwag mong isusuot ang trahe de bodang kanyang ibibigay."

Pagkatapos iyon sabihin ng matanda ay inalis na niya ang pagkakahawak niya kay Airish. Nagsaklob ito at umalis na. Hindi alam ni Airish ang nangyayari. Ano nga ba?Bakit ganoon? Ang daming gustong pumasok ngayon sa kanyang isip ngunit parang hindi niya kakayanin. Ano ba ang sinasabi ng matandang iyon? Diablo? Trahe de boda? Ibibigay? Tanggihan? Hindi niya alam.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Shy.

"Ayos lang ako. Tara na."

Nagsimula ulit silang maglakad.
Please, kung ano man ang sinabi ng matandang iyon, huwag mo nang isipin waksi ng kanyang isip.

"Aray."

Napa-aray siya ng may nakabunggo siya. Tinignan niya kung sino iyon at nagulat siya ng malaman niya kung sino ito.

"Vincent?"

Tumango ang lalaki, "Oo, Airish." At ngumiti ang binata sa kanya.

Si Vincent ay ang childhood best friend ni Airish sa bayan na ito. Ngayon lang niya ulit ito nakita sapagkat ang alam niya ay nagtungo ito ng ibang bansa upang doon mag-aral.

"Sira!" Tinapik niya ito sa may braso. "Buti at nakuwi ka na! Saan ka ba nanggaling ha? Tagal nating 'di nagkita."

Kumamot ng ulo si Vincent, "Naku! Diyan lang sa tabi-tabi. Joke. Sa Canada, doon ako nag-aral eh.Tapos heto, bumalik na ako ng Pilipnas. Dito na ako magpapatuloy ng pag-aaral. Nakakatamad doon eh. Nakakadugo pa ng ilong. Saka mas mura dito. Dapat praktikal na ngayon." Tumawa pa ito.

"Ah, ganun ba? Edi wow!" Natatawang sabi ni Airish.

"Gusto niyo makilala 'yong pinsan ko?"

"Maybe next time Vincent? Uuwi na muna kami, kasi tignan mo 'yong suot namin. Nakakahiya."

"Sige. Pero pwede ba mamayang gabi? Please? Bonfire tayo. Namiss ko gawin iyon eh."

Sino nga ba naman si Airish para tanggihan si Vince? Kung tutuusin, namiss niya din naman ito.

"Sure. Maaasahan mo ako Vince."

"Salamat!" Niyakap niya si Airish ng mahigpit."Mamaya ha? 8PM. Sa dati, sa may dalampasigan."

Tumango na lang si Airish at naglakad na sila pauwi ni Shy.

***

"Airish! Ipaubaya mo na sa akin 'yong pinsan ni Vincent ha? Akin na lang. Please?"

Binatukan ni Airish ang kaibigan, "Baliw ka talaga Shy! Ang lakas ng sapi mo! Sino bang ispiritu ang sumasapi sa iyo at ganyan ka?"

"Tse! Damot mo naman!"

"HA-HA! Ilang tawa ko ang gusto mo best?"

"Letche ka! Ayan na si Vincent oh! Papalapit na."

Tumingin siya sa itinuro ni Shy. Papalapit na nga si Vincent sa kanila. Maganda na ba ako? Bulong ng isang bahagi nang kanyang isip.

"Hi Airish!" Bati agad ni Vince ng makalapit ito sa kanila.

"Hi!" Ang tanging sagot lang ni Airish sa binata.

"Tara na doon!"

"Tara!" Agad na sabi ni Shy.

Napatingin naman si Airish at Vincent kay Shy.

"Oops! Masyado ba akong excited?" At nagpeace sign pa ito.

"Hindi ka excited best! SUPER excited lang."

Sumingit bigla si Vincent sa kanilang usapan, "Airish, ano palang pangalan nitong besrfriend mo? Hindi mo pa siya napapakilala."

"Ah, 'yan si S-" Naputol ang kanyang sinasabi sapagkat biglang nagsalita si Shy.

"Ako nga pala si Shy Ramos, nakatira siyempre sa bahay ko. Joke lang. Matagal ko na ding bestfriend 'yang si Airish. 'Yang babae na 'yan kapag matulog naghihilik, akala mo naman bakulaw. May pagkasira din ang ulo niyan, minsan mabait, kadalasan hindi. At alam mo ba? Kakabreak l---"

Agad na tinakpan ni Airish ang bibig ng kaibigan gamit ang kanyang kamay.

Kahit kalian talaga Shy! Pahamak ka! Bulong niya sa kanyang sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

May Days Eve (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon