Lumakad papuntang pintuan si Airish nang may marinig siyang kumatok. Baka si Shy na 'to bulong niya sa sarili. Agad niya itong binuksan at sumalubong agad sa kanya ang nakangiting mukha ng kaibigan na si Shy.
"Bestieeee!!!!" Sigaw ng dalaga at agad niyakap si Airish.
"Awat na! Sinasakal mo na kaya ako Shy." Sambit nito.
"Sorry, sadyang namiss lang talaga kita Bestie." Saka pa nito inayos ang nagulo niyang bangs.
"Pumasok ka na nga muna dito. Tara."
Pumasok sila sa loob ng bahay at umupo sa isang upuang rattan.
"Kumusta na?" Tanong ni Shy kay Airish.
"Gagang 'to. Maka-kumusta ka naman diyan parang ang tagal nating hindi nagkita ha? Kung tutuusin, dalawang linggo palang ako dito 'no!"
"Sadyang namiss lang kita bruha! Grabe! Sa dalawang linggo na nandito ka ang dami kayang nangyari sa Maynila. Sa mga pangyayari nga doon parang ang tagal mong nawala eh. Gusto mo ng chika?"
"Sure."
"Alam mo ba? Si Harris at Evanna na! Grabe! Malandi talaga 'yang si Evanna. Kita mo, pati boyfriend mo inaagaw sa'yo. Ay mali, ex mo na pala si Harris, sorry."
"Hay Shy! Nakamove-on na ako kay Harris. Edi congrats na lang sa kanila ni Evanna."
"Weh? Nakamove-on ka na agad? Ang bilis naman yata."
"Ganyan talaga best."
Si Harris ay ang pinakamatagal na naging karelasyon ni Airish sa tanang buhay niya. Lahat ng oras at pagmamahal niya ay ibinuhos niya sa binata, okay lang sa kanya na hindi niya alagaan ang kanyang sarili para lang sa nobyo basta naaalagaan naman niya ito. Wala siyang pakialam sapagkat alam naman niya na minamahal din siya ni Harris gaya ng pagmamahal niya ditto.
Ngunit, nagkamali siya. Akala niya ay may forever sa kanila ni Harris ngunit wala dahil nakipaghiwalay ito sa kanya. Akala niya ay mauuwi sa mala-fairytale ang kanilang kuwento ngunit nagkamali siya. Narealize niya na wala nga palang happy ending sa totoong buhay.
Napakatanga niya dahil nalaman niya na matagal na pala siyang niloloko ng binata at ang totoo ay wala itong pagtingin sa isang kagaya niya. She thought it was just a dream na pwede siyang magising pero hindi eh.
Araw-araw at gabi-gabi ay umiiyak siya ng dahil lang sa lalaking niloko siya. Putangina! Hanggang ngayon ay hindi niya pa din tanggap ang lahat at ngayon ay mababalitaan na lang niya na may bago na pala ito at ang masama pa ay si Evanna ang girlfriend nito.
Aminado naman siya na lamang ang kagandahan ni Evanna kesa sa kanya. Mayaman ito at hinahabol ng mga guwapong lalake. Pero kahit na! Naiinis siya dito! Gusto niya itong silaban ng buhay at iwan ang bangkay nito sa bangketa. Matagal naman na niyang alam na may gusto ito sa kanyang nobyo at ngayon nga ay sila na.
Punyeta! Magsama sila sa impyerno. Malandi talaga 'yang bruhang iyan saad niya sa sarili.
"Airish Villafuerte!"
Bumalik siya sa realidad ng biglang sumigaw si Shy. Bakit niya ba kasi iniisip ang lalaking iyon at ang balyenang babae na iyon? Simula ngayon, pinapangako niya sa kanyang sarili na hindi na iisipin si Harris ano man ang mangyari. Sinisiguro niya iyon.
"Tara na sa kwarto," aya niya sa kaibigan. Tumayo siya at saka lang napansin ang mga bagahe na dala ni Shy. "Bakit ang dami mo naman yatang dala? Naglayas ka ba?"
"Tanga, hindi 'no! Siyempre, gusto kong magtagal dito. Kasi alam mo na, wala naman sa Pilipinas ang mga magulang ko. Nasa ibang bansa sila at inaasikaso daw ang kanilang business. Bwesit kasi na business 'yan! Dahil diyan, nawawalan na sila ng oras sa maganda nilang anak na ako."
Lumapit si Airish dito at niyakap ito, "Don't worry, nandito ako lagi best."
***
"Bakit ba naisipan mong magbathing suit ha, Shy?""Siyempre, sayang naman 'yung pagkakataon na lumalakad tayo dito sa dalampasigan tapos 'di man lang tayo nakabathing suit. Mamaya may makasalubong tayong Adan, saying ang chance 'no!"
"Ang landi best ha?"
"At least, slight lang!"
"Okay, sabi mo eh." At bahagya pa siyang napatawa.
"Heh!"
Hindi na sumagot si Airish bagkus tinawanan na lang niya ang kanyang baliw na bestfriend.
"Airish! Tignan mo 'yon oh!" At may tinuro si Shy na hindi kalayuan sa kanila.
Tinignan niya ang tinuro ng kaibigan. Isang lalaki na nakatalikod na nakatopless at nagpuputol ng kawayan ang kanyang nakita. Hindi niya lang ito tinignan, tinitigan niya ito. Para bang sinusuri ng kanyang mata ang built na katawan ng binata. Napansin yata ng binata ang panakaw na pagtitig niya kaya humarap ito sa kanila.
Nagulat siya sapagkat napakagwapo ng binata. Parang 'yong mga Prince Charming na napapanood niya. 'Yong may mga abs, may malalaking muscle na kaya siyang ipagtanggol ano mang trahedya ang dumating. Ganoon. Gan'to ang tingin niya sa binata ngayon.
Inismiran siya ng lalake at nagpatuloy sa ginagawa. Bakit kaya ngayon niya lang ito nakita?
"Lapit tayo?" Tanong sa kanya ni Shy.
"Anong lapit ka dyan? Mamaya, itakin tayo niyan."
"Ang wild mo din bestfriend eh. Itakin agad?"
'Oo, malay mo masama pala 'yan!"
"Naku, tara na nga."
Walang nagawa si Airish ng bigla siyang hilain ni Shy palapit sa binata. Ewan niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng kanyang kaibigan ngayon. Ngunit isa lang ang nasisiguro niya, nababaliw na ang kanyang kaibigan.
Napatigil agad ang binata sa kanyang ginagawa at tinignan sila. Mas gwapo pala siya sa malapitan malanding saad ng isang parte ng kanyang isip.
"Hello." Bati ni Shy sa binata.
"Anong kailangan niyo?" Tanong sa kanya nito.
Napansin ni Airish ang tingin ng binata sa kanila, para itong galit dahil naistorbo yata nila ito sa kanyang ginagawa.
"Ano, magtatanong sana ako ay kami pala. Puwede ba?"
Tumango ang binata.
"Saan dito ang malapit na bilihan? Sari-sari store ganun."
Nahampas bigla ni Airish si Shy sa likod. 'Yon lang ba? Kung magtatanong din lang ang kanyang kaibigan kung nasaan ang tindahan, bakit hindi pa sa kanya? Kapag tinopak nga talaga ito.
"Ouch!" Mahinang sabi ni Shy. Tinignan lang siya ni Airish.
"Doon! Tumaas lang kayo sa may hagdanan at magpakaliwa kayo. Makikita niyo agad ang bilihan doon."
"Salamat," si Airish na ang sumagot at hinila na niya si Shy.
Nang makalayo na sila kaunti ay tumingin uli si Airish sa kanilang likuran. Nakita niya ang binata na nakatingin sa kanila at para bang hinahatid sila nito ng tingin. Sino kaya iyon? Sana naman ay makilala niya kung sino man ito
BINABASA MO ANG
May Days Eve (On-Going)
HorrorAnong meron tuwing sasapit ang Mayo? Gusto mo bang sumama sa isang gabi ng Mayo? Tuklasin natin ang lagim! (c) 2015 by IcePrince_18 Date Started : February 25, 2015 Date Finished: __/__/__