Five.

332 12 3
                                    

*punch* *kapooww* *boom* *blag* *chop* *chop* *chop* *pak*

“HA-HA-HA-HA-HA!!! Wala ka nang kawala Boy Menopause! HA-HA-HA-HA!!!”

“Wag po! Maawa po kayo! “ Puno nang pagmamakaawa ang boses ni Dran.

“Sa isang kondisyon!”

“Kahit ano po gagawin ko para sa’yo!”

“Talaga? Pwes, halikan mo ang mga paa ko!”

“P-pero…”

“Umaangal ka?! Etong sa’yo!!” *punch* *kapooww* *boom* *blag* *chop* *chop* *chop* *pak*

“Eto na ang araw mo Dran Verande! Wahahaha!”

Biglang umusok ang paligid at  nawala si Dran sa paningin nya. Kinabahan siya dahil wala syang masagap na hangin, at nagsimulang kapusin sa paghinga.

Kumapal ng kumapal ang usok at di na sya tuluyang makahinga.

*SNAP*

“Gising babae! Anong oras na!!!!! Yan ba ang trabaho mo? Ang matulog?!”

Natauhan si Remy. Kagigising pa lang pala nya. Ang masayang moment kanina ay panaginip lang pala. At kaya pala biglang hindi sya makahinga dahil tinakluban ni Dran ng unan ang ulo nya.

Lalo syang naiyamot ng makita ang pagmumukha ng amo nya! Screw this! “Anong ginagawa mo dito?! Manyakols ka!!”

“What the hell, you see me as a pervert? Anong meron sa’yo!” Pinasadahan sya nito ng nakakainsultong tingin, mula ulo hanggang paa! Aba’t! Sumosobra na ito! “I don’t even see you as a girl! Now, get up woman! Anong oras na!!! Gusto mong matanggal sa trabaho?!”

“Biglang natigilan si Remy. The last thing she wanted to happen is to get fired because she has nowhere to go.

Tumayo sya at nagdali-daling pumasok ng banyo. Ah shet! Nasa labas pa ang amo nya! Sumilip sya sa banyo at sinabing “Pasensya na po kayo, pwede na po kayong lumabas dahil maliligo na ako. Di na po mauulit," She tried hard to sound apologetic, pero sa tingin nya ay hindi ito effective.

"Sarcastic huh?"

Naglakad si Dran at saktong isasara na ang pinto nang biglang sumigaw si Remy,

"Arghh! Nakalimutan ko ung tuwalya!!" Dahil sa sigaw ni Remy,  at umiral ang kanyang kawalangyaan.

Hindi  nya nilapat ang pinto at dali-daling nagtungo sa right door ng kanyang kwarto. May kinuha sya dito at bumalik sa maid's quarter. Kumuha sya ng towel at closet at ibinalot ang kanyang dala.

"Hoy."

"At bakit nandito ka pa?" 

"Eto, towel.:

Nagtaka si Remy sa biglang inasal ni Dran. Ang walangyang amo nya ay nagmamagandang loob? Nagsuspetsa ito bigla.

"Bakit bumait ka? Anong nakain mo?"

"Ayoko na kasing mag-away tayo."

Buti na lang at hindi kita ni Remy ang pagmumukha nya ngayon. Hirap na hirap kasi si Dran magpigil ng kanyang tawa.

Nag-isip si Remy. Mukha namang sincere ito dahil na rin sa concerned nitong boses.

"Kunin ko na ha." Dahan-dahan syang sumilip at nakita si Dran na may towel na hawak sa kamay. Nakangiti ito sa kanya. Noon lang nya narealize na talaga palang gwapo ang boss nya. Kaya pala nagtilian ang mga babae nung nakita nila ito sa Jollibee. Napakacharming nito kapag nakangiti. Kaya pala ang cute ni Gigi. Mana kay----

The Celebrity's BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon