"Pwede po ba kahit si Pao na lang ung ihabilin ko? Wala po kasi talaga kaming matutuluyan."
"Naku, hindi kita matutulungan, masyado na kaming madaming pinapag-aral at pinapakain dito." Mataray na sagot ng tita ko, ang kahuli-hulihan kong pag-asa para may matuluyan naman disente ung kapatid ko, tsaka na ung sarili ko, kailangan ko syang unahin.
Ang hirap ng ganito. Halos 1 month na rin kami nakikitira kung kani-kanino naming kamag-anak. Hindi naman pwedeng habang buhay na lang kaming ganito.
Baka kahit Haunted House patusin ko na may matuluyan lang kami.
"Ah, sige po. Pasensya na po sa abala." Bigla na lang akong pinagsarahan ng pinto.
Paano ko kayo masosolusyunan ito?
Paampon ba ang isasuggest nyo? Hindi pwede e.
Nang minsan ko kasi syang dinala sa Orphanage, nagwala siya at hindi tumigil ng pag-iyak. Nag-alala naman ako baka kung anong mangyari sa kanya. 5 years old pa lang sya at di talaga kakayanin ng puso kong makita syang umiiyak. Our parents' death is enough for his little heart to bear.
Ayoko na pating mawalay ang kapatid ko sakin. Sya na lang ung tangi kong pinapahalagahan, bibitawan ko pa ba?
Anong gagawin ko? Alas sais na ng hapon, at alam kong nagugutom na si Pao.
"Pao, okay ka lang ba? Gutom ka na ba?"
"Opo Ate." Mahinang sagot ni Pao, tsaka itinaas ung kamay nya. Magpapabuhat na 'to. Kinarga ko sya at naglakad lakad pa kami, ng biglang sumigaw si Pao.
"Jawibiiii."
"Gusto mo ng Jollibee Pao?"
"Opo."
Kahit hirap na hirap na ako sa mga dala kong bag, karga ko pa din sya. Ang haba na ng nilalakad namin.
Paano 'to? 100 na lang ung pera namin? Tira to sa ipon ko. Kinailangang isangla ung bahay namin kasi un ung ibinayad sa hospital bills, sa pagpapalibing and etc. Hindi naman kasi kami mayaman at hindi ko alam, parang may grudge sila sa pamilya namin, hindi man lang nila kami tinulungan.
"Gusto ko pong bumaba."
Binaba ko si Pao at nagtatakbo sya sa mascot ni Jollibee. Nakarating na rin kasi kami sa entrance.
Naiiyak ako. Nakikita ko kasi ung saya sa mga mata nya, sa mga simpleng bagay na ganun. Sana magkaroon naman ako ng trabaho, pero 17 pa lang ako, at next year pa ako mag-18 kaya hindi ako magkakaroon ng trabahong sapat ang sweldo para sa pangangailangan namin. Isa pa, kanino ko iiwan si Pao?
Masyado na atang malalim ung iniisip ko at hindi ko narinig na may gulo na pala sa Jollibee.
"Look what you've done! You ruined my shirt! Goddammit! Sinamahan na nga kita sa cheap na kainang to!" -Sumigaw si...
Teka.. Kilala ko un ah?
Sya ung nalabas sa TV. Si..
"Uyy girl, si Dran oh. Grabe ang gwapo nya. Kaso bakit ganun, kung masigawan nya ung bata.. Grabe."
Mga usisera.
Ah, Oo, si Dran Verande, ung gumaganap sa top rated shows sa tv. Tss.
Aalis na sana ako, pero nagulat ako ng bigla kong narinig ang boses ng kapatid ko.
"Kuya, bakit mo ba sya sinisigawan? Hindi naman po nya sinasadyang matapunan kayo ng ice cream e."
"Uyy, tama na po yan." Nagsalita ung little girl na kasama ng aroganteng lalaking un.
"Shut up little brat! I don't even know you so get out of my sight!" Tatabigin na nya si Pao.. Hindi ako papayag. Nobody would ever lay a finger to my brother.
Umakyat ang dugo ko sa ulo sa sobrang galit.
Pinigilan ko ang kamay nya sa pagtabig kay Pao.
"Ang lakas ng loob mong pumatol sa bata no? Ano ka bata din para makipag-away dahil lang natapunan yang damit mo?!" Binuksan ko ang bag ko at naglabas ng isang panlalaking shirt. Ganun ang mga shirt ko e.
"O yan! Magpalit ka! Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nagagamit yan Wala pa yang virus o kahit anong mikrobyo na ikasisira ng balat mo. Nakakahiya naman sa kutis mo." Binato ko sa ulo nya dahil para matakluban ito, at tinanggal naman nya agad.
"Hoy! Sino ka ba? Don't you know who am I? How dare you mess with me?"
"How dare you mess with me mo yang mukha mo! Hindi porket artista ka e ituturing kang Diyos. Gago."
"Aba't! Sinusubukan mo ako?!!" Nang biglang dumating ung manager at ung dalawang guards na nasa kabilang pinto.
"Sir, Mam, wag po tayong gumawa ng eksena dito. Let's settle things privately. Please do come to our office."
"No! Aalis na ako! And by the way, your food is disgusting!"
Kita ko ang galit sa mukha ng manager pero pinigil nya ito.
"Sir, we can settle this misunderstanding."
Hindi na umimik etong si Dran at umalis nya.
"Ate, pwede ba nating isama si Gigi? Iniwan sya nung bad na lalaki."
Kita ko pa ung mga luha sa mata ni Gigi kaya hindi ko mapigilang um-oo. Nakakaawa naman sya. Napakawalanghiya ng Dran na yun!
"Sige. Gigi, okay lang ba sayo?"
"*hik* Opo Ate. Ayoko na po kay *hik* Daddy. Lagi na lang po nya ako inaaway."
Daddy? O_o
A/N: The ever handsome Dran. >>>
BINABASA MO ANG
The Celebrity's Babysitter
Teen FictionWith no other choice, kailangan ni Remy magtrabaho para sa bunso nyang kapatid, dahil naulila na sila. One night, habang naghahanap silang magkapatid ng matutuluyan, she then met the most arrogant yet the most handsome guy in her lifetime. Ngunit ma...