"Remy, get in!"
Tuwang-tuwa si Remy nang makita nya kung kanino galing ang boses na yun. Kanino pa ba, edi sa kanyang girl crush, si Dazelle Mendoza.
"Eh, nakakahiya naman po, mababasa po yung car nyo." May hiya pa naman si Remy sa katawan nya kaya hesitant pa rin syang sumakay kahit gustung-gusto nya makachikahan ang crush nya.
"Ano ka ba, hindi magkakasakit ang kotse ko kahit mabasa. E ikaw, baka lagnatin ka, kaya get in!" Sumigaw na si Dazelle kasi lumakas na ang buhos ng ulan.
Ramdam din ito ni Remy, kaya pumasok na rin siya kasi nilalamig na din siya, kailangan hindi siya manigas dahil mananalo by default ang boss nya sa competition na gawa-gawa lang nya. Hay naku Remy, nakahanap ka ng katapat.
"Bakit ka ba basa? I thought you went home early. Buti na lang at bumili ako ng pastries at nakita kita." Hay bait talaga ni girl crush. Tuwang-tuwa si Remy dahil parang ate niya ito kung pagsabihan sya. Yii! Pinaandar na ni Dazelle ang kotse. Inabutan niya si Remy ng malaking towel.
"Eh kasi po..." Kinwento nya dito ang nangyari kanina ng tumakbo sila ni Dran, pati ang nangyari sa elevator, pati na rin ang pagkainis nya dito.
"Ay naku, yan talagang ni Dran, ira-roundhose kick ko yon. Nakahanap ata siya ng katapat." She giggled. Sa tagal na nilang magkakaibigan ni Dran, ngayon lang nakaencounter si Dazelle ng ganun.
"Sorry po, alam ko pong friend n'yo si Sir, it's just that... Minsan po kasi sumosobra na sya at nakakaasar na talaga. Sasabog ang thermometer sa akin kasi nag-iinit ako sa inis!"
"Alam mo ba yung cliche na kasabihan?"
Nagtaka si Remy pero sinagot nya ito.
"Ha? Alin po?"
"Yung, the more you hate the more you love?"
Na-caught off guard si Remy sa sinabi ni Dazelle. Nawawala sa bokabularyo nya ang salitang 'love' kapag nakikita nito ang amo nya, napapalitan ng pantratrashtalk at mura.
"Ako po?!"
"Haha! Ano ka ba, joke lang yon!"
"Never, over my dead flat-chested body!"
"Hahaha! Remy! Hahaha! I can't breathe!" Nautas ata ito sa joke nya.
"Naku po! Huminga po kayo! Di ako marunong magdrive!"
Natatarantang sagot ni Remy.
"Woooooh! Nakakaloka ka! Tsaka, wag ka nga mang-opo. Parang magkaedad lang tayo e!" Sabagay, 17 si Remy at 18 naman si Dazelle, tapos 16 si author. Hahaha! :))
Halos walang difference sa kanilang dalawa. Kinilig na naman si Remy feeling close kasi sya. Haha.
"Okies!" Nagpeace sign si Remy kay Dazelle.
"Anyway, kamusta si Gigi?"
Nagulat si Remy, dahil alam nito ang tungkol kay Gigi. Top secret nga un di ba?
"P-paano nyo po nalaman?"
"Ano ka ba Remy, me and Dran are like siblings, alam ko lahat ng tungkol sa kanya. I even know Gigi's mom."
Siya nga naman, bestfriend nga diba.
"Eh, nasan po ba ung mama ni Gigi? Bakit parang ang bata naman nya nagkaanak?" Dire-diretso nyang tanong. Tsaka siya natauhan. Masyadong personal ang mga tanong nya at...
"We're here." Ngumiti si Dazelle sa kanya at lalo siyang naguilty.. Nahihiya siya sa mga sinasabi nya. Istupidong bibig. Pinitik nya ito ng limang beses at pinisil ang kanyang pisngi. Napansin ito ni Dazelle.
BINABASA MO ANG
The Celebrity's Babysitter
Teen FictionWith no other choice, kailangan ni Remy magtrabaho para sa bunso nyang kapatid, dahil naulila na sila. One night, habang naghahanap silang magkapatid ng matutuluyan, she then met the most arrogant yet the most handsome guy in her lifetime. Ngunit ma...