Chapter Two

4 1 0
                                    


Habang naglalakad papasok sa isang sikat na fine dining restaurant. Pinag-titinginan sila ng ibang couple na naroon, Mababakas sa kanilang mga mata ang inggit. 

"Good evening Sir Robert, this way po" Saad ng waiter na nasa bungad ng restaurant at itinuro sa kanila ang upuan na ipina-reserve ng binata para sa kanilang dalawa.

"Si Robert Herrera ba 'yon? Ang g'wapo talaga nya at ang swerte ng girlfriend nya 'ah!. Bukod sa gwapo na eh napa-kayaman pa. Sana kasing-ganda at kasing-sexy ko siya at ng maka-bingwit din ako ng lalakeng tulad niya." Pabulong na sabi ng isang babae sa kanyang kasama na naka-upo sa isang table habang naka-tingin sa kanilang dalawa. 

Dinig na dinig ni Dominique ang bulungan ng mga kababaihan na dinadanan nila. At napapangiti na lamang siya dahil kinaiinggitan siya ng mga ito.

Dinala sila ng waiter sa likod ng restaurant na pina-reserve ni Rob, May red carpet sa sahig at napapalibutan ng red petals na rosas ang daraan nila, Mayroon isang napaka-eleganteng mesa na may nag-gagandahang mga bulaklak sa gitna at scented candles. Sa paligid ay may mga fairy lights at mayroong tumutugtog ng violin sa isang sulok na lalong nagpa-romantiko sa paligid. Pagkaupo nila ay mayroong inabot na bouquet of red roses si Rob sa kanya.

"Napaka-ganda naman ng mga bulaklak na ito, Hon." Inilapit nito ang bouquet sa kan'yang ilong upang amuyin habang ang kan'yang mga mata ay nangniningning. "I didn't expect this. Thank you, Hon. I love you! " Dagdag pa niya sabay tingin sa mga mata ng kan'yang nobyo. 

"I'm glad you liked it. You know I will do anything for you hon right? Happy fifth-anniversary!." Sabay halik sa kaliwang pisngi ni Dom. 

Masaya silang nagku-kwentuhan habang nagtatawanan ng biglang tumayo si Rob at nilapitan si Dominique.

"May I have this dance? Sabay abot ng kan'yang kamay. 

Nakangiting tumayo at inabot naman ni Dominique ang kamay ng nobyo at sila ay sumayaw sa tugtog ng violin.

"Hon, We've been together for five years. We've held each other's hand through up's and down's. You have alway's been there for me, And you never got tired to support and guide me. I know I have my flaws and I can be difficult at times but I never heard you complain. All you did is love me all through these years and I can't thank you enough. " Seryosong saad nito at hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Hon, I want you to know that you are the person that I can't live without, Ikaw ang unang tao na gusto kong makita araw-araw pag gising ko sa umaga." Patuloy na sabi ng binata habang dahan-dahang lumuluhod at may hinugot na itim na kahon mula sa bulsa ng kan'yang pantalon."

"I want you to be the mother of my kids, I want to spend the rest of my life with you. If it's not you,I don't think i will be able to live my life." At binuksan niya ang kahon at tumambad kay Dominique ang napa-kagandang singsing. Meron itong malaking diamond sa gitna at kumikislap ito kapag tinatamaan ng liwanag na nang-gagaling sa ilaw.

"Dominique Perez, Will you marry me?" Seryosong sabi nito habang maluha-luhang naka-titig sa mga mata ng dalaga.

"Yes, I will marry you, hon! " Mangiyak-iyak na sinagot ni Dominique ang tanong ni Rob sa kanya habang sinusuot ang singsing na hawak ng kan'yang nobyo at sabay yapos sakanya.

Masayang-masaya sila'ng nagyakap. "I will love you forever hon. " Sabi ni Rob at hinalikan siya sa labi.

"Dominique, gising!!!" Nagising si Dominique sa yugyog ng kaibigan na si Trixie.

"Ano ba bessy! Gising na dyan! Yugyog ulit nya.

The Billionaires Club: Sebastian (SPG)Where stories live. Discover now