Chapter Three

5 1 0
                                    

"Insan! Bukas, Alas sinco ng hapon ang meeting ni Kurt. Baka matapos na 'yon ng alas siete ng gabi". Sabi ni Amiel sa pinsan nyang si Sebastian habang kasalukuyan silang nasa bar ng mga sandaling iyon. Gagawin na nila ang pag-kidnap sa pinsan para sa sorpresa nila na Bachelor's Party na gagawin sa isang resort.


Habang sumisimsim ng alak si Sebastian. Mataman nyang pinag-mamasdan ang isang babae na sumasayaw sa dance floor. Halatang lasing na ito at hindi niya nagugustuhan ang mga malalaswang tingin ng ibang kalalakihan sa kanya. Tumayo siya at pinuntahan ang lasing na lasing na babaeng nag-sasayaw dahil pinalilibutan na siya ng mga kalalakihan na mukhang may masamang balak sa kanya. Bago pa man dumapo ang kamay ng isang lalaki sa tagiliran ni Dominique upang yapusin ito ay agad niya itong hinawakan. 

"Girlfriend ko yan, pare!. Kaya kung ako sayo hindi ko na itutuloy ano man balak mo, baka kung saang kangkungan ka pulutin pag nag-kataon." May halong galit at diin niyang sabi sa lalaki. Halatang natakot naman ang lalaki at mabilis naman itong umalis sa dance floor. 

Bumalik na si Sebastian sa kanyang mga pinsan. Pagkaupo niya ay kinuha niya ang kopita na may laman na alak at dali-dali niya itong nilagok. Mababanaag padin ang galit sa kanyang mga mata. 

"Pinsan, ok ka lang?" Baling ni Amiel sa kanya habang sumisimsim ng alak. 

"Sino yung pinuntahan mo sa dance floor kanina at parang galit ka?" Tanong ulit nya.

"Remember the lady I told you before? Yung mala-tigreng babae na-encounter ko sa Mall." Sagot niya kay Amiel habang pinagmamasdan ang babae na umiinom habang umiiyak sa isang counter ng bar.

"There she is, totally drunk." Mahigpit na hawak niya sa kopita.

"Oh! Yung kina-huhumalingan mo na ni pangalan hindi mo alam?" Sabay tingin sa parte ng bar kung saan nakatitig ang Pinsan nya.

"Kaya pala hindi siya mawala sa sistema mo kasi She's drop dead gorgeous! Why dont you go and get her number?" Sabi naman nya.

"Not now. She's drunk". At nakuntento na lang siya sa pag-tingin sa babae mula sa kan'yang kinauupuan hanggang sa may dumating na isa pang-babae na tila kaibigan nito at inakay siya palabas ng bar.

"I wonder why she's drinking alone?" Tanong niya sa sarili.

Biglang tumayo si Sebastian papunta sa Men's room. 

"I'll be back." Paalam nito sa mga pinsan.

Habang papunta na sya sa Men's room ay mayroon bumangga na isang babae sakanya. Maganda ito, sexy, masyadong revealing ang suot na damit. Kulang nalang ay lumawa na ang malulusog nitong dibdib sa suot na fitting dress. 

"Hi handsome? Are you alone and lonely? Baka naman pwede kita samahan at paligayahin? Pangako, hindi ka magsisisi." Malanding wika nito habang papalapit ito at hinimas sa dibdib ang binata. 

Napangisi si Sebastian sa tinuran ng babae. Dala ng pagkainis kay Dominique ay naisip nyang pagbigyan ang kahilingan nito. Ano paba ang gagawin nya? He's a man, at hindi niya maitatanggi na may pangagailangan din siya. He does one night stand with random girls na nakikilala niya, pero hanggang doon lamang iyon para sa kanya. No strings attached. He have done it with countless girls before at pagkatapos ay pinuputol na niya ang koneksyon niya sa mga ito. He rarely remember a girl's name nor their faces. Tumigas na ang puso niya. He does not want commitment, He's happy living his life and not into serious relationships. He is rich and can do anything he pleases. The word relationship and commitment disgusts him. Minsan na siyang nagmahal ng sobra at pinagsisihan niya ito at ipinangako niya sa kan'yang sarili na hindi na ito mauulit! Di na siya magpapatalo. NEVER! He realized true love don't exist, for him it is just a big waste of time. Pero bakit parang may kurot sa kanyang puso nang makita niya ang babae sa bar? Mula nang makita niya ito ay hindi na ito nawala sa kan'yang isip. He's heart is racing whenever he thinks of her. "Ano ba ang nangyayari sakin?" Tanong ni Seb sa sarili.

The Billionaires Club: Sebastian (SPG)Where stories live. Discover now