Chapter Four

6 0 0
                                    

Dominique's POV

Hindi parin magawang mag move-on ni Dominique sa panlolokong ginawa ni Rob sa kanya. Nasaktan talaga siya ng todo. Hindi niya lubos ma-isip na ang inaakala niyang mapagmahal na nobyo ay kayang gawin ang bagay na iyon. Ang pagsabayin sila ng kan'yang ex-girlfriend. Malaki ang naging epekto ng pang-yayaring iyon sa kanyang buhay. Wala na siyang ginawa kung hindi ang magmukmok at umiyak. Unti-unti na niyang napapabayaan ang sarili. Kapansin-pansin na rin ang mabilis na pagbagsak ng kanyang katawan. Nakalimutan na rin niya ang pag-aayos ng kan'yang sarili at hindi na din siya lumalabas ng bahay.

Malakas na katok mula sa pintuan ng kan'yang apartment ang nag-pagising sa malungkot na buhay ni Dominique. Pupungas-pungas siya ng kan'yang mga mata na lumabas sa kwarto upang tingnan kung sino man ang nasa labas. 

"Dominique!"

"Sandali!" Matamlay na wika nito. Ang kaibigan pala n'yang si Trixie ang tumatawag at walang pakundangang kumakatok sa pinto. 

Pagkabukas ng pinto ay muntikan pang makatukan ng kamay ni Trixie ang noo ni Dom dahil naka-akma na ito sa muli nitong pagkatok. 

"Oop! Oop! Ano ba naman yan!" Umiwas na sambit nya. 

"Ooops, sorry. Ang tagal mo kasi magbukas ng pinto. Nag-kaugat at kalyo na ako dito sa kaka-hintay sayo!" Sabay pasok sa apartment kahit hindi pa sya pinapapasok ni Dominique sa loob.

"Mag-impake kana, Girl. Ra-rampa tayo sa beach!" Bulalas nyang sabi.

"Huh? Beach? Ayoko. Wala akong gana. Mas gugustuhin kong mahiga nalang."

"At umiyak maghapon?" Sabat ni Trixie. " Alam mo girl, kahit gaano pa kadami ang iluha mo hindi na babalik si Rob! He's not worthy of those tears my god! let him go dahil kung hindi mo gagawin 'yon di ka din matatahimik! Hanggang kelan mo ba balak magmuk-mok dito?" Nag-aalala nitong sabi.

"Napaka-miserable mo na! Nakita mo naba ang sarili mo sa salamin? Look!" At ibinuhat nito sa harapan ni Dom ang salamin.

"Ang payat-payat mo na! Magang-maga mga mata mo sa kaka-iyak. 'Yang buhok mo, ang lagkit na! parang sampung taon ka nang hindi naliligo! Ilang araw kana bang hindi kumakain, ha? Ang laki ng pinayat mo bakla ka ng taon! Sa totoo lang, para kang na gang rape sa itsura mo." Tuloy-tuloy niyang sabi sa kaibigan.

"Hindi ito ang Dom na naging kaibigan ko! H'wag mong parusahan ng ganito ang sarili mo." Dagdag pa nito.

"Eh anong gagawin ko? Kada pikit ng mga mata ko si Rob ang nakikita ko. Mahal na mahal ko siya, hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko. Nasaktan ako ng sobra sa pan-lolokong ginawa nya. Wasak na wasak ako bes, hindi ko kaya. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin. Tanungin nga kita bes, bakit nya nagawa sa akin yon?" Tanong nito sa kaibigan.

"Akala ko ako lang ang babae na gusto nya makasama habang buhay, akala ko ako lang ang mahal nya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang at nagawa nya ang bagay na 'yon sa akin. Wala naman akong iba ginawa kundi ang mahalin sya. ngunit sa bandang huli, niloko pa din nya ako." maluha-luha niyang sabi. 

"Ang kailangan mong gawin bessy i-accept na hindi kayo para sa isat-isa. Iiyak mo, pag-naiyak mo na move-on!. Natural lang na masaktan kapag nagmamahal pero bes please naman! h'wag mo sisirain ang buhay mo ng dahil lang sa walang kwentang lalake'ng 'yon!" Seryoso nitong sabi.

"Pasensya kana bes, alam ko masakit 'yan. been there, i felt it too. The pain is too much, Akala ko hindi ko din kakayanin. Halos masiraan na din ako ng bait noon, hindi ba? Pero heto ako ngayon, masaya na sa buhay,naka move-on na, nakaraos na sa matinding unos na dumaan sa akin. Sana ganoon ka din, alam ko hindi madali, healing takes time. Sige, i-iyak mo lang para gumaan naman ang pakiramdam mo. Gusto mo ba na makita ka ni Rob na ganyan ang itsura? Ang miserable ang buhay? Lalo ka pagtatawanan ng mala-higad na Chloe na yon! Kaya kung ako sayo, mag i-impake na ako ng damit. We'll go to Palawan!." Mahaba nyang sabi.

The Billionaires Club: Sebastian (SPG)Where stories live. Discover now