4

188 43 13
                                    

Pabagsak akong umupo sa sofa nang tuluyan na ‘kong nakarating sa condo ko, maging ang dala kong maliit na porch ay basta ko na lang itinapat sa kung saan. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas dahil sa mga nangyari ngayong araw.

"Oh, andito ka na pala," sabi ni Lala nang lumabas ito ng k'warto. At dahil sa inis ko sa kaniya'y walang dalawang isip na kinuha ko ang unan sa sofa at kaagad na tinapon sa kan'ya.

"Ang sama mo! Bakit hindi mo sinabi na pinirmahan mo na pala ang contract! Tapos iniwan mo pa ako, kahit alam mong wala akong masakyan! Alam mo namang ayokong mag-commute diba!" bulyaw ko sa kan'ya. Kung nakikita ko lang nga ang sarili, siguradong hindi maipinta ang mukha ko. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa n'ya? Kilala n'ya ako, ang ayaw ko sa lahat ay ang mag-cummute.

"Ang sakit mo namang magsalita. May explanation naman ako, eh."

"Talagang kailangan mong mag-explain! At seguraduhin mo lang na katanggap-tanggap 'yan dahil kung hindi malilintikan ka talaga sa akin!" Napalunok siya ng wala sa oras dahil sa sinabi ko. Alam niyang hindi ako nagbibiro at ngayong galit pa ako sa nangyari kanina ay talagang magkakaroon dito ng world war 3. Mark my word!

Hinimas niya ang balikat na tinamaan ng unan na tinapon ko kanina sa kaniya. Pinupulot niya sa sahig ang unan at lumapit sa sofa para umupo, kaharap ko.

"Okay, relaxe. Para kang mangangagat sa hitsura mo. Ang mama mo kasi kanina, nagpabili ng bagong refrigerator." Kaagad akong napatayo dahil sa narinig ko sa kaniya.

"What! Na naman? No'ng nakaraang taon lang ako nagpabili ng bago, ah! Tapos ngayon bumili na naman sila?" Napahawak ako sa noo dahil sa nalaman, dumagdag pa yata ang stress ko sa nalaman. Palagi na lang ganito. Inilagay ko sa bewang ang dalawa kong kamay at hindi mapigilang mapabuntonghininga ng malalim.

"Ano ka ba, Ally. ‘Wag mo nang isipin pa 'yon. Diba ito naman ang reason mo kaya lahat ng 'to ay ginagawa mo? Ang mabigay lahat ng gusto nila? Kaya please lang. Huminahon ka, dahil pati ako na-stress sa 'yo." Tumingin ako sa kan'ya at tulad nga sabi niya’y puno nang pag-alala ang sinisigaw ng emosyon ng mga mata niya. Muli ay napabuntonghininga ako at umupo ulit sa sofa.

Napasandal ako at tumingala sabay pikit ng mata. Ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga. Tama nga naman si Lala, bakit ko pa iisipin kung anong binibili ng pamilya ko? Eh, lahat naman ng ito ay ginagawa ko, para sa kanila.

"Kumusta ang pagkikita mo sa president ng t'way?" tanong niya, pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Kumusta nga ba? Ewan ko. Parang ang bilis nang mga pangyayari. Parang wala akong maintindihan.

"Hindi ko alam," mahina kong sagot. Minulat ko ang mata ko at umayos ng upo.

"Paanong hindi mo alam?" nagtataka niyang tanong. Umayos din siya nang upo at diretsong tumingin sa mata ko.

"Parang ang bilis kasi. Nabibilisan ako at hindi ko alam kung paano simulan."

***

KINABUKASAN ay maaga akong nagising para mag-workout. Pakiramdam ko kasi tumataba na ako at hindi dapat 'yon mangyari. Isa ito sa mga puhunan ko kaya dapat ko itong panatilihin sa kung ano ang dapat.

"Sabi na nga bang nandito ka lang, eh." Napatigil ako sa ginagawa nang pumasok si Lala sa gym room ko.

"Bakit? May kailangan ka?" tanong ko at pinagpatuloy muli sa pag-work-out.

"Andito na kasi sa akin ang schedule mo. Kanina lang in-email sa ‘kin," sabi n'ya habang may tiningnan sa sariling tablet niya.

Napapaisip ako simula pa kagabi kung nakita niya na ba ang president ng t'way, at bakit agad niyang pinirmahan ang kontrata? May hindi ba ako alam na pinagkasunduan nila?

Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon