Prologue

111 52 28
                                    


Quezon City, Philippines

Nakatayo sa pinakasulok ng silid, kung saan iilan lamang ang mga taong napapadaan. I am staring at the painting in front of me.

It was an abstract painting. Halo-halo ang mga kulay pero mas nangingibabaw ang kulay kahel, dilaw, pula, at kayumanggi. The paints were carelessly splashed everywhere and to tell you honestly, the color palette was not that appealing to the eye kaya I never expected na may kakagat sa presyo nito.

"So this is it, huh?" Hindi ko na napigilang sabihin.

I am finally letting go of you. After so many years, mapapakawalan na din kita. Kaya ko na.

This realization made my heart hurt. I remember the night I made this. Bawat minuto, malinaw pa sa akin ang lahat. I remember the dim room and all the colors around me. I still remember the feeling, the angst and dissapointment while painting it. And then I remember him watching me, nkaupo sa isa sa mga bakanteng silya. I remember how I suddenly felt at ease nang mapatingin ako sa kanya.

"Ma'am, the tab was settled. Nabili siya online," a girl spoke from behind me. It was Rhen, my assistant. Napatango nalang ako sa binalita niya.

This piece speaks a lot of my past. Actually, every streak of paint shouts everything about it.

"Ma'am, ayos ka lang ba?" dagdag niya pa. Napaharap na ako sa kanya at ngumiti.

"Yeah, may naalala lang." Napatitig siya sa painting sa harap at tumango-tango na.

"Hindi nga ako makapaniwala na mabebenta pala yan," sabi niya. Bigla siyang napatakip ng bibig at alanganing tumingin sa'kin. "I mean... maganda naman siya... kakaiba nga sa mga painting na nakadiplay ngayon, ang unique lang."

Napapatango nalang ako sa sinasabi niya habang binibigyan siya ng nakakalokong tingin. Halatang natataranta na siya.

"Sorry, ma'am." Awkward pa 'tong tumawa.

Gets ko naman yung ibig niyang sabihin. Kung ibang tao ako and would be given a chance to choose among the painting in this room, iba rin siguro yung pipiliin ko.

"Maybe the buyer prefer abstracts."

"Sabagay, baka iba lang talaga yung taste nang bumili nito," habol niya pa then she told me some details about the buyer.

"Please send me nalang her contacts. I want to personally message her."

Whoever she was, I just want to tell her na sana ingatan niya ang painting na 'to.

"Pati yung sa ibang bumili din ba?"

"Yes," sabi ko nalang. May sinabi pa siyang iilang information  tungkol sa exhibit.

Napangiti ito sa kung anong nasa likod ko at may tinuro bago ito tuluyang nagpaalam.

"Kaganda ng mga painting mo, iha," bungad na bati ng isang pamilyar na boses. I did not even notice na may nakalapit na sa'kin. I smile and greet her with a hug.

"Magandang tanghali po. Mabuti po nakapunta kayo," the old lady gave me a small smile, at tumingin sa isang babae sa hindi kalayuan sa pwesto namin.

Her eyes glows as she stares at one of my piece, looking amazed and curios about it.

"Nalaman niyang may exhibit na gaganapin sa malapit at nung sinabi kong kakilala ko ang may-ari, hindi na natigil kakakulit." Inalis ko ang tingin dito at nahaluan ng pag-aalala ang boses.

"Pinayagan po ba siya ng doctor?" I said. Habang nagsasalita ang matanda, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

"Pinayagan naman, mabuti na rin 'yon at nang may mapuntahan siyang ibang lugar kaysa sa kwarto niya sa hospital. Sobrang nagustuhan niya 'yong painting na may title ng kanta ni Frank Sinatra. Mahilig ka ba sa mga matatandang tugtugin, iha?" Hindi ko na mapigilang matawa sa kuryosidad niya.

When Autumn Sings a Lullaby (Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon