Chapter 3

33 20 2
                                    

Chapter Three: Offend

Liv:

Busy ka ba mamaya? Pasama naman sa New Point o kaya sa SMC kapag hindi. I'll buy some materials.

Chat ko kay Kael. Nasa room lang kami ni Gina. Lunch break namin pero dahil parahes na hindi gutom hindi nalang kami umalis ng room. Sarado ang ilaw dahil natutulog ang iba kong mga kaklase. Halos puyat kaming lahat dahil sa mga nakadeadline na plates ngayong araw.

I looked at Gina. Payapang natutulog din ito at nakaduko sa drafting table ko. Siya sana ang yayain ko kaso may lakad daw siya mamaya.

My phone beeped. Akala ko hindi siya agad makakapag-reply.

Kael:

Hanggang four kami ngayon.

Kael:

Anong oras ba labas niyo?

Kael:

Lunch niyo ngayon?

Napangiti ako ng makita ang sunod-sunod na text niya. Agad ako nagtipa ng sasabihin.

Liv:

Yup! break kami ngayon. Five pa kami. Kaya ba? May hosp duty kayo ngayon diba?

Kael:

Pwedeng call? Sa school lang kami ngayon.

Kael:

Lunch din, gumagawa ng reqs. Nahihirapan akong mag-type.

Halos hindi ko pa natatapos basahin ang message niya nang makita kong mag-flash sa screen ng phone ko ang pangalan niya. It was a video call. I immediately accepted it.

Agad kong napansin ang background niya. Parang nasa library siya. Naka-earphones pero may naririnig pa rin akong mahihinang boses sa paligid. Mga kaibigan niya siguro.

Nilagay ko na ang earpods sa isang tenga. "Hi," bulong ko. Ayaw kong magising si Gina. Ayaw ko rin istorbohin ang mga natutulog na mga kaklase.

"Hello..." bati niya pero naputol.

"Uy! Ayan nanaman si po si lo-" sabi ng isa sa mga kasama niya pero 'di ko na narinig ng buo dahil bigla siyang nag-mute.

"Kael?" bulong ko. Tinitigan ko lang siya sa screen. Nakamute pa rin siya at may kung anong sinasabi sa kausap. Parang galit siya na hindi kasi nakakunot ang noo pero ang laki naman ng ngiti.

Sumubsob nalang din ako sa table ko habang nakatingin parin sa screen. Tinitigan ko nalang ang pagkibot ng labi niya. Sinubukang intidihin ang sinasabi sa mga kaibigan.

Isang beses siyang tumingin sa'kin at umayos na ang mukha. Bigla siyang tumayo at lumipat ng table.

"Anong sabi bat bigla kang nag-mute?" tanong ko.

"Ah, wala yung about lang don sa case study namin." Tumango lang ako at hinihila na din ng antok. "Nasaan ka? Ba't ang dilim diyan? Tsaka ba't ka bumubulong?" curious na curious siya.

Pinindot ko ang icon para ma-rotate yung view ng camera. Ipinakita ko sa kanya ang sitwasyon ng classroom namin. Tahimik halos lahat ng mga kaklase ko at natutulog sa kanya-kanyang desk. Meron mang nagkukwentuhan pero bulungan lang rin.

Inilapit niya pa ang mukha sa screen para makitang maigi ang pinapakita ko.  Nagulat tuloy ako kahit sa screen lang naman.

"Gumagawa kayo ng reqs? Ba t ka lumayo sa kanila?" tanong ko nang mamabawi sa gulat. Umayos siya ng upo at nag-umpisa ng sumulat.

"Maingay sila. Pero tapos na naman ako do'n sa part ko. Ibang requirement naman 'tong ginagawa ko, para sa org," simple niyang sabi. Sandali siyang napatitig sa screen. "Libby yung camera mo."

When Autumn Sings a Lullaby (Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon