Chapter 4

13 4 1
                                    

Chapter 4: Favorite

I don't know what's up with Kai but after ng lunch break namin hindi niya na ako tinantanan. He even went after us to the cafeteria, kahit hindi ko naman siya niyaya o ni Gina. Nakasalubong pa nga namin yung mga kabarkada niya sa canteen at tinatawag na sa table nila pero sa table pa rin namin siya umupo. Hindi ko nalang masyado pinapansin kasi naiinis pa rin ako ng konti sa mga pinagsasabi niya kanina.

Hanggang ngayong uwian hindi niya kami or ako tinantanan. 

"Tototohanin ko na yung libre ko sa'yo, 'wag ka na magalit. 'To naman nagbibiro lang ako kanina." Sabay mahinang bunggo niya sa balikat ko gamit ang balikat niya. Naglalakad na kami palabas ng campus. Kanina pa humiwalay sa'min si Gina kaya naiwan sa'kin ang lalaking to.

"Totoo naman talaga yung SB, mukha ba kong nagbibiro kanina," inis kong sabi sa kanya. Tumawa lang siya. 

"Tara libre na kita ngayon," aya niya ulit. Umiling ako. May usapan nga kasi kami ni Kael.

Dadaanan ko siya sa school nila ngayon. Napagdesisyon naming sa SM Clark nalang pumunta kasi mas kumpleto ang bilihan ng gamit do'n tsaka mas maraming pwedeng gawin do'n. Since mas malapit yon sa school nila, ako nalang yung dadaan sa kanila.

Yayain ko kaya siyang mag-bowling? Matagal ko ng gustong subukan yo'n.

"May pupuntahan ako." Nilingon ko siya, napakamot po siya sa baba at parang biglang natauhan.

"Oo nga pala..." Napatigil siya sa pag lalakad kaya sandali din akong napatigil. "Hatid nalang kita sa lakad mo." 

Gusto niya talagang bumawi, napatawa ako sabay mahinang hampas sa balikat niya. Bigla tuloy nawala ang inis ko sa kanya.

Kawawa naman baka 'di makatulog to mamayang gabi.

"Ok na ako, gago. Huwag ka ng makunsensya," sabi ko. Sandali siyang napatulala sa'kin. "Bunganga mo kasi, eh. Wala ding preno minsan." 

Hindi siya nagsalita at nakikita ko ang pagkamangha sa mga mata niya habang nakatitig sa'kin. 

"Ok ka lang?" tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin sandali at nang ibalik ang mga mata sa'kin, nando'n na ulit ang mapaglarong tingin. 

Is he flirting with me?

Ito na nga ba ang sinasabi ni Gina. Umiling-iling nalang ako. Ewan ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya.

"Hatid na nga ki-" Kulit niya pa pero natigil ng marinig ang tumawag sa pangalan ko.

"Libby!" Narinig ko ang sigaw ng kapatid ko kung saan. Nakita ko siya kasama ang kapwa engineering students at mukhang uwian na din nila. 

Sandali siyang napatingin sa kasama ko. Bigla niya akong sinamaan ng tingin pagkatapos.

What now? 

Umiling ako kahit wala pa naman lumalabas na salita sa bibig niya. Alam kong alam niya ang reputasyon ni Kai sa mga babae. Baka akala niya pinapatulan ko si Kai.

"Halika na, umuwi na tayo." Sabay akbay niya sa'kin. Hindi ko na nalingon si Kai ng hatakin niya na ako papunta sa direksyon ng parking. 

"Kuya may lakad ako," pilit kong inaalis ang braso niya sa leeg ko. "Mauna ka na." Bigla niya akong pinitik sa noo.

"Saan? Kasama ang lalaking yon? Huwag na, umuwi nalang tayo," sunod sunod niyang sabi. "Kilala ko yung lalaking yo'n..." May gusto pa siyang sabihin pero hindi niya nalang tinuloy.

Madalang lang maging protective si Elliot kaya kapag ganito siya hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa. Dinaig niya pa si mama at papa kung minsan. Pinitik ko din siya sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Autumn Sings a Lullaby (Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon