Chapter 2

62 38 6
                                    

Chapter 2: Impossible

"Sa Monday may gagawin ka?" tanong niya habang naghihintay kaming may mapadaan na jeep para masakyan ko pauwi. 

"Oo, may mga submission kami ng plates next week. Bakit?" tanong ko pabalik. Tumango-tango lang siya.

"Uhm, tambay lang sana ulit." Napatingala ako sa kanya ng kaunti.

Mas matangkad siya sa'kin. Hanggang ilong niya lang ata ako.

Nakita kong inalis niya yung nameplate na naka-pin sa may bandang dibdib niya at pinasok sa bulsa ng bag.

Hindi ata siya busy next week?

"Sa Wednesday baka wala na kung matapos ko agad?" Napakamot siya ng ulo.

"Duty ko yo'n. Baka may gagawin din kami ng mga ka-group ko pagkatapos." Ako naman ang napatango ngayon.

Tinaas ko na ang kamay para parahin ang ang kulay yellow na jeep na papalapit.

"Sa Friday nalang niyan?" Umiling ako ulit. Biglang pumasok sa isip ko sila Gina.

"Baka mag-aya sila Gina mag-inom sa Friday. Pag nag-aya sila baka sumama ako. Nagtatampo na sa'kin, eh. Hindi ako nakasama ngayon pati nung mga nakaraan." Napabuntong hininga siya sa tabi ko. Natatawa ako sa reaksyon niya. Tinignan ko siya ng nakaka-eskandalo.

"Baka ikaw may miss sa'kin? Huwag ka masyadong malungkot, ako lang to," biro ko, namula na naman ng kaunti ang tenga niya pero hindi naman ang mukha. Ang cute niya kapag ganyan siya. Ang sarap tuloy pag-trip-an lagi.

Umiling-iling siya na parang ang laking biro ng sinabi ko. Kunot noo siya at halos magsalubong ang kilay pero may ngiti sa labi.

Tinitigan ko siya ng maiigi. Hindi siya nagpapahaba ng buhok kasi kailangan sa duty nila, wala rin siyang facial hair kasi bawal din daw, kaya pag titingnan mo parang ang linis-linis niya lagi. Gwapo si Kael, maamo ang mukha, medyo may pagkachinito pero hindi mukhang snob, hindi kagaya ko na may pagkachinita man mukha namang lagi daw nagtataray kung makatingin.

Hindi ko alam pa'no niya nagagawang maging gano'n. Parang kahit kailan hindi siya gagawa ng gulo o away. Sa itsura niya parang siya pa yung pag-a-awayan. Tapos ngayon naka-all-white uniform pa, mas lalo na. Matangos din ang ilong niya, katamtaman ang labi at ang puti niya pa.

Grabe! binabagayan siya ng course niya, ang unfair talaga. Kaya ang daming nagkaka-crush dito eh. Unang kita sa kanya ni Josh no'n, parang gusto na siyang ibulsa.

"Sumakay ka na, ayan na yung jeep mo." marahan na sabi nito. Inabot na din niya sa akin yung drafting tube ko.

"Sandali, Ikaw?" Nung di ko kinuha yung inaabot niya, siya na mismo ang nagsabit sa balikat ko.

"Uuwi ka na ba niyan?" Umiling lang siya at sandaling nilabas ang cellphone, tinignan ang oras.

Babalik pa siya sa school nila? Sumakay na lang ako sa pinakadulo ng jeep, yung malapit sa pinto. 

"Chat-chat nalang," I mouthed sabay pakita pa ng phone ko. Tumango lang siya. 

"Ingat," pahabol niya bago umandar ang sasakyan. Tinanaw niya lang ang pag-alis nito. Bago pa kami tuluyang makalayo nakita kong nag-tipa pa ito bago pumara na din ng kulay violet na jeep.

I immediately look at my phone.

Kael:

Ingat ka pauwi. Message ka 'pag nasa bahay ka na.

Ganito lang kami lagi. Mga isa o dalawang oras lang nagkikita. Hindi naman linggo linggo, minsan may mga buwan na hindi din talaga kami nagkikita lalo na kapag busy kami pareho. Kaya excited ako palagi kapag may time.

When Autumn Sings a Lullaby (Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon