XIV

1.6K 49 125
                                    

Nakauwi kami ni kuya Miko ng may ngiti sa labi, we enjoyed how we talked under the stars and the moon, 'yung halos bawat salita niya ay tumatatak sa puso ko. Iniisip ko tuloy kung tuluyan na akong nahulog sa kaniya, you know the feeling na, konting salita, konting galaw, konting tawa, buo na agad ang araw mo? Tapos todo pa tibok ng puso mo? Sa kaniya ko lang naramdaman ang gano'n.

"Salamat, kuya."

He pinched my cheeks. "I'm glad that you're happy."

Napatango ako. "Sobrang thank you talaga, ang unforgettable no'n."

"Okay, then. We will create another memorable moments next time, Dam." He put his hand on his pocket. "Ang saya mo rin nga pala kasama, I love your humor."

Then love me too!

I laughed, gaga talaga 'yang utak mo, Damiana.

"Pumasok ka na sa inyo, saka ako aalis 'pag nakapasok ka na."

Tumango ako, muli akong kumaway sa kaniya at ngumiti, patakbo akong pumasok sa bahay namin, muli akong sumilip sa pinto para tignan siya, he just waved his hand and  smiled. Nakangiti kong isinarado ang pinto, tumalikod ako at sumandal sa pinto habang dumadausdos ang kamay ko sa dibdib ko. My heart pounded like there's no tommorow. Ang saya.

Napatigil ako sa pag ngiti ng narinig kong tumunog ang phone ko. Naiwan ko nga pala 'yon sa coffee table, nang tumigil ang pagtunog nito ay saka lang ako napatakbo. Late reaction.

Nang kuhanin ko ito aya agad kong nakita ang ilang missed call galing kay Eros, napalunok ako nang may makita rin na ibang message sa galing kaniya.

From: Eros the Yelo

I already missed my friend.

From: Eros the Yelo

Gusto ko na agad umuwi.

From: Eros the Yelo

I will be back on Christmas day, what do you want? Iced coffee ala Eros? Hahaha.

From: Eros the Yelo

I'm waiting for your reply Miss. Yva.

From: Eros

On Christmas day, I will prepare some iced coffee for you with a twist, I hope you'll come. See u!

Napahikab ako matapos basahin ang mga mensahe ni Eros, napaka dami naman nito. Tinadtad pala ako nito ng text. As much as I want to respond, ayaw ng diwa ko. Humiga nalang ako sa sofa at inilagay ang phone ko sa coffee table, bukas nalang nga ako magrereply.

"Merry Christmas, Ma, Pa." I kissed their cheeks, bago ako umupo sa pwesto ko.

My mom kissed Dad's cheeks, na ikinangiti naman ni Papa. When Dy nodded, alam na namin na senyales iyon para magdasal. Siya kasi ang laging nagl-lead tuwing kumakain kami, since it Christmas, we prepared our prayer, na lahat kami ay magdarasal. I closed my eyes, gano'n rin ang pamilya ko. We uttered our prayer with our heart and soul.

"Amen."

Sabay sabay kaming dumilat at napangiti sa isa't isa, sabay sabay kaming kumain ng noche buena. Hindi naman gano'n karami ang hinanda namin since lima lang kami, sa noche buena hindi nawawala 'yung lechon at ham, the rest ay yung mga pasta and deserts na.

Nang matapos kaming kumain ay agad na nagkatinginan sila papa at mama. Nangangamoy pamasko ah.

"Children," Si Mama habang nililibot ang tingin sa aming tatlo. "We decided to have a date with your dad, alone."

"Mama walang bago." Biro ko.

Binelatan ako ni mama na parang bata bago kumapit sa braso ni Papa. "At dahil nga aalis kami bukas or mamaya. Dinagdagan namin ang pamasko niyo, you can check that on Blue's bank account. Ten thousand each, tipirin niyo. Hanggang next year niyong pamasko 'yon."

Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon