XXII

1.4K 36 56
                                    

Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong nagbukas ng twitter account, I started to stalk Eros. Nakita ko ang isa nitong tweet na pamilyar sa'kin, ito 'yung title ng ginawa niyang kanta. Nang pindutin ko iyon ay may nakita akong thread na ikinabigla ko.

Bakit nga ba ang manhid ko?

Kung hindi pa ako kinopronta ni Eros ay hindi ko malalamang gusto niya ako.

I am not everyone's cup of tea, maraming may ayaw sa ugali ko dahil tanga ako mag isip, ang over exaggerated ko. Kaya hindi ko alam kung bakit may mga nagkakagusto sa'kin, nanloloko ba sila? O prank?

O ginusto lang nila ako para lokohin?

Bumuntong hininga ako sa naisip ko at muling ibinalik ang atensyon sa tweet ni Eros. Agad akong humiga sa kama ko habang nakatitig doon. Gaano niya ba ako kagusto o kamahal? Bakit ganito?

Eros @EL_Guzman

Mananatiling...

Masama na ba akong tao kung sabihin kong hindi umabot si Eros kay kuya Miko? Ni kalingkingan ay hindi niya maabot? Masama na ba akong tao kung kailanman hindi sumagi sa isip ko na mahalin si Eros?

Hinahanap hanap ko lang ang presensya niya dahil nasanay ako pero hindi ko siya mahal.

"Ate! Hanap ka ni kuya Miko, narito siya!"

Ibinaba ko ang phone ko at bumangon. I took a deep breath, bahala na, gano'n ang alam ko e. Hindi ko mahal si Eros, 'yun lang, no explanations. Itinali ko muna ang buhok kong nakalugay, after that I licked my lower lip, natuyot kasi ito.

Agad akong bumaba, tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang alas otso na ng gabi, muli kong tinignan ang sala at nakita si kuya Miko na prenteng nakaupo roon. I waved my hand to catch his attention.

Nang makarating ako sa sala ay umupo ako sa tabi niya, he ruffled my hair and smiled.

"How are you?"

"Maayos lang po, kuya. Ikaw po?"

"I was tired, kanina. Also, I was having a bad day because of my brother, umuwi siya ng lasing."

My forehead creased. "Huh? Bakit po?"

"Hmm... hindi ko rin alam, naglalasing lang naman 'yon 'pag broken. I tried to ask him but he raised his voice to me. Hinayaan ko munang mapag isa."

Dahan dahan akong tumango. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Pero 'yon kasi ang totoo! Ayoko namang bigyan siya ng assurance tapos babaliwalain ko rin naman, giving someone a false hope is hurtful, mag o-overthink ang tao kakaasa. Mali ba ang ginawa ko?

"B-bakit ka nga pala narito, kuya?"


"I want to see you, sinabi ko sa'yong pagod ako kaya gusto kitang makita." Sumandal ito sa sandalan ng couch. "You're like a drug to me, bukod sa nakakaadik ka..." He looked at me and smiled. "Pinapawala mo ang pagod ko. Hindi ko kayang hindi ka makita sa loob ng isang araw."

I bit my lower lip to prevent myself from smiling. "Kuya, grabe 'yang linyahan mo."

He chuckled. "I'm sorry, it's my first time. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko,"

"Okay lang, kuya. Hindi ka nga nakaka bored unlike my ex's. Naku! Puro sila COD, ML o kaya PUBG, nasa tabi naman nila 'ko pero 'yung oras nila nasa mobile games e'. Eh ikaw kuya, napaka pure mo kaya."

"Talaga? I also play mobile games, Dam."

Napamaang ako. Aba! Hindi naman halata kay kuya Miko na naglalaro siya, puro kasi priorities ang inuuna niya tsaka wala rin sa itsura niya na marunong siyang maglaro.

Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon