I

11.8K 223 183
                                    

The way his jet-black hair bounces when he danced, ang katawan niyang sumasabay sa agos ng kanta, his strong expressions he made, a loud scream from the crowd when he smiles. The first time a saw a greek god dancing so fine with fire in the stage.

He's so perfect and... unreachable.

He's in front of me, dancing in the crowd with full of passion, but he's like a star, far away from me, Hindi ko maabot.

"Hoy! Aba, aba, aba. Anong tinginan 'yan? Inlababo ka 'no?" Hinampas ako ng aking pinsan na si Loreine.

"Pwede bang crush lang? In love kaagad? Kilabutan ka nga, walang true love sa 17 years old 'no?"

Muli na naman akong nakatanggap ng hampas sa pinsan ko, hinimas ko ang ulo ko kung saan niya ako hinampas. Bwisit! Ang bigat ng kamay, hindi ko na isasama 'to sa susunod. Ang amazona!

"Eh kung crush, dapat kanina ka pa nagtitili diyan. At isa pa, may true love sa 17 years old 'no! Palibhasa walang pumapatol sa'yo na ka edad mo, sa bata ka lang lapitin."

"Tandaan mo 'to, insan ha. 'yang lalaking sumasayaw sa stage na mas matanda sa'kin sana, mapapasakamay ko 'yan. Malakas kaya ang charm ng isang Damiana Yvaine Douzon."

Muli akong binatukan ng pinsan ko, napangiwi nalang ako. Araw araw nalang siyang nakakasakit, balang araw makakaganti rin ako sa demonyo na 'to.

Tumingin ulit ako sa stage at sa hindi inaasahan, his eyes were on me. Hindi ko alam kung ako nga pero para akong lumutang, I felt a butterflies on my stomach. It's normal to look at your audience pero kasi nag a-assume naman na ako, bakit hindi ko pa lubusin?

"Tara na, ma l-late na tayo."

Loreine grabbed my arms but I stopped her. "Teka lang, 'di pa nga tapos e'."

"Ay boba, mayroon ho tayong quiz sa pre-calculus."

Ngumuso ako. Nakakainis naman, ang ganda ganda ng simula ng araw ko tapos ipapaalala 'yang Pre-Calculus na 'yan e'. Nakaka puta ng buhay ang math, anong dulot sa'kin no'n pag nag doctor ako? Ano bang connect ng unit circle sa lamang loob?

"Pakopya nalang, dali na, sige na." Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa dibdib ko at ipinagdikit ang mga palad ko, I will please her.

"Wala rin akong alam." She shrugged.

I pouted, muli akong lumingon sa stage nang makitang emcee nalang ang naroon. Bumagsak ang balikat ko, hindi ko man lang nalaman 'yung pangalan nung sumasayaw kanina.

"Tara na nga." Aya ko sa pinsan ko.

Inilagay niya ang kaniyang kamay sa braso ko. May ganap kasi sa covered court kanina, for teachers 'yung program. Napasaktong lunch break namin saka ko na spot-an yung bago kong crush. Sana nga mas matanda siya sa'kin.

Sawang sawa na ako sa 15 at 16 years old.

Saktong pagkarating namin sa room ay wala pa ang teacher namin, umalis sa pagkakapit sa'kin si Loreine at pumunta nalang sa upuan niya, sure ba siyang 'di niya ako papakopyain? E' siya yung highest sa Pre cal! Wala raw alam.

"Yva! Halika, review tayo."

Napatingin ako sa kaibigan kong kumakaway sa'kin. "Ayoko. walang papasok sa utak ko, Heil."

Umupo nalang ako sa pwesto ko at isinandal ang baba ko sa aking palad, iniisip kung makaka survive pa ako sa strand na 'to. Bakit kasi ako nag stem?

May naramdaman akong lumapit sa akin at nakita kong si Heil 'yon, ang kulit talaga nito. Naghila siya ng isang arm chair at inilapit iyon sa akin bago siya umupo. Inilapag niya ang notebook niya, I looked at her notebook but I felt dizzy. Ano 'to? Ba't nakakahilo 'tong numbers?

Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon