XV

1.8K 47 82
                                    

Day passed by like a milisecond, mamayang midnight ay new year na, I thought it will be the same celebration again, 'yung may media noche sa hapag habang nanonood ng fireworks sa labas. Buti nalang inaya kami ni kuya Miko sa plaza mamaya for year-end celebration, isa kasi siya sa mga sasayaw mamaya. He's not a busy body kaya nakaka punta siya para sumayaw sa madla. I didn't know that he's famous, mayroon siyang sampung libong followers sa kaniyang facebook account and counting.

Marami pala akong kaagaw sa kaniya.

"May career na pala siya, pero nag aaral pa rin siya ng engineering 'no?" Loreine asked while she's putting a powder on her face.

"Oo, baka gusto niyang maging engineer saka dancer at the same time?" Ako naman ang nagtanong.

Ibinaba ni Loreine ang kaniyang pulbos sa kaniyang vanity bago pinihit ang sarili paharap sa akin, her both hands was gripping her vanity table, nakasandal siya roon.

"Is it possible?"

I shrugged. "I guess?"

She chuckled, humalukipkip ito at binatukan ako. I glared at her for a second, tarantadong 'to, nagiging amazona na naman.

"Boba ka! Mag imbistiga ka pa, ang hina mo naman."

"Wow ha! Ikaw gumawa, sige." I rolled my eyes.

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto niya. "Hintayin kita sa bahay ng eight pm, mauuna tayong pupunta sa plaza. Pag wala ka pa ng eight pm, iiwanan kita."

"Noted! Pupunta ako ng seven fifty-nine!" Napahalakhak ito.

"Gago!"

Tinawanan kami ni tita, mama ni Loreine. Inalok pa ako nito ng kinakain niya pero tumanggi ako, tita Lorena is my mom's bestfriend, kaya pati ang mga habit at ugali nila ay halos pareho, hindi nga rin nila inaasahan na magiging asawa si tita Lorena ni tito Von, na kapatid naman ni Mama.

Kumaway ako kay tita Lorena at patalon talong naglakad papuntang bahay, nang makarating ako sa bahay ay tapos na mamili sila mama ng prutas, agad kong hinalukat ang paper bag na pinaglagyan ng prutas at hinanap ang grapes doon.

"Wala pang new year, ubos na grapes natin." Suway ni mama.

"Isa lang, ma."

"Isang buong balot ng plastic." Pagtatama nito.

Hindi ko nalang pinansin si mama, tinanggal ko sa plastic ang grapes at hinugasan iyon, kumuha ako ng isang tangkay na alam kong maramin nakakabit na ubas, ang natira naman ay nilagay ko sa ref. Umupo ako sa sala habang hawak hawak ang grapes. Umupo sa tabi ko si Dy habang kumakain naman ng mansanas, bukod sa'kin ay nakaayos na rin siya para sa year end celebration mamaya sa plaza.

Ang suot ko lang ay squared neck red croptop at ripped jeans, naka sandals rin ako pero hindi iyon kataasan, ayokong umuwi ng ika ika. Si Dy naman ay may red sando sa panloob at neon green na polka dots ang blazer niya na croptop rin, she's also wearing a highwaisted jeans.

Dinaig pa ako nito pumorma.

Or baka naman, pangit lang fashion sense ko?

"Saan si kuya Blue?"

"Nasa plaza na, nando'n silang lahat." She looked at me.

Lumipas ang oras at 'di ko namalayang seven thirty na pala ng gabi, nakatulog kasi ako sa sofa habang nanonood ng larva, if Loreine didn't knock on our house, hindi pa ako magigising.

"Aga mo Loreine." Nagtatakang tanong ni Mama nang pinapasok nito si Loreine.

"Si Yva po kasi, excited..." She said while smiling.

Ineffable Decision (STEMANIANS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon