KABANATA 10

154 3 1
                                    

A/N : itong Chapter na to Dedicated ko na po kay AgentYellow26Rymskie .. Salamat sa palaging pag VOTE & COMMENT :)

/enjoy reading ..

...

SMG

Stacey POV

Kinabukasan..

Papunta na ko ngayon sa presinto para sunduin si Cassey , kamusta naman kaya yung babae na yun ? Nag overnight sa kulungan kasama yung isang leader ng gang at yung isang mukang ewan , ang sensitive naman kasi nya ayaw na ayaw yung basta basta na lang hinahawakan kaya naman palagi na lang napapaaway , hays ok lang naman siguro sya dun kaya na naman nya sarili nya eh

..

Pag dating ko dun , nakita ko si Cristian na papasok din sa loob ..

"Cristian!" Tawag ko sa kanya kaya naman tumingin sya sakin

"Uy, susunduin mo narin kapatid mo?"

"Yeah. Tara" sabi ko tapos sabay na kaming pumunta kung saan naka kulong yung dalawa

Pag dating namin dun napangiti ako , ang sweet lang kasi ng dating nila .. Si Cassey naka sandal yung ulo nya kay Matteo , si Matteo naman nakasandal yung ulo nya sa ulo ni Cassey .. At parehas pa silang nakanganga .. Yuck ! Buti di natulo yung laway nila , kinuha ko yung phone ko kukunan ko ng picture tong dalawa na to, para may remembrance sila together haha

"Huy , anong gagawin mo?" Tanung ni Cristian

"Ssshhh.. Kukunana ko lang sila ng picture" sabi ko, at nung na captured ko na sakto naman na nagising na si Cassey .. Kinusot muna yung mata nya tapos nag unat , napatingin sya sa katabi nya sabay tulak dito na dahilan para magising si Matteo

"Psh! Ano ba ha?! Bastos ka? Natutulog yung tao eh!" Galit na sabi ni Matteo

"Wala akong pakelam kung natutulog ka! Diba sabi ko sayo wag kang lalapit sakin? Ba't nasa tabi kita ha?!" Sigaw ni Cassey sa kanya

"Alam mo ang arte mo!" Sigaw din ni Matteo tapos tumayo na sya

"Aso't pusa" sabay naming sabi ni Cristian

"Hoy kayo, ang ingay nyo.. Sige na makakalabas na kayo jan" sabi nung pulis tapos binuksan na yung selda nila , unang lumabas si Matteo na nakabusangot yung muka

"Tara na Cris!" Sigaw nya

"Pasensya na ha, ayaw kasi nun sa lahat nung ginigising sya" sabi ni Cristian

"Edi pabalikin mo sya dito! Ang arte nya!" Sabi ni Cassey tapos nag lakad na sya

"Pasensya na ha, pinag lihi kasi yun sa sama ng loob" sabi ko kay Cristian , ngumiti lang sya tapos sumunod na ako kay Cassey

..

Cassey POV

Ang arte arte ayaw gisinging ! Edi pakamatay na sya para wala na talagang mag abalang gising sya ! Nakakaasar ! sabi ko wag lalapit sakin pag tapos pag gising ko sya katabi ko ! Ugh !

"Bastos sya ! Natutulog ako tapos itutulak ako" narinig kong sabi ni Matteo kaya lumapit ako sa kanya at binatukan sya

"Aray ! Ano ba ha ?! Kanina ka pa !" Sigaw nya sakin

"Pakelam ko kung natutulog ka? Basta ayoko sa lahat yung basta basta kang lalapit sakin!" Sigaw ko din sa kanya

"Ah suntukan na yan!" Sabi nung lalaking bano na kasama namin sa kulungan

Gang vs. Gang Equals Love ? [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon