KABANATA 12 - Lover Boy

89 5 0
                                    

UBG

Matteo POV

Kinabukasan..

"Hi Cassey" sabi ko pag pasok ko sa bahay nila

"Anung gingawa mo dito?" Irita nyang tanong

"Ihahatid ko kayo sa school" sabi ko

"Wow improvement ha , di kana kailangan pang gisingin" sarcastic nyang sabi

"Syempre ako pa.. Tara na" sabi ko pero tinaasan lang nya ko ng isang kilay

"Hindi ako mag papadrive sayo ngayon kaya makakaalis kana"

"Ha? Gumising pa naman ako ng maaga tapos di ka naman pala mag papadrive" naiinis kong sabi

"So kasalanan ko ? Tara na Stacey" sabi nya tapos lumabas na sila .. Napailing na lang ako

Pag labas ko ng bahay nila , umalis narin yung cotse nya.. Kaya naman sumakay narin ako sa cotse ko , nung mejo nakalayo na ako sa kanila inihinto ko muna yung cotse ko

"Makakababa kana" sabi ko dito sa lalaki na nakasakay sa cotse ko

"Sige sir" sabi nya tapos bumaba na sya ..

Nung sinarado na nya yung pinto ng cotse , napangisi ako .. Di naman talaga kasi ako pumunta ng gantong kaaga sa bahay nila Cassey para sunduin sila , namiss ko kasing inisin ang amazonang babaeng yun kaya naman pinabutas ko yung gulong nya at buti na lang di sya sumabay sakin ngayon dahil kundi palpak ang plano ko..

Binilisan ko yung pag takbo ng cotse ko, panigurado kasing sa mga oras na to nakahinto na sila , at di naman ako nag kamali .. Dahil di nag tagal nakita ko na yung cotse nila at nasa labas na sila ..

Inihinto ko yung cotse ko sa tapat nila at binaba ko yung right window ng cotse

"Oy ng yari ? Bakit nakahinto kayo jan?" Pa inosente kong tanong

"Nabutas yung gulong ng cotse" sagot ni Stacey

"Oww ganun ba ? Kawawa naman kayo .. Ah nga pala una na ako ha , tutal di naman mag papadrive sakin si Cassey ngayon .. Oh pano babye" sarcastic kong sabi sabay wink kay Cassey tapos pinaandar ko na yung cotse

Halatang inis na inis na si Cassey , buti nga sa kanya taray nya kasi eh .. So pano ba yan 1 point for Matteo :)

--

SMG

Cassey POV

"Ugh ! Bwiset talaga yang Matteo na yan ! Lakas mang asar !" Inis na inis kong sabi

"So pano na yan sis? Late na tayo" sabi ni Stacey

"Sinu ba kasi bumutas ng gulong na yan ha!"

"Aba malay ko!" Sagot nya

Nakakaasar ! Ayos pa yan nung isang araw tapos ngayon butas na ! Bwiset ang malas naman ng araw na to !

Beep ! May humintong sasakyan sa tapat namin..

"My problema ba kayo jan?" Tanung ng lalaki tapos bumaba to sa cotse nya

"Oh Cassey ikaw pala yan" sabi pa nya nung nakita nya ko..

Nag cross arms ako tapos tinaasan ko sya ng isang kilay

"Don't call my name di tayo close" irita kong sabi sa kanya

"So anong gusto mong tawag ko sayo? Avila ?" Nakangisi nyang tanong

Gang vs. Gang Equals Love ? [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon